Part 5: Tale of a teenage amnesiac

55 3 1
                                    


"Miles, Iha I need a hand here."

"Papunta na po ako dyan Senior Delilah."

Mag-iisang buwan na ako rito sa Mansion. Time flies so fast sabi nga nila. At first nahirapan ako mag-adjust syempre. Gabi-gabi akong hindi makatulog ng ayos. Well, noon pa man may insomnia na talaga ako kaya naman ganon nalang ako kahirap sa pagtulog. Sa araw-araw na pag-gising ko naman dito ay hindi mawawala ang pag-aasikaso ko kay Sebastian na napag-alaman kong kadi-discharged lang pala sa hospital noong unang punta ko rito. Nabanggit ni Senior Delilah sakin ang aksidenteng nangyare sa kanya 1 year ago and I also learned that he has an amnesia. Sa isang taon na pagiging comatose ni Sebastian, nagising na lamang daw ito ng walang matandaan na kahit na ano. That's what I've known so far and the rest is history nadaw. siguro hindi lang talaga nila pinag-uusapan ang tungkol doon dito sa Mansion kaya nanahimik na lamang ako kahit may mga ilang bagay pa akong gustong itanong.

Sa apat na linggo ng pananatili ko rito ay unti-unti kong natutunan ang custom nila rito sa mansion. Alam ko na ang dapat at ang mga hindi dapat gawin. Sanay narin akong pakisamahan si Sebastian kaya sa halip na magreklamo ay inintindi ko na lamang ang ugali nito lalo pat napag-alaman kong hanggang ngayon pala ay nag-aadjust parin ito sa Mansion gaya ko. Well, That explains why he never left his room. Malamig ang pakikitungo niya sa mga tao rito sa Mansion miski sa Girlfriend niyang si Miss Corrine na Twice a week kung bumisita dito.

Minsan napapaisip ako. Ano kayang pakiramdam ng magising ka mula sa isang taon mong pagtulog? Bukod sa pagkawala ng memorya, ano ano pa kaya ang posibleng magbago? Is it possible to reinvent yourself? What would you loose or gain in the process? Anong pakiramdam na makasalamuha mo ang mga taong pamilyar sayo pero hindi mo matandaan kung sino? You see, there are so many things that I wanted to ask him pero hindi naman kami ganon ka-close para magkaroon ng ganoong klaseng conversation. Kahit si Miss Jasmine hindi niya makausap ng matino si Sebastian dahil napakatipid lagi nitong sumagot.

Pero there's this one time na nakausap ko siya ng matagal tungkol doon sa librong palagi niyang dala-dala na hindi niya naman binabasa. That was when we got home pagkatapos namin mag-enroll sa University. Yup, enrolled na ako and next month isa na akong ganap na kolehiyala. Pero balik tayo sa libro. Gustong malaman ni Sebastian kung anong nangyare sa story, Kung saan ito nauwi at kung anong klaseng ending ang meron ito. Hindi ko alam kung bakit interesadong-interesado siya doon at hindi ko rin naman maintindihan kung bakit hindi niya nalang iyon basahin kesa i-spoil ko sa kanya ang buong kwento. Sabi niya tinamad na raw siyang tapusin pero curious parin siya. at ako naman na nakalimutan na ang nangyare? Heto at binabasa kong muli ang libro para sa kanya. Nakakapag-usap lang kami ng matagal kapag tungkol sa librong yun ang topic. Memoirs of a teenage amnesiac. Yun ang title ng libro. Ang sabi niya galing daw iyon sa Pinsan niyang nasa Canada ngayon. I heard her name is Meridith at pauwi narin daw ito next month. I just hope she's normal unlike Miss Jasmine.

Maliban sa lahat ng yan ay unti-unti nadin akong nagiging kumportable sa lugar na ito. Hindi rin naman nawawala ang mga messages ni Tim sa araw-araw na pag-gising ko bago ko simulan ang aking trabaho dito sa Mansion. Kada umaga mensahe niya ang una kong nababasa. He said that he's improving na, thanks for my absence. He is proud about it kasi for the first time daw ay hindi na niya kinailangan ang tulong ko. I was the one who is always cleaning after his mess kasi. pero simula daw noong umalis ako? Natutunan niya na raw ayusin ang sarili niyang problema without depending on me. sana lang nagsasabi siya ng totoo. Binalitaan niya rin ako tungkol sa kasal ni Mommy na hindi ko na nagawang puntahan. He said the wedding went well naman daw pero mas naging masaya raw siguro si Mommy kung nandon ako. Who cares?

Anyways..... Balik tayo sa Mansion. Well, Kung tatanungin niyo ako ay napasok ko na ata ang lahat ng kwarto rito maliban nalang doon sa isa. Sa secret room na never ko nakitang binuksan ng kahit na sino dito sa mansion. Hanggang ngayon curious parin ako kung anong meron sa loob noon. Isang araw nga napatayo ako sa harapan ng pinto nito. Hindi ko iyon binabalak buksan, I was just guessing what's inside that room pero kung sabihan ako ng ilang mga katulong na nakakita sakin doon ay daig ko pa ang nakagawa ng isang napakabigat na kasalanan. That's how strict they are when it comes to that room kaya hindi ko maiwasan ang hindi ma-curious. Sabi ni Daisy; The less I know, the better daw. pero curiosity kills the cat, they say so I can't help but wonder about all the secrecy in that room. Gusto ko iyon pasukin ng sa ganon ay matahimik na ako. But how?

The lost memories of Sebastian GreyWhere stories live. Discover now