Senior Delilah
________________Alas Singko ng madaling araw nang magising ako sa tawag ng aking trabaho. Nakasanayan ko na ang magising ng maaga sa labingdalawang taong pananatili ko rito sa mansion. Gaya ng aking ginagawa noon pa man ay uunahin kong pumunta sa kusina para siguraduhing nagsisimula ng maghanda ng umagahan ang cook para sa mga body guards na kasali sa Night shift. Nakagawian na nilang mag-almusal muna rito bago makipagpalit ng shift at bago tuluyang umuwi sa kani-kanilang mga tirahan. Bago ang may-ari ng bahay ay nauunang mag-umagahan ang mga katulong dito dahil pagkatapos noon ay doon na magsisimula ang kanilang trabaho, at natatapos naman iyon twing alas dyes ng gabi pagkatapos naman nilang maghapunan.
Paakyat pa lamang sana ako sa ikatlong palapag para siguraduhing gising na si Miles, ngunit hindi pa ako nakakatatlong hakbang sa hagdanan ay nasalubong ko na ito. Bihis na bihis at tila bay may balak itong umalis ngayong umaga.
"Senior Delilah."
Napansin kong may kakaiba sa kanyang boses. hindi ito gaya ng kanyang normal na boses. Nangamba ako kay minabuti kong magtanong sa dalaga. "May problema kaba, iha?"
"Pwede po ba akong umuwi muna kahit ngayong araw lang? I really need to go home right now."- Pakiusap niya. "Hindi po ako tatakas. Babalik rin po ako kinabukasan."
"Pwede ko bang malaman kung anong nangyayare?"
"Meron lang po akong kailangang bisitahin sa hospital. Please po payagan niyo po ako."- Desperadong pagmamakaawa niya. Hindi ko lubos maisip kung bakit kinailangan niya pang magmakaawa ng ganoon sa aking harapan. sa tingin niya ba ay hindi ko siya papayagan? Hindi naman maaari yun lalo pat may mga taong nangangailangan sa kanya.
Hinawakan ko ang kanyang kamay saka ko sinabi sa kanyang pwede siyang umalis. Maluha-luha siyang ngumiti at nagmadaling lumabas. Alam kong wala siyang masasakyan sa ganitong oras kaya minarapat kong pasundan siya kay roberto para ihatid ito sa bayan. Ngayong paalis siya ay ako na muna ang pumanhik sa itaas para dalhan ng umagahan si Sebastian gaya ng palagi kong ginagawa noon sa twing biglaang nagre-resign ang dati nitong mga katulong. Walang tumatagal sa batang iyon, ewan ko nalang siguro kay Miles.
"Where's bumblebee?"- Bungad sa akin ni Sebastian pagpasok ko sa kanyang silid. Hindi ko inaasahang maaga siyang magigising ngayon. Naabutan ko siyang nakaupo sa gitna ng kanyang kama na tila bay mayroong iniintay.
"Bumblebee ba kamo ang sinabi mo, iho?"- Nalilitong naitanong ko sa kanya.
Nakita ko naman ang kanyang pagngisi kasabay ng kanyang pag-iling. "It's Miles, The Maid."- Wika niya. "She was wearing a dress last night. black and yellow stripes. I thought the color was familiar and the first thing that popped into my mind was the name bumblebee. That's why I decided to call her that. I didn't noticed it till I wake up today."
Ibig bang sabihin ng batang ito ay si Miles ang kanyang unang naisip pagmulat ng kanyang mata?
"Where is she, Senior Delilah?"- Muling naitanong ni Sebastian. Ito ang unang pagkakataon na hinanap niya ang kanyang personal maid.
"Have you been sitting here, waiting for her?"
"No?"- pagtanggi niya. "I was just------
"Umalis siya ngayong umaga."- sabi ko bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin.
"What?"- Halata ang pagka-dismaya sa kanyang boses at mukha. "Don't tell me she quit? Did I do something wrong? What did she tell you?"
"Nothing, iho."- Tinapik ko ang kanyang balikat saka ko sinabing; "Babalik rin si Miles bukas."
"She better be."
"That's what she said. May isang salita ang batang yun."
Tumango-tango na lamang si Sebastian saka ito napatingin sa pagkaing dala ko.