"I'd like to know what happened to Naomi, Will and Ace."Napabuntong hininga ako. Eto na naman po tayo.
Mula noong nalaman ni Sebastian na alam ko ang librong yoon ay halos araw-araw na niya akong kinukulit tungkol dun. Minsan nauuna pa siyang magising sakin para lamang magkaroon kami ng sapat na oras para pag-usapan ang istorya. Madalas wala na akong ibang nagagawa sa mansion dahil wala siyang ibang gusto kundi ang makipag-discuss sakin tungkol sa libro. kulang na nga lang ay tabihan ko siya sa pagtulog para lamang matapos namin ang kwento eh. Para siyang isang batang hindi makakatulog pag walang bed time stories. Naiintindihan kong nakaka-relate siya sa libro, pero hindi ba parang sobra-sobra naman ata ang interes na meron siya dito?
Sa totoo lang hindi ko naman talaga hilig ang magbasa ng libro, pero dahil kay Sebastian unti-unti kong napapansin na nalilibang na ako sa twing magbabasa ako. Naging madalang narin ang pag-gamit ko ng gadgets at paglalaro ko ng online games na hindi ko magawang talikuran noon. Simula noong namusakan ako dito napansin kong ang dami ng nagbago. Unti-unti na akong nasasanay sa pagiging Morning person ko rito, Hindi ko narin magawang matulog ng late dahil madalas akong pagod sa trabaho ko kaya naman madali na akong antukin. at ang pinakamagandang pagbabago? Yun ay ang unti-unting pagkawala ng insomnia ko.
Everything is good except for one thing.Homesick.
"Miles, I need you to come down for a moment."
"Is she your personal maid, Jasmine?"- Asar na sambit ni Sebastian sa kanyang pinsan. "Napapansin kong parati ka nalang may inuutos sa kanya. Hindi mo ba nakikitang may pinag-uusapan kami?"
"I can't even borrow my cousin's personal maid now?"- Napailing si Miss Jasmine. "Nasa Airport na si ate Meridith just so you know. Everyone of us is busy in this mansion, hindi ba pwedeng humingi ng tulong sa maid mo?"
"Wait, what did you just said?"- Nakakunot-noong tanong ni Sebastian. "Meridith is here?"
"Do you remember her na?"
"No, but they told me next month pa siya darating, diba?"
"Umuwi na siya agad for your birthday. Bukas nayun diba? Aren't you excited?"
Umiling si Sebastian. "Is it really necessary to throw a big party?"- He asked. "I mean, what for? I probably won't remember most of them anyway."
"You are the Soul heir, Sebastian. Malamang dapat engrande. Maraming constituents and clients ng Dad mo ang darating. I heard pati yung ilang sikat na politicians and businessmen darating rin. They want to meet the future of G-group so why not show them what you got? The least we can do is to give you a party that will make them feel jealous about your existence."
Napailing ako sa sinabing yun ni Miss
Jasmine. Yan naba ang importante sa mayamang katulad niya? All she ever care about is to brag the luxurious life they have. A party that will make them feel jealous of Sebastian's existence? Seryoso, yun pa ang naisip niya sa halip na yung kalagayan ng pinsan niya ang i-prioritize nila? Nagplano sila ng malaking party para kay Sebastian pero hindi manlang nila tinanong kung magugustuhan ba ito ng celebrant. To think of it kasi, Sebastian was right. Para saan ang malaking party kung wala naman nga siyang maalala na kahit na ano from his past diba? It's just a waste of time and most importantly, money. Imagine being in a party full of unfamiliar faces? Yung lahat sila lalapit at ngingiti sayo, babatiin ka, makikipag-kwentuhan pero hindi mo naman alam kung sino sila? Wala kang ideya kung anong naging ambag nila sa buhay mo. Hindi ba parang ang uncomfortable non para kay Sebastian? Paano siya makikipag-socialize in his condition? Hindi manlang ba nila inisip kung makakabuti ba ito sa kanya o hindi? Tsk. Palibasa kasi marami silang pera kaya wala lang sa kanila ang gumasta ng napakalaking halaga ng pera."Don't worry, Sebastian. Alam nila ang sitwasyon mo so I'm sure they won't pressure you."
Oh yeah?
"For now, Let me borrow Miles. I really need her."
Need her my ass. Tss
_____________________
"Miles, iha."
"Miles?"
