Chapter 70:War Part 2

594 17 0
                                    

Erina's POV

Ng marating namin ang naasign na lugar ni Airah ay nandun na nakapwesto ang aming mga kasamahan. Pero yun ay aming akala lamang...

"Augh!"daing ni Minho.

"Itigil niyo na 'yan!ako na lang ang saktan niyo, pakiusap itigil niyo na 'to?!" pagmamakaawa ko sa kanila.
Ng makarating kami dito...

Hawak ng dalawang lalaki si Minho habang bugbog sarado siya. Mas pinili ni Minho na siya ang masaktan kesa ako ang bugbogin, pero ayoko talaga sa ganito.

"Ano,Erina isusuko mo na ba?"
tanong ni Mayuri.

Sinulyapan ko si Minho,pero umiling siya. Pasimpleng kinakalagan ko ang sarili ko gamit ang aking earth dagger. Nakatali ako sa isang maitim na poste na kanila pa mismong ginawa.

"Gaga ka ba ha?Hinding-hindi ko ito isusuko, patawad Minho"sabi ko.

"Kung ganun,magpaalam ka na sa minamahal mo" sabi ni Mayuri saka sana sasaksakin si Minho pero...

Gumawa ako agad ng vines pagkasabi ko sa salitang yun saka hinila si Minho palayo doon at ako ang sumalo sa sandata niya gamit ang shield ko kaya isang malaking pagsabog ang umalingawngaw.

"Hindi ako papayag sa nais mo, gagawa at gagawa ako ng paraan wala lang akong isakripisyo!" sigaw ko saka pinalindol ng malakas itong kinatatayuan namin.

Saka ko pinaangat ang mga ugat ng puno dito at pinasugod sa mga kalaban na nandito. Biglang naglaho si Mayuri. Lahat ng mga black elementals na nandito ay namatay lahat maliban sa sampung heneral ng mga hukbo ni Akera na nandito pa rin at nakangising nakaharap sa amin.

Agad kong nilapitan si Minho na sugatan at bugbog sarado. Yinakap ko siya dahil sa pagkakahila ko ay mas nadagdagan pa ang sugat niya at sakit sa katawan. Pinasandal ko siya sa isang puno at agad akong gumawa ng earth barrier saka doon ko ginamot si Minho.

"Aldasteru mina healdalia erus Minho"
sambit kong orasyon para gamutin si Minho. Umilaw ang mga sugat niya ng kulay dilaw saka naglaho ang mga ito kasabay ng pagkawala ng malay ni Minho.

Napangiti ako dahil sa wakas okay na siya. Hinalikan ko siya sa noo niya saka ako tumayo.

"Paalam na muna,pangako mananalo ako" sambit ko saka lumabas ng barrier.

Pinalakas ko ang barrier na kaniyang kinalalagyan para walang mangyaring masama sa kaniya at mas lalong makagalaw sa kaniya.

Matapos ang mga bagay na yun ay hinarap ko sila. Tiningnan ko ang kwentas na nais nila, hinding-hindi ko 'to ibibigay sa kanila.

Napasulyap ako sa kanila.
Seyoso? ang dami nila,matalo ko kaya sila?Lord,kayo na ang bahala sa'kin jusme naman...

"Ano... handa ka na bang mamatay?" tanong nung isang babae na sa tingin ko ay isang werewolf,mga taksil na taong lobo walang kwenta!

Pinapungay ko ang mga mata ko.
Saka unti-unting pinaangat ang mga vines dito sa aking paligid at saka nilagyan ng mga tinik. Matapos nun ay nagtawag ako ng mga earth golemn,at earth dragons.

"Kung hindi ko kaya ang bilang niyo at kampante kayo dun pwes,gagawa ako ng paraan para matapatan ko kayo"sambit ko saka pinasugod sa kanila ang matinik kong vines na kaniya namang pinuputol pero guess what hindi ito mauubos dahil habang napuputol ito ay mas lalo itong lumalakas at humahaba.

Mayamaya ay napuluputan na sila ng mga ito.Kaya naman ay pinasugod ko na ang iba ko pang earth creatures.Ang iba ay nakita kong dinurog na ang mga katawan ng mga earth golemn ko. Habang kalahati naman sa mga ginawa kong earth creatures ang namatay na.

The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon