Chapter 6:Class-C

2.5K 81 0
                                    

Flame's POV

Nagising kaming apat ng maaga.Sabi kasi dito sa sulat na ibinigay sa amin ni Miss Glow na 7:00 AM ang start ng klase kaya naman ito kami,maagang nagising at ginawa ang aming mga morning rituals.

"Ano kaya ang mangyayari sa atin mamaya?" tanong ni Erina saka isinubo ang kinakain niya.

"Ewan or maybe just the typical first day at school thing" tugon ko naman saka uminom ng tubig.

"Sana naman tratuhin nila tayo ng maayos, ang mas malala pa eh kung magtake advantage sila sa
atin dahil wala tayong powers of some sort at ma-bully pa tayo"
turan naman ni Airah saka tumayo dahil tapos na siyang kumain at iniligpit na niya ang kaniyang pinagkainan.

"Subukan lang nila"
turan ko naman.

Matapos naming kumain ay nag-ayos na kami ng aming mga sarili at naghanda para umalis na.

"Ang ganda ko naman talaga"
sabi naman ni Erina habang nakatingin sa sarili diyan sa salamin.

"Tss,maganda raw"
turan ko naman ng pabulong.

Maya-maya ay tinawag naman kami muna ni Arianna at kaniya daw babalutan ng mga tela ang aming mga birthmark para daw safe.

"Halika dito,Erina isuot mo itong scarf na ito,for your safety naman"nakangiting turan ni Arianna saka ipinalibot sa leeg ni Erina ang scarf na yun.

Pero infairness ang ganda nung scarf. Hindi pangwinter kasi maliit lang siya. Mukha nga lang paturtle neck eh.Kasi ipinasok niya sa loob ng damit ni Erina yung excess ng tela, okay, siya na ang magaling!

"Halika,Flame.Ikaw naman." nakangiti niyang turan. Ginawa naman din niya ang ginawa niya kay Erina.

Besides nasa leeg naman ang kay Erina at batok yun sakin .Brown ang kay Erina red naman itong scarf ko.

"Ikaw naman ang sunod,Airah"turan niya kaya naman lumapit na si Airah.

Dahil sa above the knee yung skirt namin as uniform ng academy na 'to.Ay tinalian ni Arianna ang leg ni Airah.Pero para hindi daw weird ay iniribbon niya ang likod nun para fashion lang.

"Girls halina tayo"
tawag naman ni Airah sa amin kaya lumabas na kami.

Tinalian naman ni Arianna ang sarili niyang birthmark at ipinasok niya yung excess ng tela sa loob ng manggas ng blouse niya.

Nang makalabas na kami ay pinagtinginan kami ng mga kapwa naming estudyante dito.Well,sa ganda ba naming apat hindi ba sila maiinggit at mabibighani?

"Sila diba yung transferee?"

"Oo sila nga,taga-mortal world daw"

"Tsss,mahihina ang mga yan"

"Tama"

Gaya ng inaasahan,kung may mga positive comments there will always be negative ones.At hindi ito laging mapapasaan.

Kung makapanlait para namang malakas.Eh sa awra pa lang nila mukhang mga talunan.

"Guys,panglast section pala tayo"
Anunsiyo ni Airah habang nakaharap sa kulay black na door.

"Dapat na nating asahan ito kasi naman hindi pa natin napapalabas ang mga kapangyarihan natin. Do we even have any?" turan naman ni Arianna.

Nang buksan namin ang pintuan ay napatingin silang lahat sa amin.Saka naman may biglang bumato ng snowball at sa mukha ko yun tumama.Nagtawanan naman silang lahat—what the hell first day of school may nambu-bully na.

Hinanap ko naman ang nambato.May biglang tumayong babae mula sa likod na may puting buhok at bluish na mata saka mataray na inirapan ako.

Habang nakatayo ako dito sa front.
Sa isip ko ay binubugbog ko na siya at inilalampaso ang makapal niyang mukha sa sahig.

Bigla namang may dumating na babae and I guess she's the teacher, and so I was right, plus she introduced us to this godforsaken class.

"Students,sila ang mga bago niyong classmates,mga mula sila sa mundo ng mga tao.So treat them well,introduce yourself girls"turan ni Maam Cruz.

"Airah Jennison De Luca"
turan ni Airah saka nagbow.

"Ang ganda naman niya"

"Parang may pagkamaldita"

Bulongan ng mga 'classmates namin.

"Flame Shane De Luca"
turan ko naman. Duh,hindi na ako nagbow hindi naman ako nagperform.

"Pft, her name is so obvious"

"Hindi ko gusto kung paano siya tumingin"

Mga bulongan naman nila tungkol sa akin. Actually,natatawa ako sa kanila, bulong pa ba yun?Kasi rinig na rinig ko naman. Do they really need to have anything to say? Pwede namang manahimik sila!

"Ako naman po si Arianna Crystal De Luca,ikinagagalak ko po na makilala kayo"nakangiting pakilala ni Arianna.

Napakainosente naman ng maganda niyang mukha, this is why I really like this side of my sister and well... I hate her too, she's far too kind to the point na nakakasilaw na!

"Ang bait naman niya,hindi nakakatakot na iaproach"

"Tama,magpakilala tayo mamaya"

Kung makalapit kayo sa kaniya,tingnan natin kung makalapit kayo.

"Ako naman si Erina Nathalia, nice to meet you po" nakangiting turan ni Nathalia saka kumindat pa.

"Maraming salamat girls,you may take your seat"turan ni Maam kaya naman umupo na kami sa likod.

Saka naman maya-maya ay nagsimula nang magdiscuss si Ma'am.Napatingin naman ako sa bintana.Hindi maganda ang nararamdaman ko, parang hindi maganda ang mangyayari bukas.























~~~~~~~~~~~


The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon