Chapter 56:Kingdom

802 26 0
                                    

Arianna's POV

Nagising ako sa isang kwarto na malaki at may nakalambitin na malalaking chandelier. Napakalaki ng kwarto na tumambad sa aking paningin.

Nasaan na kaya ako?
Tumayo na 'ko at sumilip sa bintana at nakakita ako ng fountain sa labas at ang mga bulaklak na natatanaw ko mula siguro sa garden dito.

Ang huli kong naalala ay nahimatay si Airah kasabay ng pagkawala rin ng aking malay and voila nagising ako dito na sa kwarto na 'to.

"Ano kayang nangyari?"tanong ko sa sarili ko saka tumingin sa likod ko.

"Kumusta ang tulog?"tanong ni Akihito na ngayon ay nakaupo na sa kama ko.

Teka,saan siya galing?
Pano siya nakapasok dito ng hindi ko man lang napapansin?Pano nangyari yun?

"T-Teka,pano ka nakapasok dito?"tanong ko sa kaniya. Imposible naman na hindi ko siya napansin ah...

"Relax,nakapasok na ako dito ng makita kitang nakatayo diyan sa bintana at nakadungaw. Ito nga pala ang mga pagkain, kumain ka na muna"sabi niya saka itinuro ang tray ng pagkain na dala niya.

Napakunot na lang ako ng noo ko dahil sa napansin ko. Bakit may kwentas siya na ganyan, napaluha pa tuloy ako.

"T-Teka ganyan mo na ba ako kamiss kaya umiiyak ka ngayon?Please lang huwag kang umiyak nakakataranta ka eh,baka kung ano pa ang sabihin nila pagnakita ka nilang umiiyak at hindi pa ako makalabas ng buhay dito sa kwarto mo"sabi niya. Actually wala akong masyadong naintindihan sa sinabi niya, pano ba eh ang bilis nilang magsalita,tss...

Linapitan ko siya saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi, iniharap ko siya sa akin. Natahimik siya at natigilan ng sandali.

"Gusto ko lang itanong kung saan mo nakuha ang kwentas na 'yan?At bakit ngayon ko lang 'yan nakita?Kanino o saan ba yan galing?" mahinahon at sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Itinaas naman niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko. Kaya naman ay bumuntong hininga na lang muna ako saka umupo sa gilid ng kama ko paharap sa bintana.

"Pasensya ka na,sabihin mo.
Ilang oras o minuto na ba akong nakatulog?"tanong ko sa kaniya.
Tumawa naman siya ng mahina saka tumingin sa akin.

"Arianna,hindi oras o minuto kundi araw, Arianna araw....to be exact 3 days lang naman" nakangiti niyang sabi.

Napatayo agad ako mula sa pagkakaupo looking shocked straight into his eyes. Ganito na ba talaga ako nakakatulog? ganitong katagal? I mean seriously?

"Weh?Ikaw naman makabiro ka,ikaw ha Akihito binibiro mo pa ako,sino ba naman ang matutulog ng ganun maliban sa pagiging comatose o patay, ikaw talaga,tsktsk" sabi ko sa kaniya.Napakamot naman siya ng batok niya saka napangiwi.

"Hindi ka nagsisinungaling tama?"
tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya kaya napahilamos ako ng mukha.

"Ganun pala na yun katagal. Kumusta ang iba?" tanong ko sa kaniya.

"Ayun gising na rin,gusto mo maglakad-lakad na muna tayo?"tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya.

Ngayon ay nagsimula na akong magpalit ng damit. Saka niya ako sinalubong na nakangiti at saka na kami nagsimulang maglakad. Napakalawak ng kahariang ito pero hindi mo maipagkakaila na tago talaga ito, napakaraming puno sa paligid.
At feeling ko may mga pares ng mata ang nakamasid sa amin. Kaya napahawak ako sa braso niya ng mahigpit.

"Mabali pa ang buto ko diyan"sabi niya kaya nagbalik ulirat ako at bumitaw sa braso niya.

"Pasensya"sabi ko.

"Hahaha,okay lang ano ka ba" sabi niya saka kami huminto sa tapat ng kahariang ito. Teka umikot pa kami,trip talaga ng isang 'to iba din.

"Umikot pa tayo"sabi ko ng mahina.
Then I heard him chuckles.

Hindi ko maipagkakaila na malaki din ang kahariang ito. Bukod sa outer phase nito pagkapasok namin ay bumungad sa amin ang napakalawak na hallway at ang malalaking chandelier, tatlong chandelier. Wow naman....

"Doon naman kayo uupo,sa apat na tronong iyon" sabi niya saka itinuro ang apat na upuan sa harap na may mga nakaukit na simbolo.

"Diba dapat may trono din para sa reyna at hari bakit wala?"tanong ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya at itinuro ang dalawang upuan sa likod nito. Ang ganda ng design nito kulay gold at silver ang mga nakaukit sa upuan....

Matapos nun ay hinila naman niya ako palabas ng kaharian dinala niya ako sa bayan..at aaminin kong malaki din ang lugar na ito. Maraming mga taong magagalang.

"Maligayang pagbabalik mahal na prinsesa"

"Magandang umaga po mahal na prinsesa"

Nginitian ko naman silang lahat.
Nasanay na lang din ako na may mga bumabati sa amin at may mga yumuyukod pa bilang paggalang.

"Ang gaganda ng mga tao dito,Aki"
sabi ko saka ngumiti sa kaniya.

"Tama ka ang ganda nga dito pati na rin ang mga tao,kaya pala ang ganda mo pati na rin ang puso mo." nakangiti niyang sabi.

Ano ba yan nag-iinit ang pisngi ko.
Nagblu-blush na ba ako? Hindi niya ako pwedeng makita ng ganito.

"A-Ano Aki, pumunta naman tayo sa garden" aya ko sa kaniya saka hinawakan ang kamay niya at nagsimula na kaming maglakad.

0/////0 hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang pag-iinit ng pisngi ko.

"Ang gandaaaaa!!"sigaw ko ng makita ko ang garden.

Ang daming magagandang bulaklak.
May river,at napakahalimuyak ng bango ng mga bulaklak. At ang mga alitaptap ay nagsimula na ring maglabasan dahil gabi na.

Ang ganda talaga ng paligid. Masaya ako at ipinakita niya ito sa akin. Ang magandang lugar na ito at ang kagandahan ng paligid.

"Thank you"sabi ko saka siya yinakap.

"Welcome"he said as he hugged me back.

Matapos nun ay diretso siya ng tingin sa akin. At saka hinawakan niya ang dalawa kong kamay habang nakatingin ng diretso sa akin.

"Arianna,you know that from the day that I met you,I already felt this strange feeling, every time you were near me,my heart beats fast. I don't know why,but every time that happened I always lose the courage to speak and now I think this is the right time. Arianna Crystal de Luca,Water Princess of Rosetania, will you be mine today and Forever?" sabi niya ng seryoso.

What the....ano ba ang gagawin ko?
Sa dinami-dami na ng napagdaanan namin na magkakasama ay feeling ko parang ang bilis naman ata,pero there is still part of me na nagsasabing tanggapin siya,wala namang mawawala kung susubukan kong magmahal diba?

"Akihito I don't have anything else to give you,pero alam kong gusto rin kita. Hindi... mahal kita, sa mga pagkakataong nakasama kita ganun din ang naramdaman ko sayo. Akihito will you really accept me?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.

Nanahimik naman siya habang nakangiti sa akin kaya naman napangiti na lang din ako sa kaniya saka siya yinakap.

"Silence means yes, tama?"sabi ko saka humiwalay ng yakap.

"Yeah"sabi niya saka 'ko siya hinalikan sa pisngi. Hinawakan niya ang kamay ko at nakangiti siyang naglakad kasabay ako.

Parang panaginip lang ang lahat,sana kung panaginip man ito. Hindi na 'ko magising pa...

The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon