Erina's POV
Nandito kami ngayon ng mga kambal ko sa camping site namin.Oo nga pala di ko nabanggit.Dahil birthday namin ngayon ay nandito kami sa bundok Maruwali para i-celebrate ito.Kasama ang parents namin of course.Around 6 na ang oras kaya naman nagsindi na kami ng apoy para sa pagkain.
"Flame anak,
pakibigay nga sa 'kin yung mais"
turan ni Mommy habang nagluluto.
Ibinigay naman ni Flame ang hinihingi ni Mommy.Actually,sa kabila ng kamalditahan ni Flame siya ang magaling magluto sa amin.Pagsinusumpong lang yan kung magluto kaya naman magpasalamat kayo kung makapagluto na yan.Bakit?Wala lang....kakaexplain ko pa lang...
"Erina,halika.
Let's pick up some sticks for the fire"
nakangiting aya sa akin ni Airah."Sige....ikaw Arianna,
dito ka na lang at tulongan mo si Daddy magset-up ng mga tent"
nakangiting bilin naman ni Airah.Nakangiting tumango naman ni Arianna.Nandito na kami sa loob ng gubat.Nangunguha kami ng mga tuyong sticks bilang panggatong.Okay na sana,hanggang sa may naramdaman kaming mga mata na nakatingin sa amin.
"Airah,may nararamdaman ka ba?"
tanong ko kay Airah na pakanta-kanta pang nangunguha ng sticks.Nang sabihin ko ang mga linyang yun.Natakot ako sa biglaan niyang paghinto at parang may pinakikiramdaman.
"Kanina ko pa rin yan napapansin.Pero mas mabuti na muna na hindi natin pansinin kesa pagtripan tayo."
seryoso niyang turan na tuluyang nagpakaba sa akin."Pero....."
tiningnan na lang niya ako.Kaya naman nanahimik na ako.Pagkatapos naming maghanap at manguha ng mga panggatong ay agad na kaming bumalik sa campsite.
"Mabuti naman at nakabalik na kayo"
turan ni Arianna saka kami tinulungan sa mga dala naming panggatong.Hindi naman na kami nagsalita at agad na rin tumungo si Airah kay Daddy at inayos na nila ang loob ng tent.
"Anyare?"
taas kilay na tanong ni Flame."Suspiciously,someone was watching us habang nangunguha kami ng panggatong ni Airah. I swear it was creepy"
seryoso kong turan napabitaw naman si Flame sa kaniyang pagkakacross arm."You mean....we are not alone?"
dagdag naman ni Flame.Agad namang bumalot sa buong katawan ko ang creepy-cold air dito.
"H-Huwag mo namang sabihin yan as if na may mga nakakatakot na nilalang dito"nanginginig kong turan.
And so, here's a little confession, matatakutin talaga ako.Natatakot ako sa mga multo at ano pang mga nilalang na kumakain sa tao.Alam kong masyado na akong matanda para matakot ng ganito,dahil kasi ito kay Flame eh.Palagi akong tinatakot!
Anyway, matapos naming magsikain ay nagsitulog naman kami. Well, others did sleep pero dahil overthinker ako ay sinigurado kong napapagitnaan ako ng mga kakambal ko.
"Pwede ba,Erina.Itigil mo na ang panginginig para kang sira!"
sigaw sa akin ni Flame saka nagtalukbong na ng kaniyang unan sa mukha."Matulog ka na lang Erina,makakalimutan mo rin yan"
pagcomfort naman sa akin ni Arianna.Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Di nagtagal ay nakatulog na ako.
×××
Eh? There are people talking?
Who...?
"Anong gagawin natin?May nararamdaman akong mapanganib na presensya dito.Dapat hindi na natin sila dinala sa bundok na 'to" boses na aking naririnig mula sa labas na pakiwari ko ay mula kayna Mommy. Kaba ang narinig ko sa tono ng pananalita niya, hah! So 'yung creepiness and danger na nararamdaman ko is valid, besides, nararamdaman din naman yun nina mom and dad.
Dahil dun ay napatayo na ako ng higaan at sumilip sa labas.Tama,sina Mommy at Daddy nga yun,teka ano naman kaya ang pinag-uusapan nila?
"Nasundan nila tayo dito.At kahit saan, kahit sa piling natin, hindi na sila ligtas kaya naman kailangan na natin silang ibalik" turan naman ni Daddy.
Teka,ano ba talaga ang sinasabi nila. Feel ko, hindi lang 'to patungkol sa weird vibe ng bundok na 'to. Talking about 'ibabalik' kanino?Saan?
"Hindi ka dapat nakikinig sa kanila" muntik na akong mapatili sa gulat ngunit natakpan ni Flame ang aking bibig.
Napatingin naman ako sa kanilang tatlo.Kanina pa sila gising?
"Ba't ka naman nanggugulat Flame?" tanong ko sa kaniya ng pabulong. Nagkibit-balikat na lang siya saka nagcross arm.
"Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi nila.Kayo ba?"
tanong ko sa kanila."Sa tingin ko,mas maganda if sa kanila natin marinig mismo ang mga bagay na ito"turan naman ni Arianna.
"Matagal ko na rin itong naririnig sa kanila.Simula last week before birthday natin"seryosong turan ni Airah.
"Ganun na yun katagal?"
turan ko saka tumingin sa labas.Nagyakapan naman sila Mom at Dad.Ano kaya ang pinag-uusapan nila?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
The Four Elementals
FantasíaApat na magkakapatid...... Apat na Elemento..... Anong tadhana ang kanilang pipiliin? "Lots of bad things you did,don't you think you deserve an award?" "Why ask us?Kami ba ang teacher?" "Ah...so ako pa ngayon.So dapat na ba akong matakot ha?" "M-Ma...