Chapter 57:Mystery

703 31 0
                                    

Flame's POV

Ng magising ako ay palagi nang bumubuntot sa akin itong si Daniel.
Ano kaya ang problema nito?
Baliw ba 'to o ano?

"Wait,wait,wait....bakit ka ba sunod ng sunod?" tanong ko sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa beach,yeah right may beach dito at maganda ito.
Malinis at bughaw ang tubig,masarap ang ihip ng hangin at lalo pa itong humahalimuyak sa bango dahil sa mga amoy ng bulaklak sa paligid nito.Maputi at pinung-pino ang buhagin.

"Tss...here"sabi niya saka iniabot sa akin ang isang garment. Pantakip yata sa katawan ko. Baliw ba 'to?Kitang beach ang lugar at gustong balot na balot ang katawan ko. Baliw....tsk!

Nakasuot ako ng shorts saka off-shoulder na kulay pula.

"Ano 'to?Ha,ano 'to?,baliw ka ba?
Bakit mo ba gusto na balutin ko ang katawan ko eh beach ang pinuntahan natin...kaya nga may swim suits kaming lahat--"napatigil ako bigla ng ang mga kapatid ko ay nakatakip na rin ng bonggang-bongga ang mga katawan habang nakangiti pa ang mga prinsipe.

Nakasimangot si Erina habang pasulyap-sulyap pa kay Minho. At si Arianna naman nagblu-blush pa,seriously? Si Airah naman bwesit na bwesit ang ekspresiyon ng mukha.

"Kayo ba....alam ang pinunta namin dito ha?" tanong ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya sa akin.

"Yes we did"maikli nitong sagot.

"Siraulo pala kayo eh,bakit niyo naman kami pinipigilan magsaya ha?"sabi ko sa kaniya saka siya itinulak palayo.

"Oo nga!bakit pa tayo nagpunta sa beach kung ganito lang rin ang mangyayari? Tawagin ko na nga lang sila Momm---" hindi na natapos ang sasabihin ni Erina ng takpan ni Minho ang bibig nito.

"Shhh,Babe huwag ka nang maingay" marahan nitong sabi. Kinagat naman ni Erina ang palad ni Minho dahilan para mapasigaw ito.

"Ano ang binibabe-babe mo diyan?
Tayo na ba ha?tayo na ba?"bulyaw sa kaniya ni Erina.

"Bakit?diba um-oo ka naman?" inosenteng tanong ni Minho.

"Duh...nung time na yun lang.
Sinabi ko ba na hanggang BUKAS TAYO PA RIN?" pagbabalik nito ng tanong.
Habang diniinan pa talaga ang mga salitang 'bukas tayo pa rin'. Tsk,matindi rin pala 'to...

Kasabay nun ay ang pagtungo ng ulo ni Minho at nagwalk-out. Bigla namang nagsalita si Airah.

"Hindi namin kayo kakailanganin kung ang gawain niyo lang ay ang hadlangan ang mga bagay na magpapasaya sa amin. Kasi kung ganun rin pang, lumayas na lang kayo sa aming paningin.  Lalo ka na (sabay turo kay Andrei)" sabi nito saka tinalikiran si Andrei at lumakad na rin palayo.

Bumaling naman ako ng tingin kay Daniel. Saka itinapon sa harapan niya ang ibinigay niya sa aking garment. Magsasalita pa sana siya ng senyasan ko siyang umalis. Kaya ay padabog itong umalis kasabay ang pagtapon ng isang kumikinang na bagay sa damuhan.

Napakunot ang noo ko nang mapansin ko 'yun.Parang may something sa kwentas na 'yun kaya naman ay agad ko itong kinapa sa damuhan.Mayamaya ay may nakita akong umilaw ng kulay pula at kinuha iyon.

"Bigay 'to sa amin ni Mom and Dad ah" sambit ko ng mamukhaan ko ang kwentas na 'yun.

Bakit nasa kaniya ang kwentas na ito?
Baka kapareho lang...

Agad akong kumaripas ng takbo pabalik sa palasyo. Sumabay naman sa akin si Arianna na nakakunot din ang noo, naagaw naman ng atensiyon ko ang kwentas sa leeg niya. Is she also thinking what I'm thinking?

The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon