Flame's POV
I understand everything, truly,and I know that if the didn't do it,malamang na nasa libingan na kami at inuuod. And the most irritable things to think, 'yung pagtatago sa amin ng katotohanan,nakakatawang isipin na tinago pa nila eh malalaman din naman namin agad.
Nandito ako ngayon sa isang branch ng puno at nakaupo habang tinatanaw ang apat na kaharian. At iniisip ang mga nangyayari ngayon.
"Ang ganda ng tanawin ano?"
Napaiwas naman ako ng tingin sa sinabi niya. Bakit naman nandito si Airah, hindi ko naman sila kailangan ah....
"Why are you here?"casual kong tanong.
"Alam ko kasi na naguguluhan ka pa,come to think of it ayaw mo naman na ishare sa amin kahit ano eh, so nandito ako para ako na ang magshare."sabi nito.
Napakunot naman ang aking noo na humarap sa kaniya. Seriously?mags-story telling pa siya ngayon?
"Huh?"naguguluhang tanong ko.
"Haha,alam mo ba nung sinabi nila sa akin,sa atin ang lahat. Hindi ako agad naniwala, eh sa dinami-dami ba namang nangyare sa atin eh mahirap nang magtiwala ng basta-basta. Pero,why would they say such things sa harap natin ng walang katotohanan at take note dito pa mismo sa ating lugar" nakangiti niyang sabi. Seriously,I can't see the point of this...
"My point is that,kung titingnan mo sila sa kanilang mga mata kung papaano sila magkwento sa atin...masasabi mo na nagsasabi sila ng katotohanan,ang sinseridad sa mga boses nila,
naramdaman ko 'yun. Kaya naman wala naman tayong dapat ipag-alala at ikasama ng loob" nakangiti niyang saad sa akin.Naramdaman ko rin at napansin lahat ng mga sinabi niya. The thing is, wala lang talaga ako nararamdaman sa kanila. Yun bang tinatawag nilang luksong-tinik?...este luksong-dugo...ganun..
"Is that your basis?"tanong ko sa kaniya saka siya tiningnan ng diretso sa mga mata niya.
Ngumiti siya sa akin saka hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Alam kong hindi mo pa nakakalimutan lahat ng nangyare sa iyo noon.
Pero, Flame tatandaan mo, hindi lahat ng mga tao ay traydor at sinungaling. Sila ang mga magulang natin,at alam ko 'yun. Alam mo kasi, wala naman talaga rason eh, basta naramdaman ko na lang sa kanila, na may koneksyon kami, sa tingin ko yun din ang maramdaman nila Arianna at Erina." nakangiti niya pang sabi.Kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko. Bumalik lahat ng alaala ko,simula nung araw na yun at ang pagkawala nila Mom and Dad. Napasipat tuloy ako sa kwentas na hawak ko na ibinigay nila bago kami makaalis.
"I hope they're happy now for where they are"sabi ko saka umiyak na ng umiyak.
Nakaramdam na lang ako ng yakap na nagmula sa anim na pares ng kamay.
Ang mga kapatid ko,masaya ako at nandito sila para damayan ako.Lahat kami ay umiiyak,hindi ko alam kung bakit ba sila napaiyak. Kaya naman kumawala ako at hinarap sila.
"Alam mo ba na nagawa nila tayong iwan. para sa ating kaligtasan?Hindi naman rin madali para sa isang magulang ang gawin ang bagay na 'yun" naluluhang sabi ni Erina.
"Lalo na at ito ang pinakamalaking sakripsiyo na kanilang ginawa."
pagpapatuly ni Arianna."Para maligtas tayo ay tiniis nila na itago satin ang katotohanan pati na ang sakit ng pagkawalay sa kaniyang mga anak" sabi naman ni Airah
Sa mga yakap,at luha nila.
Sa mga pagapaalala sa lahat ng bagay-bagay.Alam ko na ngayon,nauunawaan ko na ang lahat.I am such a big jerk without noticing it.My parents?pinagdudahan ko?"Am I that bad of daughter?"
tanong ko sa sarili ko."Flame huwag mong sabihin 'yan.
Kung maging masungit ka man,
naiintindihan nila 'yun. Ikaw ba Flame, naiintindihan mo ba ang sarili mo?"tanong ni Erina.Napaisip ako bigla sa sinabi niya.
Ako ba....naiintindihan ko ba ang sarili ko?Bakit ako nagkaganito?Ano ba ang ginawa ko?"Guys...what have I done?"
naiiyak kong sabi.Muli ay yinakap nila ako.
Ang yakap nila,pakiramdam ko safe na safe ako sa yakap nila.Parang paraiso dito sa yakap nila,hindi ko maexplain pero ang sarap ng yakap nila."Lagi mong tatandaan Flame.
We're always here for you. No matter what" bulong ni Arianna.After few minutes.....
Erina's POV
Nandito kami ngayon sa labas ng kwarto nila mommy at daddy. Mabuti naman at nadala namin si Flame sa dramahan kanina. Masaya ako at finally nakita ko din ang weak side niya,hindi sa gusto ko siya laging malungkot pero minsan sa pamamagitan ng pagpapakita mo ng weak side mo doon mo lang nalalaman ang lahat at nakikita kung gaano ka pinapahalagahan ng mga tao sa paligid mo,pero hindi naman sa lahat ng oras kailangan mong maging mahina para malaman 'yun.
You see my point?
Of course you do!!!"Go on,open the door"sabi ni Airah.
"Pano kung...magalit sila?"tanong ni Flame.
"Pfft...seriously Flame?
Huwag kang mag-alala hindi naman sila tulad mo na masungit ano ka ba. Sige na!" sabi ko sa kaniya."Go on"sabi ni Airah
Binuksan naman ni Flame ang pintuan.
Nakatungo siyang naglakad papunta sa harapan nila Mom and Dad. And the next thing happened is that,agad niyang niyakap si Mommy na nasa higaan at si Daddy na nakaupo sa tabi nito.Napaluha naman si Mom and Dad saka rin nila yinakap si Flame. Grabe ha,para lang akong nanunuod ng drama serye dito sa harap ko ah...
"I'm so sorry..."mahinang turan ni Flame saka humiwalay sa yakap.
"Sorry for what princess?"tanong ni Daddy.
"For my actions earlier"
nakatungong sabi ni Flame.Tumawa naman ng mahina si Dad and Mom pati na rin kami,nakita ko naman na namula siya. She really is a girl na mataas ang pride at ngayon lang namin siya nakita at narinig na magsorry kaya naman....
"Smile Flame"sabi ko saka siya kinuhaan ng picture. Di kopa man nasasave ang picture ay natunaw na ang cellphone ko.
"What the!!"gulat kong singhal,Masama naman siyang nakatingin sa akin.
π_πAng phone ko......
Ang mamahalin kong phone natunaw lang ng ganun....huhu..."Flame....we're sorry"sabi ni Mom.
"We're sorry because we left you..and I hope yo--"hindi na pinatapos ni Flame ang sasabihin ni Mommy dahil yinakap niya ulit ito.
"I'm so happy your here with us now...
Thank you...."sabi ni Flame kaya naman ay sumali na kami sa yakapan."Group hug!!"sigaw ko saka na kami sumali sa kanila.
Sana hindi na matapos ang mga araw na tulad nito. Sana ay magtuloy-tuloy na ang kasiyahan namin at ng lahat....
BINABASA MO ANG
The Four Elementals
FantasyApat na magkakapatid...... Apat na Elemento..... Anong tadhana ang kanilang pipiliin? "Lots of bad things you did,don't you think you deserve an award?" "Why ask us?Kami ba ang teacher?" "Ah...so ako pa ngayon.So dapat na ba akong matakot ha?" "M-Ma...