Chapter 32:Betrayed

1.3K 40 0
                                    

Flame's POV

Hindi ko alam kung dapat ba kong magpakasaya dahil tama ang aking hinuha tungkol sa mga taong yun nung simula pa man o malulungkot at magagalit dahil noon pa man pala ay masama na ang kanilang balak,at naging tanga kami para hindi iyon mapansin.

"Ano naniniwala ka na?"
tanong niya.

Napataas naman ako ng kilay sa kanila.
Intense ang laban namin dito,malakas siya yun lang ang masasabi ko. At alam ko na kung tatagal pa ito ay matatalo ako. Ngayon ay nakasakay ako sa likod ni Fuego sapagkat bigla na lang siyang lumaki.

"Wala naman akong pakealam sa sinasabi mo.Kahit sino pa sila wala akong pakealam.Kaya tatapusin na lang kita.Nakakairita ang mga pinagsasasabi mo"turan ko saka nagpalabas ng fire ball sa kamay ko.

Marami na rin kaming sugat at galos ni Fuego pero kailangan kong manalo at kailangan ko siyang matalo.

"Ang lakas ng loob mo samantalang hanggang fire ball lang naman ang napapalabas mo"turan niya saka nagpalabas mg fire sword sa kanan niyang kamay.

"Kahit pa man ganun gaya ng nakikita mo ay natatagalan kita.Ibig sabihin dahil sa mahina naman ako nakapagtataka at natatagalan kita. Hindi kaya....mahina ka rin?"turan ko. Nakita ko namann nagalit siya.

"Ang lakas mg loob mo,basura!"
sigaw niya saka sumugod sa akin.

Humanda naman ako para sanggain yun ng may bigang lumitaw sa aking harapan ay sinangga rin ng fire sword ang hawak ng kalaban.

"Anong ginagawa mo rito?"
taas nilay kong tanong sa kaniya saka nagcross arm.

"Pasikat"
sambit naman ni Fuego.
Yeah,this pet of mine really gets me!

Hindi naman niya ako nilingon habang nakatingin lang siya ng direkta sa kalaban. Bigla namang nawala si Fuego kaya ay nahulog ako sa lupa. See?pareho talaga kami. Nandito lang siya sa aking harapan.

"Mabuti naman at nakarating ka,akala ko ay mapapatay ko na ang iyong prinsesa bago ka pa man makarating"
nakangiti niyang turan saka sinugod si Daniel.

Sa pag-atake ni Francess ay sinalubong naman din siya ni Daniel. Tunog ng mga nagbabanggang espada lang ang iyong maririnig habang halos hindi mo na sila makita sa laban nila dahil sa napakabilis nilang kumilos.

"Flame!"
nakita ko na kasama nila Arianna at Erina ang mga traydor.

Lumapit ako sa kanila saka hinila sina Arianna at Erina palapit sa akin palayo sa mga traydor. Nagpalabas din ako  ng fire ball sa kamay ko.

"Mga traydor...nagtiwala kami tapos ito ang igaganti mo sa amin!?"
sigaw ko sa kanila.

Nakita ko naman sa mga mata ng mga kapatid ko na nagugulohan sila sa mga pinagsasasabi ko.

"Flame...hindi namin alam ang sinasabi m--"di ko na pinatapos ang sasabihin pa niya.

"Such a waste kung magsisinungaling ka pa!"sambit ko.

"Anong nangyayari dito,Flame.
Ano na naman ang sinasabi mo?
Akala ko ba nagbago na ang pakikutungo mo sa kanila?"
tanong ni Erina.

"Bakit hindi kayo ang magpaliwanag Aya,Erika at Aika?"tanong ko sa kanila.

Tingnan natin kung totoo niyong mahal ang mga kapatid ko.

"Hi-Hindi totoo 'yan"
nauutal na sambit ni Aika.

"Then tell me!
Aika tell me what's the truth?"
galit kong sigaw sa kaniya saka hinawakan ang magkabila niyang braso.

"Sabihin mo na hindi totoo ang sinasabi nila na traydor kayo at ipinadala nila kayo para patayin kami!"sigaw ko sa kaniya.

Nagulat naman sila Erina at Arianna sa sinambit ko. Saka napatingin kayna Aika.

"Hindi.....hindi nila magagawa ang bagay na 'yan,Flame"sambit ni Arianna saka siya lumuha.

"Galit sila sa kanila. Bakit ka naman maniniwala sa mga 'yun?"tanong ni Erina.

"Dahil kauri nila mismo ang nagsabi nun"maikli kong turan.

"Maniwala kayo,ginawa namin 'to para sa aming mga pamilya,patawarin niyo kami"pagmamakaawa nilang tatlo sa aming harapan.

Bigla namang sumulpot sina Minho at Akihito.Saka naman lumapit si Andrei habang dala niya in a bridal style si Airah na sugatan at walang malay.
Napabaling naman kaming lahat sa kanila.

"Now tell me,Aya,Erika at Aika.
Tingnan niyo si Airah,bakit namin kayo patatawarin?"tanong ko saka umalis at sinundan sina Andrei at ang iba pa as they walk faraway from us.

Bigla namang umakbay sa akin si Daniel na may dala pang fire sword na nakapatong  sa kaniyang right shoulder.
Inalis ko naman yun saka nagpatiuna.

"Ano pa ang hinihintay niyo!
Do you want for them to have an opportunity to kill you?
Halina kayo dito at baka pa nila kayo patayin"sigaw ko sa kanila.

Umiiyak na tinalikuran nila ang tatlo saka tumakbo paalis. Nilampasan naman nila akong dalawa. Wala akong pakealam basta alam ko na tama ang aking ginawa. Nakita ko naman sila na nagiiyakan na. Tumalikod naman ako.

"Alam mo,Flame.
Kung ano ang tama at ang mali.
Ang katotohanan at ang kasinungalingan"turan ni Aya saka niya yinakap ang kaniyang dalawang kaibigan na umiiyak na.

"Shuddap"bulong ko saka humabol.



















~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The Four ElementalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon