CHAPTER 13: ESCAPE.
S H A N A
Halos bumaliktad ang sikmura ko ng mabungaran ang hindi pamilyar na lugar. Idagdag pa ang kakaibang amoy nito. Napagtanto ko lang na nasa loob ako ng isang kotse ng mabungaran ang windshield.
Walang tao sa loob maliban sa akin. Sinilip ko ang tinted na windshield at pilit na inaaninag ang isang pigurang nakatayo sa labas. Isang lalaki na nakikipag usap sa cellphone, patango tango na animo'y may nagbibigay ng order sa kabilang linya.
Isa lang ang sumagi sa utak ko. Ang tumakas dito.
Mabuti na lamang at hindi nakatali ang aking kamay, kaya magiging madali ang pagtakas ko. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kotse at walang ingay na lumbas.
"Fuck! Get her!" Bahagya akong natigilan sa boses na 'yon. Lumingon ako, two of them are after me. Kumapa kapa ako ng armas sa suot kong holster but non of them are present.
"Shit. Ang malas ko yata." bulong ko. Kumaripas ako ng takbo, walang malinaw na plano kung saan ako dadalhin ng paa ko. Basta isa lang ang gusto ko, at 'yon ay makatakas dito.
"Bakit niyo siya hinayaang makatakas?!"
"N-Naiwan ko yatang nakabukas ang pintuan ng kotse. P-Pasensya na!"
"Now we're dead. Because of her. Panigurado isa sa atin ang mamamatay ngayong gabi."
Mula sa distansya ko, naririnig ko ang palitan nila ng sigaw habang humahangos sa pagtakbo. Mahihirapan akong makatakas ngayon. I need myself to get out of their sight, at dahil wala akong hawak na armas mukhang hindi magiging madali 'yon.
I stopped in my tracks and swivel around. Tumigil rin sila sa pagtakbo at pinalibutan ako na parang isang prey na binabantayan ang galaw at hindi na dapat makatakas.
Ngumisi ako at sinugod ang isang lalaki. Nagpalitan kami ng ilang suntok-- namimintis niya ang suntok dahil mabilis ko itong naiilagan. Sinuntok ko siya ng may puwersa sa sikmura na naging dahilan para mapaluhod ito. Hawak nito ang namimilipit na parteng sinuntok ko, kinuha ko ang pagkakataon para kunin ang Pistol sa kaniyang holster at walang alinlangan na ipinaputok sa ulo ng isa pang lalaki.
"Y-You.."
"Hmm?"
"P-Patayin kita.." Nag aagaw buhay na untag nito.
Nag pamewang ako at ngumisi. "If you can. Do it."
Kinasa ko ang baril. I placed the muzzle on his forehead and shout "Bang!"
Blood trickled down at the back of his skull. Kumalat ang dugo sa sahig. Sinuksok ko ang Pistol sa holster at naglakad paalis na parang walang nangyari.
• • •*• • •
Nang makauwi ako, nabungaran ko si Hera sa kulay itim na sopa. Nakatihaya ito at nakabukas ang bibig habang humihilik. Masarap ang kaniyang tulog kaya hindi ko na siya inabala pang gisingin.
Pasalampak akong umupo sa sopa na para bang kagagaling lamang sa trabaho. Dahil doon, nagising siya. Nag unat unat siya ng katawan, sinundan ng maingay na paghikab atsaka kinusot ang mapupulang mata.
BINABASA MO ANG
OBSESSION: Bloody Romance [MAJOR EDITING]
VampireShe can taken away from me anytime. If I don't act now, she might never be mine. In that case, I know of a place that will accept her. She'll be happy there. Because there, she'll be mine. I realised now, once it's taken away, it'll be too late. ...