CHAPTER 8
GAMET H I R D P E R S O N
"At dapat ba akong kiligin sa mga sinasabi mo?" Walang ganang usal sa kaniya ni Shana. Napalawak ang ngiti sa labi ng binata at unti unting humakbang papalapit sa kaniya.
"Alam mo simula nung maging huntress ka, wala ng epekto 'tong pang aakit ko" Ani ni Xyrus. Naningkit ang mga mata ng dalaga at tiningnan ito ng masama.
"Kahit kailan walang epekto yang pang aakit mo" She hissed. Kanina pa niya gustong giliitan ang binata dahil sa mga pinagsasabi nito. She's trying to suppress her temper, this time she need to lower her pride to evade chaos.
"Well, let's play a game.." Panimula ni Xyrus habang naglalakad paikot kay Shana.
Hindi umimik ang babae kaya pinagpatuloy niya ang pagsasalita "If you've caught by one of my vampires, you have no choice but to live with me.."
Napatawa si Shana sa sinabi nito "Ganyan ka na ba kadesperado? At nagkakandarapa kang makuha ako.." Pang aasar nito.
Hindi siya pinansin ng binata sa sinabi niya, dahil totoo naman. Desperado na siyang makuha ito.
"So? What do you say?" Patukoy ni Xyrus sa deal nila.
"At anong makukuha ko kapag ako ang nanalo?"
"Freedom.."
"Then its a deal.." Usal ng dalaga kaya napangisi ang binata sa kaniya. Hindi niya kailangang matakot sa larong ito, because she has the potential that she can win. A certainly girl on fire can drag them by a snap. Tumingin siya sa isang silya at nakitang dito nakagapos ang hunter na si Marcus. Dali dali niya itong nilapitan at pinutol ang kadena na bumabalot dito gamit ang espada.
"Oh anyway baby.... Don't break that deal, the punishment is thrice.." Napalingon ulit siya sa lalaki ng magsalita ito atsaka pina ikot ng 360° ang mata bilang tugon. Bigla nalamang itong naglaho at naging libo libong itim na paru-paro. Napa tss nalang si Shana at ipinagpatuloy ang pagtanggal sa kadena.
Kinuha niya ang walang malay na hunter at isinalampak ito sa balikat na animo'y nagbubuhat lang ng isang unan. Habang hawak ng isa niyang kamay ang dalawang katana na punong puno ng tuyong dugo. Umalis siya sa lugar na iyon at dinala ang hunter sa kaniyang tahanan.
Isinalampak niya ito sa isang higaan. Kumuha siya ng white towel at basin na may tubig. Hindi na siya nagpalit ng damit dahil dadaanan niya pa si Hera sa Bar.
Ibinun niya muna ang nakalugay na buhok gamit ang itim na tali bago ito gamutin, pagkatapos ay kumuha siya ng gamot na kadalasang ginagamit ng mga hunters para mawala ang sugat na kagagawan ng mga bampira, ipinunas niya ito sa mga bahaging may kalmot o sugat ng lalaki. Patuloy lang siya sa ginagawa ng sumagi sa utak niya si Hera...
"Tch! Si Hera!" She snapped and swiftly and lean on the wooden chair she was sitting, after a few minutes tumayo na siya at inayusan ang sarili "Babalikan kita mamaya" Kausap nito sa walang malay na hunter.
Sumakay siya sa kaniyang itim na motor at mabilis na pinaharurot ito hanggang sa marating ang Bar na pinuntahan ng kaibigan.
S H A N A
Kaloko lokong bata, kung saan saan na naman pumalaot!
Dire diretso akong pumasok sa loob ng bar at nahahawi ang mga tao sa dinaraanan ko, siguro dahil na rin sa nakakatakot kong aura.
Aba dapat lang!
Sinong hindi matatakot kung makakita ka ng babaeng naka combat suit at may bahid ng dugo na sinamahan pa ng dalawang katana?!
BINABASA MO ANG
OBSESSION: Bloody Romance [MAJOR EDITING]
VampiroShe can taken away from me anytime. If I don't act now, she might never be mine. In that case, I know of a place that will accept her. She'll be happy there. Because there, she'll be mine. I realised now, once it's taken away, it'll be too late. ...