CHAPTER 7

210 8 2
                                    

CHAPTER 7
FIRE EYED HUNTRESS

T H I R D   P E R S O N

Pagkapasok ni Hera sa loob ng isang sikat na bar, umaalingawngaw na ang iba't ibang beat na sinasabayan naman ng pag sayaw ng mga naroroon. Napagawi ang tingin niya sa mga nagiinumang tao at halatang lasing na lasing na, mayroon namang nag mamake out sa gilid gilid.

"Geez, get a room" Bulong niya.

Umiikot ang iba't ibang kulay ng spotlights sa gitna ng dance floor. Hinahanap ng kaniyang paningin ang lalaking nangakong makikipagkita sa kaniya, which is ang text mate niya....

"Hey there.." Napalingon siya sa likuran sa pag aakalang tinatawag ng lalaking hinihintay ngunit bigo siya ng lagpasan lamang siya nito at lapitan ang babaeng maikling buhok sa tabi niya...

Psh, paasa.. Isip niya.

Muli siyang tumingin sa may entrance door para salubungin ang lalaking hinahanap. Maya maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang maskulado at gwapong binata. Hindi siya umasang sa kaniya ito lalapit, dahil mahirap na naman umasa
-________-

Umupo siya sa itim at pabilog na upuan atsaka umorder sa bartender "Kuya, isa ngang Scarlet wine"

Tumango ang huli at inasikaso ang kaniyang order. Kinuha nalang niya ang cellphone sa dalang pink na pouch, sakaling nag message ang lalaking kanina pa hinihintay.

"Tss, tagal naman nun.." Naiinip na saad nito. Maya maya siyang susulyap sa hawak na cellphone.

"Waiting someone?" Gulat siyang napatingin sa lalaking kakaupo lang sa kaniyang tabi, naka blue and black checkerd ito at nakataas naman ang buhok, habang ang kulay ng balat nito ay mala porselana. Gwapo in short.

Natulalang nakatingin sa kaniya ang dalaga hanggang sa matauhan ito. "A-ahh... Sino ka?"

"Haha, I believe you are waiting for me. Right Hera?" Napakurap ng ilang beses ang dalaga bago magsalita... Naku di ko naman inakala na ganito ka yummy ang textmate ko, naka jackpot ako! Pero may award din ako kay Shana mamaya :'(

"Ako nga si Hera, so ikaw si Jick? yung ka-textmate ko all the time?" Tumango ang binata. Napa ahh nalang si Hera habang tatango tango. Sakto namang inilagay ng bartender sa harap niya ang alak na inorder niya.

"Boss, I want a rum.." Sabi ng lalaki at muling bumaling kay Hera "I didn't know, you're so beautiful in personal." Namula ang dalaga at inilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng kaniyang tainga.

"Hindi naman, slight lang hehe... Hindi ko nga ring inakalang gwapo ka sa personal" Nahihiyang tugon nito. Hindi naman niya first time humarap sa isang lalaki, pero parang nawala ang kakapalan ng kaniyang mukha habang kinakausap ito.

"Anyway, its nice to meet you in personal" Naglahad ito ng kamay na kaagad namang tinanggap ng dalaga.

"Nice to meet you rin hehe" Ngumiti ito ng tipid at nilagok ang alak. Aaminin niyang medyo naiilang siyang kausap ito sa personal kumpara kapag ka text ito ay grabe ang kapal ng pagmumukha niya.

"Iba ka rin pala sa personal no? Akala ko dadaldalin mo ako, but I was wrong. Tahimik ka pala." Saad ng binata na sinundan naman ng pag inom nito ng alak.

Nagtatagalog ka rin pala eh, pinahirapan mo pa akong intindihin yang english mo. Charr lang.... - ______- Isip ng dalaga.

"Actually madaldal ako. Sa una lang ako tahimik kasi hindi pa kita masyadong nakakausap. But I'm sure if we've known each other well, paniguradong maiirita ka sa'kin." Sabi nito.

OBSESSION: Bloody Romance [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon