SHANA“Dapat ba natin sabihin ‘to?” tanong ng katulong sa katabi niya.
“Eh, hayaan mo na.. Mukhang mapagkakatiwalaan naman si ma’am, ih..”
“Oyy, sabihin niyo na.. H’wag niyong sayangin oras ko..” naiiritang sabi ko.
“S-Sige po, ma’am.. Sa ‘tin-sa ‘tin lang po ito, ah..”
Napairap nalang ako sa inis. Hindi nalang kasi sabihin, tsk..
“Ano po kasi.. noon pa man po ay may masama na sikreto na si Sir..”
“Nu ka ba? Eh lahat naman yata ng ginagawa ng bampirang ‘yun ay masama..” ani ko habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng palasyo. Kapansin-pansin ang mga naglalakihang painting na nakakabit sa dingding, at ang dalawang metrong pagitan nito. Napapatingin rin ako sa garbo ng mga chandelier na nakasabit sa kisame.
“Alam niyo po bang pinatay ni prince Xyrus ang kaniyang mga fiancee..”
Napatingin ako sa katulong na iyon. “Oh?”
“O-Opo.. Kasi ayaw niya sa mga ‘yon..”
“Ayaw niya sa mga naging fiancee niya?? Eh pano siya nag propose?? Tsk, sira-ulo..”
“H-Hindi naman po siya nagpropose, ih.. Pinagkasundo lang ng mga kaharian na ipakasal sa kaniya ang anak na babae..”
“Wait, di ‘ba may apat na kingdom dito?” tanong ko.
“Opo, ma'am..” sagot ng unang katulong.
“Kung gano’n, bakit ‘di nalang nila pinagkasundo sa ibang prinsipe ang kanilang anak? Bakit sa baliw na bampira pang ‘yun?”
“Eh kasi po..” napakamot sa ulo ang isa sa mga katulong na para bang nag-hehesitate pa siya na sabihin sa ‘kin ang tunay na dahilan. “Para po sa kapangyarihan..”
BINABASA MO ANG
OBSESSION: Bloody Romance [MAJOR EDITING]
VampireShe can taken away from me anytime. If I don't act now, she might never be mine. In that case, I know of a place that will accept her. She'll be happy there. Because there, she'll be mine. I realised now, once it's taken away, it'll be too late. ...