"Good Morning Ma!" Bati ko sa aking ina pagka-kita ko sa kanya sa may kusina.
"Good Morning Prince...cess! Jetlag?" Sabay halakhak ng aking ina
"Aga-aga niyan ma ha. Sinisimulan mo na naman po ako e. Hahahahaha. Wala na po ma. Ano pong niluluto mo?" Natulog lang naman ako pero iba yung level ng gutom ko, pang malakasan.
"Sinangag at itlog lang anak."
Kumain na kami ng aking ina.
Si mama ang pinaka hinahangaan kong babae sa buong mundo. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako makakatapos ng kolehiyo. Siya lang ang nagtatrabaho dahil ayaw niya akong mag 'working student'. Namatay si papa nung 2 years old pa lang ako. Kaya wala akong matandaan sa kaniya. All i know is he's an american citizen that's why kakaiba yung apelyido ko.
Kaya laking pasasalamat ko rin sa dugo ng tatay kong imported na nananalaytay sa aking seksing katawan."MAAAAA!" Bigla kong sigaw.
"Hindi pa ako bingi anak para sumigaw ka ng ganyan. Ano ba yun?"
"That's not what i mean. Last interview ko na po para sa trabaho. Wish me luck ma." Masaya kong sabi sa aking ina.
"Maganda yan anak. Sana matanggap ka. Goodluck anak. Naayos mo na ba lahat ng dadalhin mo?" Tanong ng aking ina
"Last week pa po ma."
"Excited much?" Pangaasar niya.
"Sobra ma. Hahahaha. Kumain lang ako ng agahan tas magaayos na ako kasi naka-schedule po yung interview ko ng 10 am."
"Sige anak. Pagbutihin mo."
"Opo ma."
Pagtapos kong kumain ay agad na akong nagtungo sa kwarto ko. Pero bago ang lahat nagtxt muna ako para sa Prayers ng aking mga friends.
To: Best'Bruce, Tay'Aaron
Good Morning. Last interview ko na ngayon. Wala bang good luck diyan?
Sino kayang unang magrereply? Hahahaha. Umilaw na ulit ang phone ko.
From: Tay'Aaron
Good Luck nak. Gusto mo hatid kita sa paga-applyan mo?
To: Tay'Aaron
Mukhang maganda po ang plano mo tay. Hahahaha. Sige po. :)
From: Tay'Aaron
Sige nak. Anong oras kaba aalis para masundo kita diyan? :)
To: Tay'Aaron
Mga 9 pa po.
From: Tay'Aaron
Sige. Txt na lang kita mamaya kapag nasa tapat na ako ng gate niyo. :)
To: Tay'Aaron
Sige po tay. Mag-aasikaso na po ako. :)
Hindi na nagreply ang mabait kong tatay-tatayan. Mahilig kasi mangsermon sakin yan kaya inasar kong instant tatay. hahaha 1styear College pa lang kilala ko na siya dahil school mate kami. Hanggang sa naging close kami. At ngayon instant tatay ko na siya. Actually isa siya sa mga kaibigan ni ... Nevermind
Patayo na ako para pumuntang banyo.
Hindi man lang nagtxt yung mongoloid na Bruce na yun. Kainis. Siya pa naman inaasahan kong unang magtxt.
Baka busy lang. Hahahaha. Maka-ligo na nga lang.7:50 ng matapos akong maligo.
Nag-awra na ako. Inayos ko na lahat ng gamit ko. Nakabihis na ako. Nag dasal na ako. Inaantay ko na lang si Tatay. Sa sobrang excited ko. 1 oras pa akong maghihintay.
8:30 am
Nag-vibrate na ang phone ko.
From: Tay'Aaron
Nak, nandito na k.. 'Tok,tok,tok'
Hindi ko na natapos ang binabasa ko ng may kumatok sa gate. Si tatay na siguro yan.
Pagbukas ko ng gate. Pumasok na SILA agad. Hindi nagiisa si tatay dahil kasama niya ang mongoloid na bestfriend ko.
"Good Morning Panget. Good luck sa pag-aapply mo." Bati sakin ni Bruce pero hindi ko siya pinansin. Pagtripan ko nga to. makabawi lang.
"Good Morning tay. Kumain kana tay?" Pagbati ko kay aaron
"Tapos na nak. Nasan si tita?"
"Nasa kusina tay. Wait lang tay, kukunin ko lang yung gamit ko sa kwarto para maka-alis na."
"Good Morning Tita!" Rinig kong bati nila kay mama.
Paglabas ko ng kwarto, lumapit ako agad sa kanila para sabihin na aalis na.
"Alis naba ta....."
"Tara tay, alis na tayo." Pagputol ko kay Bruce. Monggi pa naman to. Hahahaha.
Sumakay na kami sa kotse ni Aaron. Dapat sa tabi niya ako uupo pero inunahan ako ni Bruce, kaya sa likod ako mag-isa.
"Good luc..." Pinutol ko na naman ang sasabihin ni Bruce kasi nag earphones ako.
Nakatingin lang siya sakin pero umiiwas ako ng tingin sa kanya kasi baka matawa ako bigla. Pero bigla lumipat yung tingin niya kay aaron tas may sinabi siya ng biglang tumigil yung sasakyan. Binuksan niya yung pinto sa tabi niya tsaka bumaba. Nagulat ako sa ginawa ni Bruce kay tinanggal ko yung earphones.
"Hoy. Saan ka pupunta?" Sigaw ko sa kanya habang pababa siya. Hindi siya sumagot. Tas naglakad papunta sa tapat ng pinto sa may backseat tas binuksan.
"Lilipat lang ako dito sa tabi mo. Hindi mo kasi ako pinapansin. Bakit? Kinabahan ka no?" Pangaasar nito sakin. Naisahan ako. Hahahaha.
"Kinabahan? Niloloko mo ba ako? Kapal mo." Balik ko sa kanya. Haha
"Hindi daw. Pero kung makasigaw, 'Hoy. Saan ka pupunta?' Nanginginig pa yung boses."Ganting asar ulit nito sakin.
"Ewan ko sayo. Hanap ka kausap mo." Sinuot ko ulit yung earphones ko.
"LQ? Nak, tamporurut ka nanamn diyan e." Asar din sakin ni aaron.
"Tay naman? Pati ikaw?" Kunwaring inis kong sabi. Tumawa lang siya.
Tinanggal ni Bruce yung earphones ko tsaka ako hinarap sa kanya. Kita mo sa mata niya yung kaba at lungkot dahil sa ginagawa ko. Iniwas ko na lang yung tingin ko. Hindi ko na kasi kaya, anytime matatawa na ako.
"Jace? Ano bang nagawa ko? Bakit hindi mo ko pinapansin? Kanina pa simula sa bahay nuyo." Malungkot nitong sabi.
Hinawakan ko lang yung pisngi niya tapos tumawa ako ng malakas sa loob ng kotse.
"Para kang tanga Bruce. Hahahaha. Monggy ka talaga. Hindi mo kasi ako nireplyan kanina kaya nung makita kita naisip kong asarin ka. Hahahaha. Nakakatawa yung mukha mo kanina. Hahaha." Hindi ko na kinaya
"You're unbelievable Jace O'Brien! Urghhh!" Inis nitong sabi.
"Tama na yan. Hahaha. Nandito na tayo" Natatawa pang sabi ni Aaron.
"Salamat tay. Oyy Bruce, libre mo ko lunch para makabawi ka sa hindi mo pagreply sakin." Natatawa ko pang sabi.
"Libre mo mukha mo." Inis nitong sabi sakin
"Dali na. Hahayaan mo bang magutom ang bestfriend mong maganda? Libre mo ko ha. Aantayin kita pagtapos ko." Paalis ko ng sabi.
"Good Luck nak." Sigaw ni aaron. Hindi pa din ako pinansin ni Bruce. Bahala na nga mamaya. Nag 'thumbs-up' nalang ako.
Kinakabahan ako dahil this is my first time. Kinakabahan din ako dahil sa pangalan ng company na to. Here i come Sanderson Inc.
Hi guys. Please vote and comment.
Leave your feedback about this chapter. 😊😘❤
![](https://img.wattpad.com/cover/102081686-288-k475687.jpg)