Chapter 2

95 5 0
                                        

Nandito ako sa lobby. Nag aabang sa tawag ng nakakataas. Hahaha.

"Jace O'brien, you're next." Sabi ni Kim. Secretary ng Boss. Sobrang masayahin niya. Laging naka-smile.

"Jace, sumunod ka sakin." Sabi ni kim.

Sumunod na ako sa kanya. Parang gusto ko ng itigil kung ano man ang ginagawa ko. Feeling ko hihimatayin ako anytime.

"Jace, good luck." Sabi ni kim. Nginitian ko na lang siya dahil kinakabahan parin ako.

Pagpasok ko, nakatalikod ang upuan ng boss. PaSuspense. Kinakabahan na ako kanina dahil sa pangalan ng company. Pero mas kinabahan ako sa pangalan ng Boss 'Liam Sanderson' ang CEO ng company na pinag applyan ko. Hindi ito maari. Hahakbang na sana ako patalikod at aalis na sana.

"Have a seat" sabi nito habang dahan dahang humaharap sa aking kinauupuan.

"Long time no see Mr. Jace O'brien. Good Morning. Hope you still remember me, Liam Sanderson" Pagsisimula nito.

"Go..od Mornin...ng din po Mr. San..de..rson...."

"Wag kang kabahan Jace. Lets get into the business. So? This is the last interview. I just have one question  for you. Why should we hire you?" Tanong naman nito.

Marami pa siyang tinanong. Pero tungkol lang sa trabaho.

"You got the highest score in the examination we've given for the applicants for the executive assistant. Congrats." Papuri nito sa akin.

"Thank you sir."

"But, i dont know who deserves my trust?"

Im speechless. Pinaparinggan niya ba ako? Hindi naman siguro.

"You may leave now. Tapos na ang interview." He just coldly said to me.

My chance to be hired in this company is 50-50, 50 na hindi ako tatanggapin dahil galit pa siya sakin, 50 na oo dahil nakamove on na siya.

"Hi Jace. Just hold your phone everywhere. We will contact you anytime."

Naglalakad ako palabas ng Company when i saw Bruce. Hininintay niya pa rin ako. Iba talaga tong bestfriend ko.

"What's with that face? Are you hungry?" Nagaalala niyang tanong sakin.

"Yeah. And i have to tell you something. San tayo kakain?" Malungkot kong tanong sa kanya.

"Saan mo ba gusto kumain? You look very hungry." He ask me with sarcasm.

"Jollibee na lang nga." Inis kong sagot sa kanya

Naglakad na kami papuntang Jollibee. Pagdating namin doon, humanap na ako ng uupuan namin, siya na yung umorder. Gentleman siya today. Hahahahaha

And bumalik na siya sa upuan namin dala yung table number namin.

"Spill it out." Panimula ni Bruce.

"Nakita ko siya." Makabuluhan kong sabi.

"Who? Liam?" Tanong niya.

"Yes. And he-is-the-fucking-boss and im freaking out. Anong gagawin ko?"

"Baka chance na yan para magkaroon kayo ng "Closure?" nag quote gesture pa siya

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach."

"Just act natural Jace, wag kang papatalo dun." Sabi niya

"I wish na makapagtrabaho ako ng matino kapag nahire na ako. Assistant niya pa naman ako Kung sakali." Naiinis kong Sabi

"Don't mind him na. Kumain na lang tayo. O Kaya? Titigan mo na lang ako. Para may inspiration ka. Gwapo ko pa naman." Sabi niya sabay kindat

"Alam mo Bruce? Kinakabahan na ako sayo. Itong mga nakaraang araw. Iba Yung mga kilos mo. Parang may sira ka sa utak. Tas ngayon may sakit na Yung mata mo. Ano bang nangyayari sayo?" Natatawa kong Sabi

"Kinilig ka Lang e. Tss. Dami mo pang sinabi. "

"Bruce? Gumising ka nga. Stop day dreaming. Bakit naman ako kikiligin sa best friend ko na almost brother na nga ang ganap sa buhay ko?" Seryoso kong Sabi

"Hala. Defensive naman ng best friend ko. Bakit bawal ba kiligin kapag mag best friend?" Tumatawa niyang tanong sakin

Hindi na ako nakasagot dahil dumating na Yung inorder naming food. Woooooooow. Napakadami niyang inorder. Lalo na yung fries, favorite ko kasi yun. Hahahaha.

"Uy. Bakit andami mo namang inorder? Mauubos ba natin to?" Tanong ko sa kanya

"Mauubos natin yan. Lakas mo kayang kumain." Pangasar niya sakin

"Grabe ka naman. Well. Medyo gutom naman ako ngayon."

"Ngayon? Lagi kayang gutom." Natatawa niyang sabi

"Tse. Bahala ka diyan. Kakain na Lang ako. "

Nagsimula na kaming kumain. Hindi ko Alam Kung anong nangyayari sakin. Basta lamon Lang ako ng lamon. Hahahaha. Natawa na lang ako ng marealize ko Ang mga sinabi ni Bruce kanina.

Natapos na din kaming kumain. Nagpahinga muna kami saglit dahil sa sobrang kabusugan. Sumakit yung tiyan ko sa dami ng nakain ko. Mga ilang minuto pa, inaya na niya akong lumabas sa jollibee.

"Ahmm. Jace? Gusto mo laro muna tayo sa timezone? Bago umuwi? My treat." Pagaya niya sakin.

"Osige. Ikaw bahala. Lagi namang treat mo e. Hahahaha. Basta kapag natanggap na ako sa trabaho, treat Kita sa first sahod ko. Ako bahala sayo." Niyayabang kong sabi sa kanya, Hindi pa nga ako natatanggap, nagbubuhat na ako ng bangko. Hahahaha.

"Aba aba. Sige. Aabangan ko yan ha." Nakangiti niyang sagot sabay akbay sakin papuntang timezone. Tinapik ko Yung kamay niya pero Hindi niya inalis. Pinagtitinginan na kami dito.

"Uyy. Bruce, tanggalin mo na yung braso mo sa balikat ko. Pinagtitinginan na tayo oh." Sabi ko sa kanya.

"Hayaan mo silang tumingin. Mainggit sila satin. Hahahaha. "

Wala naman akong magagawa e. Mapilit itong lalaking to. Baka bugbugin pa ako nito. Hahahaha. As if naman. Tumuloy na kami sa timezone. Jusko. Napapasaya nitong Gabi na to. Naglaro kami sa lahat ng machines. Nag arcade kami. Nag basketball. Nag hulog hulog ng piso. Hahahaha. At iba pa. Pero pinaka nakakainis yung machine ng stuffed toy. Hindi ko makuha Yung cute na panda. Ilang beses na akong nag attempt pero wala pa rin. Pero, naawa na siguro sa akin si Bruce Kaya triny niya, Ang nakakabigla, isang subok Niya pa lang pero nakuha na niya. Binigay niya sakin yung panda.

"Bakla siguro yang machine." Inis kong Sabi

"Pano mo naman nasabi?" Natatawa tanong ni Bruce.

"Kasi? Nung ako yung kumukuha nung panda, ayaw niya magpakuha. Pero nung Ikaw na, isang beses mo pa Lang sinubukan pero nakuha mo na. Nasan yung justice dun? Porket bakla ako? Wtf? Pero at least. Nakuha mo. Thanks dito. " Ngiti ko sa kanya

Lumabas na kami sa mall at pumunta sa may kotse niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Iba talaga siya ngayon. Hahaha. Bahala siya diyan. Ihahatid niya daw ako sa bahay. Nakaidlip ako sa kotse niya. Tinapik niya lang ako nang makarating na kami sa tapat ng bahay. Lalabas na dapat ako ng kotse pero pinigilan niya ako at saka siya lumabas para pagbuksan ako ng pinto.

"Thank you. Ahhmm. Bruce, thank you pala for today. Napasaya mo ako."

"Wala yun. Naisip ko kasi na mahihirapan na tayong mag bonding kapag natanggap kana sa trabaho mo." Sabi niya

"Hahaha. Ang arte mo. Sige na. Sumakay kana muna. Antayin na muna kitang makaalis."

"Sige. Pumasok kana pagkaalis ko ha. Matulog kana. Text na lang kita kapag nakauwi na ako. Good night." Siya.

"Good night."

Pagkaalis niya. Pumasok na ako agad sa bahay at dumiretso sa kwarto para matulog.

















Hi guys. Please vote and comment.
Leave your feedback about this chapter.   😊😘❤

BELIEVE ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon