Chapter 13

29 3 0
                                    

6:40 pm

nagstart na akong magligpit sa pwesto ko kasi kailangan ko bumaba agad pagka 7 kasi susunduin ako ni Bruce.

"Nagmamadali Jace?" tanong ni Liam habang nakatutok pa rin ang mata sa kanyang laptop

"Yes sir. Mag dinner kasi kami ng friend ko." sabi ko

"Sayang. Hatid pa naman sana kita."

"Ano po sir? anong sayang?" takang tanong ko.

"Nevermind. Sige na. Lumabas kana kasi baka inaantay kana ng kasama mo."

chineck ko na ulit yung oras at 7 na nga. Nag paalam lang ako kay Liam at saka nagtatakbo na palabas.

pagkalabas ko ng building, agad akong nag text kay Bruce.


to: Best'Bruce

sir. nandito na ako sa labas.

from: Best' Bruce

Ms.! nandito na rin ako sa labas, left mo.


tumingin na ako sa left side, nakita ko siya.

"Bilis mo ngayon ah, good mood boss mo?" nangaasar nitong tanong

"pinagmamadali pa nga ako kanina para umalis na ako agad e"

"baka gusto sumama?" sabi niya habang naglalakad kami papunta sa kotse niya, pinagbuksan niya ako ng pinto

"malay ko dun. gusto mo pasamahin ko?" sumakay na kami parehas

"no way!" sagot niya na ikinatawa ko

"kanina ka pa dito?" tanong ko na medyo natatawa pa rin

"Hindi naman masyado. mga 10 minutes before 7 siguro"

"uyyyyyy! saan pala tayo pupunta?" nagtataka pa rin kasi ako

"ikaw ba? saan mo gusto?"

"sa piling mo" tingin ko nang seryoso sa kanya tapos napatingin din siya sakin

"CHAR lang!" sabay tawa ko ng malakas!

"kung makikita mo lang yung itsura mo Bruce"

"pag sineryoso kita diyan? kabahan ka talaga" natatawa na rin niyang sagot

"bakit ba kasi ang tahimik mo. kanina ka pa diyan" bakit naman kaya? alam ko, maganda ako pero di naman dapat kabahan hahaha

"Bakit naman? Ako lang naman to. Kaibigan mo. Si Jace lang to." pangaasar ko sa kanya. umiingay na rin kami ulit. ganito kasi kami lagi kaya nanibago ako na tahimik siya kanina

"ikaw kasi. ang hirap mo kasi i-date." at ako pa ang may kasalanan, para namang idea ko to. pero totoo, ayaw ko kasi nang masyadong mahal, ayaw ko din ng boring. gusto ko yung sakto lang pero masaya. kaya nga aliw na aliw ako nung nag arcade kami bago ako matanggap sa trabaho.

"kanino bang idea to? wag ka kasing kabahan. basta, ang mapapayo ko lang sayo, Surprise me." sabi ko sabay kindat sa kanya

BELIEVE ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon