Chapter 3

99 5 0
                                    

*Kring*kring*kring*

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Sobra akong napagod kagabi. Bumangon na ako at kinuha ang phone ko. Without looking sa Kung sino yun, sinagot ko na agad.

"Hello? Sino to?" Tanong ko sa caller

"Hi Jace. Im Kim. Tumawag lang ako para sabihing tanggap kana. Pwede kana bang pumasok ngayon? Sir Liam needs you now. Sorry"

"Ahh. Sige po Ms. Kim. Salamat po. Magaayos na po ako. Papasok na po ako ngayon. 10 po ulit."

"Sige. Sasabihin ko sa kanya. We'll wait for you."

"Ok po." Inend ko na yung tawag at naghanda na.

Tinignan ko Yung orasan. 7:00 am na. Magaasikaso na ako.

Binonggahan ko sa pagligo. Nagkuskos ata ako na parang matatanggal na yung balat ko. Nag toothbrush ata ako na parang magdudugo na Yung bibig ko. Nag pabango pa ako na parang mahihiya na ang salitang 'baho' lumapit sa akin. Nagbihis na ako. Narinig ko si mama na may kausap sa labas. Sino kaya iyon? Baka kaibigan niya. Natapos na ako sa mga ganap at saka lumabas sa kwarto.

Nakakarinig ako ng chikahan sa may kusina. Pumunta ako dun dahil na rin sa kakain muna ako bago umalis. Pagdating ko sa kusina. Nakita ko si Bruce at mama na naguusap.

"Good Morning guys. Anong meron?" Bati ko sa kanila

"Wala naman nak. Kumain kana." Sabi ni mama.

"Good morning Jace. San punta mo? Bihis na bihis ka ata para agahan?" Tanong sakin ni Bruce.

"Tumawag kasi sakin kanina Yung secretary ni Liam. Tanggap na daw ako. Tapos, Kung pwede na daw akong pumasok kasi kailangan na daw ako sa kompanya." Paliwanag ko

"Kailangan ka sa kompanya? O kailangan ka ng boss mo?" Makahulugang tanong ni Bruce

"Malamang kailangan niya ako, Assistant niya ako e." Sagot ko

"Sige. Sabi mo e. Hatid na kita, may pupuntahan din naman ako e." Alok niya sa akin

"Ok. Masama naman tumanggi sa biyaya." Ngiti ko sa kanya

"So? I'm a blessing to you?" Asar niyang tanong

"Ang pag hatid sakin. That's what I mean. " *Smirk*

"Ayaw pang aminin. Tss"

"Balakajan. Hahaha" Sabi ko

Natapos na kaming kumain tapos umalis na kami ni Bruce. Kanta lang kami ng kanta sa loob ng kotse hanggang sa makarating kami office. Hindi muna ako bumama. Kinakabahan ako.

"Bruce, kina..ka.bahan ako." Nauutal kong sabi

"Baliw. Wag kang kabahan. Sisiw Lang yan sayo." pag cheer niya sakin

"Sisiw lang naman talaga dapat. Ang nagpahirap Lang, Yung boss ko mismo."

"Hayaan mo nga kasi siya. Wag mo na Lang masyadong pansinin." Sabi niya

"Baka mapahiya lang ako." Malungkot kong salita

"Hindi yan. Ganito na lang, gawin mo Yung best mo, tapos ilibre Kita ng dinner mamaya? Ano? Deal?" Tanong niya

"Kahit naman Hindi mo sabihin e, magpapalibre ako sayo. " Natatawa Kong Sabi

"Ayy. Abusado ka naman na ata niyan" tawa niya din.

"Hahahahaha. Sige na nga. Papasok na ako"

"Sige. Goodluck." Umaandar na Yung kotse niya paalis.

Naglakad na ako papasok sa office. Nakasalubong ko na si Ms. Kim.

"Good Morning Ms.Kim." bati ko sa kanya

"Nandiyan kana pala, stop the formality. Just Kim. Para namang magkalayo tayo ng edad. Amhmm. Wala pa pala si sir. Pero parating naman na daw siya. Wait for him." Sabi ni Kim

"Ok sige. Dito na Lang ako magiintay."

Maya Maya pa ay may bumusina na sa tapat ng pinto ng office. Makikita mo sa mukha ng mga to ang takot nang biglang dumating ang boss. Bumukas na ang pinto at niluwa nito ang isang napakagwapong lalaki. Wtf? Ano bang sinasabi ko. Kalimutan ko na dapat siya. Bago pa man niya ako malagpasan. Binati ko na siya.

"Good morning sir. I'm your new Executive Assistant." Panimilang bati ko.

"Come with me. We're going into my office." Tipid niyang sagot

"Ahhh. Ok po sir." Sagot ko sa kanya

Tahimik Lang kami sa loob ng elevator. Wala man Lang saming dalawa ng magkusang bumasag sa katahimikan. Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa loob ng elevator ngayon. *Ting* nakarating din. naglakad na siya papuntang office niya. Sumunod naman ako. Habang naglalakad kami, naiilang ako sa titig ng mga tao. Hindi ko na lang sila pinansin subalit..

Nakarating na kami sa office niya.

"Since you're my assistant, I need you Everytime, that's why you are going to work here also in my office. That table on the side is yours. Go and start working." Cold na sabi niya fir.

I don't like the aura inside his office. Parang masyadong madilim, galit, lungkot, at iba pa yung feeling dito sa loob. Hindi ko alam kung bakit ganito.
Masama ang pakiramdam ko sa mga pwedeng mangyari dito sa loob. I need to control my feelings to have peace. Ayoko naman mag away kaming dalawa. Una sa lahat, he's my boss and I'm just his assistant. Kahit pagbali-baliktarin pa natin ang mundo, ako parin ang magiging kawawa sa huli. Hindi ko naman pwedeng panghawakan yung malaking kasalanan niya dati, we're not teenagers now. Business is business and work is work.

"Stop looking at me Jace. I have two meetings at 8, here in the company and somewhere. as you can see, Hindi ako pwedeng umattend sa dalawang magkaibang meeting at the same time. You'll going to meet the investor." Sabi niya sakin in a cold tone. Bakit ako? What if ma disappoint sakin yung investor? Bwisit talaga tong halimaw na to. Kagigil.

"Sir? Bakit ako po?" Takang tanong ko

"Why do you sound like you don't want the job I'm giving you?" Sabi nitong halimaw na to.

"Hindi naman sa ganon sir. Pero-"

"No buts Jace. You'll meet the investor. Make him a part of my company. That's it." Tumaas na ng konti yung boses niya. He's scary.

"Ye..s s..ir. " nauutal ko pang sagot sa kanya dahil sa inaakto niya.

"Kim will text you the informations about the investor and where are you going to meet" dagdag niya pa

"Ok po sir. I'll do my best sir."

Naglalakad na ako palabas sa office niya nang banggitin niya ang mga katagang ikinainis ko lalo.

"Make me believe in you Jace."

Hindi ako magpapaapekto sa kanya. I didn't came here to reconnect with him. I came here for work and that's it, no rainbows and unicorns.



















Hi guys. Please vote and comment.
Leave your feedback about this chapter.   😊😘❤

BELIEVE ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon