*kriiiiiiing*kriiiiiiiing*
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Pinatay ko na yung alarm ko and chineck ko na rin kung anong oras na.
Time check : 5:13 am
Kanina pa siguro ito tumutunog, hindi lang talaga ako nagising. Hays. 5 o'clock alarm ko e!
Agad ko nang hinanda yung susuotin ko para sa araw na to. What im going to wear is a denim jumper, an over sized white button up and a pair of white superstar shoes.
Ginawa ko na yung morning routine ko. After ko mag bihis, pumunta na ako sa tapat ng salamin and since may konti pa naman akong oras i have decided na gamitin ulit yung mga makeup ko. Nag foundation lang ako. Nag kilay. Konting blush. And tinted lipbalm. Tinignan ko yung sarili ko. Wow. I miss this. The last time na nag make up ako before lumabas ng bahay, hmmm nung nagbreak kami ni Liam. Kasi after that i tried to look more manly than usual for appearance lang ha. Tas dito na lang ako nag make up sa loob for practice lang.
Time check : 6:30
Tama na kwento. Bumaba na ako sa hagdan. Naabutan ko si mama sa sala na nagwawalis.
"Good morning ma. Aga po niyan ha?" Bati ko kay mama
"Good morning din anak. Maggogrocery kasi ako mamaya kaya inagahan ko na maglinis." Sabi naman ni mama
"Ayy sige po. Pasok napo pala ako sa work ma."
"Hindi kana ba magaalmusal? Baka sakitan ka ng tiyan sa trabaho." Sita ni mama sakin
"Hindi na po ma, baka malate din po kasi ako. Mapapagalitan pa ako nung depungal kong boss." Natawa naman ako sa sinabi ko
"Osige na nga. Kumain ka sa office ha." Bilin ni mama
"Opo ma. Babye na po" umalis na ako
Sumakay na ako sa taxi papuntang office. Nag earphones na rin ako sa byahe para di ako mamatay sa nakakabinging katahimikan na to.
Pag dating ko sa office nag lakad na ako kaagad papasok ng building.
"Good morning sir." Ngiting bati sa akin ni kuya miguel, guard
"Good morning kuya Miguel." Bati ko naman sa kanya
Diretso na ako agad sa elevator. Pagdating ko sa office. Nakita ko naman si Kim.
"Psst Kim. Nandiyan naba si sir?" Tanong ko naman
"Good morning Jace. Wala pa. Di naman pumapasok ng maaga yon e." Sabi niya naman
"Buti naman. Hahaha" natawa kaming dalawa
"May iba sayo ngayon Jace, blooming ka. Inlove ka noh?" Pangaasar nito sakin
"Baliw. Naka makeup lang ako ngayon. Sige na. Punta na ako sa loob. Aayusin ko pa mga gamit don." Hindi ako titigilan nito kapag di pa ako umalis e
"Ayaw mo lang aminin na in love ka e. Tss. Sige na. Pumasok kana don"
Naglakad na ako papasok sa office ni Liam. Nilapag ko na yung bag ko sa table ko. Inayos ko na yung mga papel papel. After ko namang linisin yung sakin, duon naman ako sa mesa ni Liam. Daming binilog na papel. Tss. May basurahan naman na malapit di na lang itapon. Ang tamad talaga. Inayos ko na yung ibang papel. Tapos yung iba na di na kailangan nilagay ko sa drawer niya. Pag bukas ko, may nakita akong picture, di ko masyadong maaninag kasi medyo nasa dulo. Inusog ko nang konti yung picture. Nabigla naman ako sa nakita ko. Bakit mayroon pa siya nito. Picture namin sa party nung araw na naging kami.
Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto kaya nataranta ako at pinasok ko agad lahat yung papel na hawak ko sa drawer at isasara ko na -
"Awww shit" sabi ko. Naipit lang naman ako sa drawer.
