Chapter 14

33 4 0
                                    

5 minutes















5 minutes and im still stuck here with Bruce.



















Nagising ako sa sinag ng araw na tumagos sa bintana, and i realize that im hugging this some type of unknown creature and it is also hugging me. Anong oras kaya kami tatayo dito? Ganyan kasi yan si Bruce, kailangan mauna siya magising sayo para tuloy tuloy lang ang buhay kasi kapag ikaw ang nauna magising sa kanya lalo na kapag nakayakap siya sayo hindi ka niya bibitawan hanggat komportable at sarap na sarap siya sa tulog niya. Jusko, dati nga sinubukan ko siya gisingin for the first time and last na rin ata? ginawa niya dinaganan niya ako, so nakapatong siya sakin hanggang magising siya.

kinapa ko yung phone ko sa gilid ng unan para malaman yung oras, hmmm. 7:36 na. Kailangan ko na tumayo ng 8 kasi magaasikaso pa ako for work pero ngayon enjoyin muna natin ang pahinga na ito kasi nakakapagod maging adult.

dahil malapit na rin naman mag 8, wala na akong karapatan matulog kasi pag natulog pa ako, goodluck na lang.

Tinignan ko mukha ni Bruce. Ang gwapo talaga nitong bestfriend ko, matagal na kaming magkakilala at alam kong gwapo siya pero sobrang gwapo niya pala talaga. akala ko oa lang yung mga nagkaka-crush sa kanya. Bakit kaya wala pang jowa to? Ano kayang inaarte arte nito at nakikigaya sakin na single. Natawa akong kaunti sa naiisip ko.

"Gwapong gwapo kana naman sakin. Humahagikgik ka pa diyan na para kang kinikilig na high school student."
salita ni Bruce habang nakapikit pa

"Ang kapal ng mukha mo! Tumayo kana diyan at magaasikaso pa ako!" pagdepensa ko sa sarili ko

"Aminin mo na kasi Jace na pinagpapantasyahin mo ako, hindi naman ako magagalit." pang-aasar niya habang nakapikit pa rin

walang talagang kasing kapal ng mukha itong lalakeng to

"Pwede ba Bruce tantanan mo ako, ang aga aga sinisira mo araw ko!" ito ang magiging dahilan nang pagka-late ko! napaka kulit daig pa ang bata!

"Wag ka naman highblood diyan" natatawa pa niyang sabi

"ikaw kasi e! bitawan mo na nga ako at late na naman ako sa trabaho nito kapag di pa ako umuwi sa bahay!" naiirita kong sabi pero hindi niya pa rin inalis yung kamay niya at ang ginawa pa ng loko ay hinigit ako lalo papalapit sa kanya

"Bruce, ano ba?! Naiinis na ako! Mali-late sabi ako e!" galit na talaga

"Ano ba kasing sinasabi mong mali-late ka e wala ka namang pasok ngayon?" nakayakap pa rin siya

"Desiyon ka? Anong walang pasok pinagsasabi mo? Bitawan mo na ako!" pauso. pinangunahan ang Schedule ko

"Wala kang pasok ng Sunday diba? masyado ka namang nasarapan sa pagtulog sa tabi ko at nakalimutan mo na ang araw ngayon." pangaasar nito sakin.

Totoo ba? Sunday ngayon? Kinuha ko ulit ang phone ko kasi oras lang talafa ang tinignan ko kanina, hindi ko pinansin yung date at kumpirmado, Sunday nga ngayon. so, napahiya ako early in the morning. nubayan. vaklang vovita, daming kahinaan!

"Uuwi pa rin ako sa bahay at baka masampal na ako ni mama!" pagdadahilan ko dahil napahiya na nga ako

"Naipaalam na kita kay Tita kaya wala kang ibang dapat gawin kundi ienjoy pa lalo ang yakap ng gwapo mong bestfriend!" san kaya humuhugot ng confidence to kasi napasobra na. Dahil alam kong wala naman na akong magagawa dito ay nag cellphone na lang ako nang biglang tumunog yung sikmura ko, sign of gutom

"Bruce? pwede na ba tayong tumayo?" sabi ko na may konting inarte kasi-

"Mauna kana sa baba, magpaluto kana kila ate Maria." sabi niya pagkatayo at saka pumunta na sa cr

-alam kong effective

pero teka. napa-simangot na lang ako sa thought na kailangan ko magpaluto kay ate maria, at talagang ako pa ang inutusan niyang mag sabi, alam niya naman na nahihiya ako. ako na lang ang magluluto. Lumabas na ako sa kwarto at bumababa na sa hagdan kasi punta nga akong kusina. Pinakialaman ko na ang ref nila at naglabas na ako ng hotdog and egg. Magsasangag na lang din ako kasi paborito rin ni Bruce ang sinangag. Ni-ready ko na lahat ng gagamitin ko

"Uyy Jace ako na diyan." sabi ni Ate Maria habang papalapit sa akin

"Hindi na Ate. Mag relax ka diyan ngayon." ngiti kong sabi sa kanya

"Tulungan na lang kita diyan mag prepare." hinayaan ko na si ate na tulungan ako kasi nakasanayan na niya yan na may ginagawa kaya hindi ko rin mapigilan

Natapos na namin ni ate tanggalan ng plastic yung hotdog, nakapaghiwa na rin kami ng maraming bawang para sa sinangag kasi yun ang gusto namin ni Bruce. Sinimulan ko nang lutuin yung hotdog, pagkatapos itlog na hanggang sa sinangag na. Kasama ko lang si ate dito, nagchi-chikahan na rin kami kasi matagal na nga akong hindi nakakapunta dito. Habang nagtatawanan kami ni ate maria dahil sa pagalala sa mga pasts may dalawang kamay na biglang sumulpot at yumakap sa tiyan ko at babang dumikit sa balikat ko.

"Bitawan mo nga ko Bruce!" inis kong sabi dahil medyo nagulat ako at muntik nang mapaso

"I can't!" sabi niya na hindi parin umaalis

"Anong I can't ka diyan?!"

"Mukha kang magiging asawa ko from behind. It was a nice view that's why i can't."  ay pota maharot

"kung pasuin kaya kita nitong sandok?! Ate Maria paki-kausap nga po yang alaga niyo" seryoso kong sabi

"Ang sungit naman nito. Parang lugi ka pa na maging asawa ko ha. Makapag-lagay na nga lang ng mga plato." sabi niya bago pumunta sa dining area na hindi rin naman kalayuan kaya maririnig din kami mula sa kusina kung hindi namin hihinaan ang boses

"ang cute niyo Jace." nakangiting sabi ni ate Maria

"Cute ako ate. Ako lang." sagot ko naman

"Para kayong matandang mag-asawa. Ganyan na ganyan yon e. Laging nag babangayan pero mahal na mahal ang isat-isa." hala siya. humahagikgik pa si ate sa sinasabi niya. di ba siya kinikilabutan?

"Ate, pati ikaw ba naman? tulungan mo na lang ako ate, dalhin na po natin tong mga pagkain sa mesa kaysa inaasar niyo ako sa alaga niyong may saltik" pagsita ko na rin kay ate kasi napapansin kong napagtutulungan na ako

Nilapag na namin sa lamesa lahat ng pagkain. Gutom na ako at malakas ang kutob kong gutom na rin sila lalo na ang isa diyan,










Nalipasan na talaga.

























Hi guys. May nagbabasa paba nito? kahit naman wala itutuloy ko pa rin naman ito hahaha. sorry for the inconsistent updates. Please vote and comment.
Leave your feedback about this chapter.   😊😘❤

BELIEVE ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon