Chapter 3

19.7K 506 3
                                    

Urong-sulong ang peg ni Dona. Kung kasama lang nya si Mia ay baka sinakal na nya dahil sa ideya nito na puntahan si Mr. Montero. Naisip na nya ang mga sasabihin kapag nakaharap na ang lalaki. Na-imagine na nya ang mga maaring mangyari at buo na ang kanyang loob, pero iba talaga kapag nandun na sa sitwasyon na yon.

Isa pa ay ni hindi nga sya sigurado kung makikita nga nya ito. Tinawagan kasi nya ang numero na nasa card at humingi sya ng appointment. Pero ang sagot sa kanya ay hindi nakikipagkita si Mr. Montero sa kung sino-sino lang. Tama nga naman. Sino ba sya para mag-demand ng meeting sa isa sa mga pinakamayamang tao sa Pilipinas, at maging sa mundo? Pero hindi sya sumuko at heto na nga sya sa loob ng Montero Hotels Corporate Center, ang building na kinaroroonan ng opisina ni Sean Montero. At hindi sya aalis don hangga't hindi nya nakakausap ang lalaki.

Nag-research naman sya bago sya pumunta roon at binasa ang anumang makita nyang tungkol sa mga Montero. Yumao na pala ang matandang Montero at nahati ang imperyo nito sa apat na anak na lalaki - sina Sean, Brad, Monty at Isaac. Si Sean ang nagmana ng hotels at malls, ang taong pakay nya ngayon. Si Brad naman sa resorts at airline. Si Monty ang naiwan sa mga sasakyan na pang-lupa at pangtubig. Si Isaac naman ang namamahala sa mga ospital.

Hanggang doon lang ang nalaman nya. Wala kasing kahit anong personal na impormasyon tungkol sa apat, edad, mga hilig, mga kinaaayawan, pag-ibig... pag-ibig? Bakit ka naman interisado sa buhay pag-ibig ha, Dona? Kahit mga larawan sa internet ay wala. Nabasa nya rin na importante sa mga ito ang privacy, kaya nananatiling misteryoso ang mga ito.

Hindi nya tuloy maiwasang hulaan ang hitsura ni Sean. Gwapo siguro dahil anak mayaman. May asawa na kaya? Kung wala pa ay siguradong may girlfriend na ito... o girlfriend nga ba ang hanap? O baka naman hindi kagwapuhan o kaya ay obese kaya ayaw magpakita. Pero bakit ba nya iniisip ang mga bagay na yan, eh hindi naman sya pumunta don para makipagdate.

Napaisip din sya kung gaano makapangyarihan ang magkakapatid upang pati ang internet at media ay maiwasan ng mga ito.

Nasa harap na sya ngayon ng reception, sa gitna ng mga abalang tao.

"Good morning, ma'am. How can I help you?" bati sa kanya ng babaeng receptionist.

"Good morning. Gusto ko sanang makita si Mr. Sean Montero." Napatingin ang lahat nang naroon sa kanya. Ang iba ay mula sa kanyang mukha pababa sa paa at pabalik sa mukha. Hindi naman nya masisisi ang mga ito. Hindi kasi bagay ang suot nyang pink blouse na pinatungan ng maong na jacket at pinarisan ng maong ding jeans at rubber shoes sa pagka-pormal ng lugar. Ang lahat maliban sa kanya, kung hindi naka-suit at slacks ay naka-blazer at skirt. Pormahang pang-opisina.

"Can I get your name, please?" Nakangiti naman ang babaeng kausap.

"Dona Peña," nakangiti rin nyang sagot.

"Yes. Mr. Montero is expecting you."

Literal na napabuka ang kanyang bibig at napakunot ang kanyang noo. Papaanong inaasahan sya ng lalaki, eh tinanggihan nga sya ng nakausap sa telepono.

"Follow me, please, Ms. Peña."

Nakanganga pa rin syang sumunod dito. Dinala sya ng babae sa isang elevator na nakahiwalay sa iba pang elevator na pinipilahan ng mga empleyado at ibang bisita. Sabay silang sumakay ng elevator. Pinindot ng kasama nya ang "P" na buton, penthouse.

Ang pag-akyat ng elevator ay lalong nagpakabog ng kanyang dibdib. Ilang saglit lang ay bumukas na ulit ang elevator at tumambad sa kanya ang isang malawak at marangyang bulwagan. Katapat sa di kalayuan ng elevator ang isang pinto, at sa tabi ng pintong iyon ay isang table. Marahil ay table iyon ng sekretarya.

Paghakbang nya palabas ay syang pagsara ng elevator. Nilingon nya iyon at nasilip pa sa pasarang pinto ang kasama nyang babae. Walanjo, iniwan sya nang wala man lang instructions. Naiwan syang nag-iisa at walang kahit sinong mapagtatanungan.

(Dugong Montero Series) Sean - Priceless (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon