Chapter II- The Encounter

20.6K 421 12
                                    

ALEXIS ALEJO POV

Imbes na umupo siya, humakbang siya patungo sa kinaroroonan ko. Magkalapat ang mga tingin namin habang palapit siya. Parang nagsusukatan kami kung sino ang mas matibay! 

Well, try me!

Huminto siya sa tapat ko. Mas gwapo pala siya sa malapitan. 

"Terrence, go back to your seat or else I'll mark you absent," pagbabanta naman ng professor.

He glanced from me to the Professor. "Then mark me absent," walang kakurap-kurap na anas nito sa Professor.

Nagpanting naman ang tenga ko sa narinig. Never kong nasagot-sagot ang mga Professor ko dahil nirerespeto ko  sila. Tss. Gwapo nga kabaligtaran naman sa ugali. I hate that kind of attitude. 

"And as for you, Miss," baling muli nito sa akin. "Bumalik ka na sa pinanggalingan mo, you're fired!" Asik nitong sabi saka tinungo ang pinto.

**
TERRENCE POV

Matapos kong sabihin 'yon, iniwan kong nakatanga 'yong babae. Sa tingin ba niya kaya niya ako. Nagkakamali siya! Akmang hahawakan ko na sana ang doorknob ng may biglang humila sa kaliwang braso ko at ganoon na lang ang pagkagulat ko kasabay ng sakit na naramdaman ko ng ipilipit niya ang kaliwang braso ko sa likuran ko. Syet!!! 

"H-hey!" anas ko dahil sa pagkabigla sa ginawang iyon ng babae. Napansin ko naman ang pananahimik ng mga kaklase ko, marahil nabigla din ang mga ito. Pero wala man lang nag-abalang tumulong sa akin?!

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" ang angil ko habang nagpipilit akong pumiglas. Bwisit! Babae ba talaga 'to?! Ang lakas niya! Pero mukhang nainis ko yata lalo 'tong babae dahil sa pagpupumiglas ko dahil lalo pa nitong hinigpitan ang pagpilipit sa braso ko! "Sh*t!" bulalas ko sa ginawang iyon ng babae. Pakiramdam ko eh parang hinihiwa na 'yung braso ko sa sobrang sakit! Bwisit ka! Magbabayad ka kapag nakawala ako dito!

"Ngayon Mr. Altamonte."

I paused. Ano na naman!

"Mamili ka, babalik ka sa upuan mo o... maghapon tayong ganito?"

What?

"I can do this for the whole day, pero ikaw, matagalan mo kaya ito?"

Narinig kong sabi niya na parang nang-aasar pa! And for sure nag-eenjoy siyang itorture ako! "Damn! Kung hindi ka lang—ahk!" napasigaw ako ng muling higpitan ng bwisit na babae ang pagkapilipit sa akin! Ang sakit na!

"Teka Miss—" naulingan kong nagsalita si mam pero bakit hindi na niya itinuloy ang sasabihin? Nakatalikod kasi ako sa kanila. Ilang segundo pa nagsalita ang babae.

"You were saying. Mr. Altamonte?"

Nang-aasar talaga! Teka nga! Walang karapatan ang babaeng ito na saktan ako!

"Kailangan ko lang naman ang sagot mo, Mr. Altamonte." dugtong pa niya. "kung hindi ka mag-sasalita it means.... you choose the second—"

"Ok—Ok!" ang yamot kong sabad. Eh ano pa bang choice ko? Alangan naman buong araw akong pahiyain ng babaeng 'to! "Babalik na ako sa upuan ko!"

I wont forget this! Ginawa mo akong katatawanan sa harap ng maraming tao! Wala pang nakakagawa sa akin ng ganito!

Nang bitawan na niya ako, agad akong lumayo sa kanya. Saka matatalas ang tinging pinukol ko sa kanya. Siguro kung nakamamatay lang ang tingin baka kanina pa nakabulagta sa sahig ang babaeng 'to! Lucky for her ha!

"You gonna pay for this!" mahina kong sabi sa kanya and I think narinig naman niya iyon. I decided to go back to my chair, kaya humakbang na ako, nilagpasan ko na siya ng...

"Siya nga pala Mr Altamonte, ipapaalala ko lang uli sa'yo."

Hindi na ako nag-abalang lumingon pa.

"Sinabi ko kanina na may karapatan akong gawin ang nais ko hindi ba? That's because your father agreed to my conditions, means he gave me his permission to... use force if I have to."

Bigla akong napalingon sa babae dahil sa narinig ko! She turn to me with pang-asar na ngisi! Bwisit!

"Mabuti 'yung nagkakaintindihan tayo, Mr Altamonte. Kaya sa susunod, gawin mo na lamang ang mga sasabihin ko," she smirk!

Tss! Hindi na ako kumibo. I just glare at her. Saka padabog na muling bumalik sa upuan ko. And whats with that conditions thing! Bakit pumayag si papa! Damn! I really need to talk to him!

I saw her talk to Mam Gina. And the heck! She look at me again!

"I'm going to check your next room. I'll back before your class end, so..."

Agad ko namang naunawaan ang nais niyang sabihin. Nakakainis talaga!

**
ALEXIS ALEJO POV

Paglabas ko ng klasrum. My sigh hissed in the confined space. I didn't intend to use force sa una naming pagkikita but he really gave me no choice. Masyado kasing nakakaasar ang attitude niya.

Inilabas ko mula sa bulsa ang papel na naglalaman ng schedule nito. Hinanap ko na ang next room. "Room 403." I murmur.

Hindi naman ako nahirapang maghanap. Anong silbi ng pagtatanong, diba? Ayoko ng hiluhin pa ang sarili ko sa paghahanap kung marami namang mapagkukunan ng info. 

Nakita ko na rin ang room 403, gaya ng inaasahan may nagkaklase na roon. Sumilip lang ako sandali para magmasid sa paligid. Mukhang safe naman iyon. Kaya naisipan ko ng bumalik sa room ni Terrence.

But... unfortunately, ganoon na lang ang pagkadismaya ko ng malaman kong umalis si Terrence pagkaalis ko kanina. Geez! Napailing na lang ako.

Hinga Alex! Inhale! Exhale! Inhale! Exhale!

Sabay balik sa motor ko para bumalik sa mansyon ng mga Altamonte dahil for sure umuwi ang taong 'yon.

Habang nagmamaneho, iniisip ko na ang dapat gawin sa taong 'yon!                                  

And until—until we could change their situation, I would protect him, even if he didn't like my method!

================================
Lagot ka Terrence!!!

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon