Chapter XXVIII - The Lovers Quarrel

12.1K 241 17
                                    

TERRENCE ALTAMONTE
"Salamat." ang sabi ni Alex kay manong guard dahil sa paghatid nito sa kanya. Bakit hindi niya kasama sina Myka at Ian?

Hahakbang na sana siya sa kinaroroonan ko ng magulat siyang makita akong nakatayo sa maindoor!

Nakakainis! Pinatayan na niya ako ng call, inoff pa niya ang cp! Grabe talaga siya! Kanina pa ako palakad-lakad habang hinihintay siya. Nung malaman kong magkasama sila ni Steven na 'yun, hindi ako mapakali! At ano naman ang pinag-usapan nila?!

"Bakit ka nakatayo dyan?" ang kaswal na tanong ni Alex ng lumapit siya sa akin.

"Hinihintay ka. Diba sabi ko hihintayin kita?" ang sabi ko pero nakasimangot ako.

"Nandito na ako, kaya huwag ka ng mag-alala." ang pormal pa rin nitong sabi.

"Bakit mag-isa ka lang. Nasaan sina Myka?"

"May mga trabaho ang mga iyon kaya ayoko na silang istorbohin pa."

"Bakit mo kasama ang Steven na 'yun?" ang balik-tanong ko habang hindi pa rin maipinta ang mukha ko sa selos!

Tumawa siya ng pagak. Psh! Tawanan lang ba ako?!

"Tsk! Pati ba naman ang mga ganoong bagay ay kailangan ko pang ireport sayo? Hindi ba pangingialam na iyon sa buhay ng iba?" ang mataray niyang sabi.

Natahimik naman ako sa sinabi niyang iyon. Bigla ko tuloy naisip na wala pa nga pala akong karapatan dahil hindi pa naman kami. Saka ako lang naman itong nag-aasume gayong hindi ko naman sigurado kung may nararamdaman nga talaga siya para sa akin.

Si Alex naman ang natigilan ng dumilim ang mukha ko.

"Marahil nga sobra na ang pangingialam ko sa buhay mo, lampas na iyon sa pakialam ko bilang kliyente mo, wala naman talaga akong karapatan dahil hindi tayo at siguro nga wala naman talagang pag-asa na mahalin mo rin ako." ang sabi ko na may halong pagdaramdam sa tono ng boses ko. "Pero isa lang ang sigurado ako.... ayoko man pero hindi ko maiwasan... mahal kita kaya nagseselos ako ng ganito." pagkasabi noon ay agad ko siyang tinalikuran, umakyat ako sa 2nd floor diretso sa pansamantalang kwarto ko.

-------
AGENT JOSEPH
Nasa living room kasi kaming apat, samantalang nasa kwarto naman nito si Gov, marami ata itong trabahong dinala dahil ayaw niyang magpaistorbo. Si Terrence naman... kanina pa siya hindi mapakali, nalibot na yata niya ang buong kabahayanan sa paglakad-lakad niya habang nakabusangot ang mukha. Hindi na lang namin siya inistorbo dahil baka kami ang mapagbuntuanan. Ewan ko kung bakit parang naiinis siya kanina. Tapos ng may marinig kaming tunog ng humintong motor sa labas, dali-dali siyang pumunta ng maindoor.

Nakita kong bumaba si Alex sa motor ni Manong guard at gulat ang reaksyon sa mukha niyang nakatingin kay Terrence ng makita ito sa maindoor. Hindi marahil expected ni Alex na naroon ito at nahihintay sa kanya.

"Hoy, ayan na si Alex." ang sabi ko na kinukuha ang atensyon ng 3 na naglalaptop.

Sabay-sabay naman napatingin sa may maindoor ang 3. Lumapit si Alex kay Terrence. Hindi namin marinig ang pinag-uusapan nila dahil medyo malayo kami. Ilang sandali pa, nakita naming madilim ang mukhang tinalikuran ni Terrence si Alex. Saka napasunod kami ng tingin habang paakyat ito ng second floor.

Nagtaka kami. "Hala. May LQ yata ang dalawa." ang sabi ni James habang nakatingin pa rin sa paakyat na si Terrence.

"LQ agad?" maang na tanong naman ni Mike. "Diba kagabi lang naging sila tapos away agad? Ano kayang nangyari?"

"Tsk! Para namang hindi na kayo nasanay sa dalawang iyan. Ngayon mag-aaway tapos mamaya bati na naman tapos away uli, para silang gulong nakakahilo, paikot-ikot." ang walang ganang sabi ni Kyle at pinadaanan lang sila ng bored-look nito saka muling itinuon ang mga mata sa laptop habang nakapangalumbaba sa mesa.

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon