TERRENCE ALTAMONTE
Narinig kong nagpaalam na 'yung Mildred at mga kasamahan nito, pero ang mga pulis ay naroon pa rin sa labas. Hindi ko na sila inintindi pa dahil ang sama na ng pakiramdam ko. Nakaupo ako sa sofa habang nakapikit. Takte! Bakit ngayon pa ito nangyari! Magpapahinga na nga lang muna ako ng ilang oras baka mawala rin ito.Tumayo ako saka tinungo ang hagdan. Argh! Sobrang sakit ng ulo ko! Hahakbang na sana ako paakyat ng marinig ko ang boses ni Alex. Kaya lumingon ako. Nakita ko ang pagtatakang bumakas sa maganda niyang mukha.
"Ayos ka lang?" nakakunot-noong tanong niya.
Tumango ako. "Oo, medyo masakit lang ang ulo ko. Matutulog na muna ako sa kabilang guest room." saka pilit akong ngumiti.
Tatalikod na sana ako nang maramdaman ko ang kamay ni Alex na pumigil sa braso ko. Nang muli akong humarap sa kanya ay ipinatong niya ang kanyang palad sa noo ko.
"Huh? Ang init mo!" Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.
Ngumiti ako. "Don't worry about me, babe. Pahinga lang ang kailangan ko, mamaya mawawala rin ito." nanunukso kong sabi sa kanya at nakangiti.
Pero nagulat ako ng hilahin niya ako paakyat ng hagdan. Tinalunton namin ang daan patungo sa kwarto. Nagtaka ako ng binuksan niya ang pinto ng kwarto niya. Pumasok kami.
"Humiga ka na muna dyan." ang utos niya sa akin.
Napalingon ako sa kanya na nagtataka. Biglang nakaisip ako ng kapilyuhan.
"Teka babe, masyado ka namang mabilis." ang pilyo kong biro na kunyari tinakpan pa ang katawan ko.
Napanganga siyang napatitig sa akin.
"Isa pa halos 2 weeks pa lang tayong magkakilala, at alam mong gusto talaga kita. Gusto ko man 'to pero ayokong mahawaan ka ng lagnat ko saka----"
Bigla siyang kumuha ng unan at hinampas iyon sa mukha ko! Andun na naman 'yung dark aura niya! Teka, binibiro ko lang naman siya!
"Oi idiot, tumigil-tigil ka diyan! Baka nakakalimutan mong nadale rin ng mga bala ang kabilang guest room. If you want, you can go to your sister's room. Pasalamat ka nasa maayos pa itong kwarto ko kaya ipapahiram ko muna sayo. Kaya huwag kang matuwa and stop with your idiotic imaginations!" pagkasabi nuon ay tumalikod na siya at lumabas ng kwarto.
Maya-maya'y napangiti ako, kasi naman nakita ko siyang nag-blush sa sinabi ko! Saka humiga na ako sa kama at muling ipinikit ang aking mga mata.
Ilang minuto lang yata ang lumipas ng muling bumalik si Alex sa kwarto. May dala itong tray na inilapag nito sa sidetable. May laman iyon na isang basong tubig, gamot, at icebag.
"Heto. Uminom ka muna ng gamot." ang mahinahon niyang sabi saka kinuha niya ang gamot at tubig sabay abot sa akin.
Bumangon ako para umupo saka kinuha kay Alex ang gamot at tubig. Matapos kong inumin iyon ay muli akong humiga. Ipinatong naman ni Alex ang icebag sa noo ko.
"Magpahinga ka lang. Babalik uli ako para tignan ka." ang nakangiiti niyang sabi.
Muling nagwala ang puso ko dahil sa ngiti niyang iyon. And it really makes me feel better when she smiles like that. Bago siya tumalikod agad kong hinawakan ang kamay nya kaya muli siyang napabaling sa akin.
"Salamat sa pag-aalala at sa pag-aalaga sa akin." ginawaran ko siya ng mapang-akit na ngiti. "Ang swerte ko naman sa babe ko!"
Namula siya sa sinabi ko. Ahahah! Ang cute niya! Nang biglang kinalas ni Alex ang pagkakahawak ko sa kanya saka tinabon niya ang kumot sa mukha ko.
"Huwag mo nga akong tawaging babe! Tsk!" saka padabog na itong lumabas.
Ahahahah! Lakas ng tawa ko!
-------
ALEXIS ALEJO
Pagkasara ko ng pinto, narinig ko ang malakas na tawa ni Terrence! Bwisit! Lakas ng saltik! Puro talaga kalokohan ang taong 'yun! Kala ko tatahimik na siya ngayong may sakit siya pero hindi pala. Naku! Kelangan ata 'yung bibig nu'n ang nilalagyan ng benda ng hindi makapagslita! Hay Naku!
BINABASA MO ANG
Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)
Romance"And... the first time you fall in love with the only person who your heart cherishes the most, it changes your life forever." May dalawang dahilan kung bakit nagbabago ang isang tao. It's either gustong magbago o nasaktan ng todo. Si Terrence Altam...