ALEXIS ALEJO
Pagdating namin sa mansyon, nakita ko na padabog na bumaba at isinara ni Terrence ang pinto ng sinakyang SUV. Busangot ang mukha nitong pumasok sa loob."Ano na namang nangyari do'n?"
Napalingon ako sa nagsalita, si Nathan pala.
"Nag-away na naman kayong dalawa?" Muling tanong nito sa akin.
"Ewan ko ba sa taong 'yon. Never yata talaga kaming magkakasundo, hindi ko mareach ang ugali," nakasimangot ko namang sagot kay Nathan habang tinatakpan ang motor ko.
"Bakit? Ano ba ang nangyari?"
Napabuntung-hininga muna ako bago ikinuwento kay Nathan ang nangyari. Tawa ito ng tawa sa sinabi ko, kulang na lang maglumpasay ito sa kakatawa. Nahawa rin tuloy ako sa tawa niya.
"Nakahanap si Terrence ng katapat niya, ha! Buti na lang na sa iyo ibinigay ang trabahong 'to! Saludo talaga ako sa'yo Alex!" nagsalute pa ito sa akin habang natatawa.
Napapailing na lang ako sa ginawa nito. "Tigilan mo nga ako. Kilala mo ako, although mahaba ang pasensiya ko hindi naman ako makakapayag na minamaliit ako. Alam mo din na ayoko sa taong nagsisinungaling just for their own interest."
Nathan crosses his arms. "Alam ko iyon. Kaya nga malaki talaga ang paghanga at respeto ko sayo." and he give me a very sweet smile.
Pakshet! Feeling ko namumula ang mukha ko. Oi, Oi, alalahanin mo, hindi boys ang priority mo ngayon! Saka akala ko ba eh enough na muna sa mga ganyan? Letse! Nginitian ka lang! Kastigo ko sa sarili ko.
Napukaw lang ako sa pag-iisip ng biglang mag-ring ang phone ko, kinuha ko iyon sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumawag. Hala! Si mama! Nakalimutan ko. Agad kong sinagot habang nakatingin sa wristwatch.
"Ma..." naulingan kong nagsalita ang nasa kabilang linya. "Opo, nakalimutan ko po, mabuti po tumawag kayo.... Sige po, pupuntahan ko na po!" pagkababa ng phone agad kong inalis ang nakatakip sa motor ko.
"O, bakit? May problema ba sa inyo?" ang conccern na tanong ni Nathan.
"Ah, wala. Nakalimutan ko kasi na ngayon nga pala ang dating ni Kuya Stevein galing sa Manila at nangako ako na ako ang sasalubong sa kanya sa airport. Nakapagpaalam na rin ako kanina kay Gov," sumampa na ako sa motor ko. Muli kong binalingan si Nathan. "Ikaw na muna ang bahala rito, kapag umalis si Terrence, itawag mo sa akin."
"No prob. Mag-ingat ka."
Tinanguan ko lang siya saka pinaandar na ang motor ko.
--------
TERRENCE ALTAMONTE
Napalabas ako ng balkonahe ng may marinig akong ingay ng motor at nakita ko nga ang bodyguard ko na umalis."So, kaya pala ayaw mo ako pagalain kasi ikaw 'tong may gala." Napangisi ako.
Hinubad ko na ang damit ko, kinuha ko ang phone saka dumiretso sa banyo. Kinontak ko si Kenneth.......
"Eh, paano 'yung tigre mong bodyguard? Baka kami naman ang malagot, kita mo nga kanina, titig palang scary na!" sabi ni Kenneth sa kabilang linya.
"Wala siya. Umalis. Kaya sunduin niyo ako dito sa bahay," giit ko.
"O, sige pre! Pero ikaw mananagot kapag nalaman 'to ni tigreng bodyguard, ha!" sabi pa nito.
"Oo na! Bilisan mo na baka bumalik na 'yon!"
"Ok-ok! Bye!" saka nawala na ito sa kabilang linya.
Matapos ng pag-uusap namin na 'yon, nagshower na agad ako. Bigla ko naisip habang nagshoshower na bakit ba parang natatakot ako sa babaeng 'yun dahil kailangan ko pang umalis ng palihim.
BINABASA MO ANG
Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)
Romance"And... the first time you fall in love with the only person who your heart cherishes the most, it changes your life forever." May dalawang dahilan kung bakit nagbabago ang isang tao. It's either gustong magbago o nasaktan ng todo. Si Terrence Altam...