Chapter I - The Bodyguard & The Immature

21.2K 455 21
                                    

ALEXIS ALEJO POV

Itinigil ko ang aking motor sa harap ng malaking gate. Agad namang lumabas mula sa guardhouse ang isang security guard na lumapit sa akin.

"Hi! Ako si Agent Alexis Allejo. Governor Gerald expects me today." Nakangiti kong sabi sa guard sabay pakita sa ID ko.

Hindi naman ito nagtanong ng kahit ano sa akin, mukhang inieexpect na niya ang pagdating ko kaya agad niya akong pinapasok.

"Alex!"

Si Agent Nathan na nakita kong papalapit sa kinaroroonan ko.

"Hi, Nathan!" Malaki ang ngiting bati ko naman sa kanya.

Darn! One of the hotties in the Agency! Sa edad nitong trenta ay binatang-binata pa rin ito.

"Nabalitaan ko mula kay Boss Kevin na darating ka ngayon upang maging personal bodyguard sa anak ni Governor. Naku, masyadong matigas ang ulo ng taong 'yon, pero sa pagkakakilala ko sa 'yo, I think you can handle him." Nakangisi nitong sabi.

"Siyempre naman! Ako pa!"

"I'm glad na makakasama kita sa trabahong ito." Then inilahad niya ang kanang palad.

Napangiti ako. "Same here." Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya.

"O, tayo na sa loob. Kanina ka pa hinihintay ni Governor. Ako na ang magdadala n'yan."

Bago pa man ako makapagsalita para magprotesta kinuha na niya sa kamay ko ang aking dalang bag sabay talikod. Napasunod na lang ako sa kanya papasok sa loob.

Naabutan namin na nasa sala si Governor habang nagbabasa ng diyaryo. Nang makita niya ako'y agad itong ngumiti at tumayo sa kinauupuan.

"Welcome, iha. Hinihintay talaga kita," masaya nitong sabi.

Hindi naman obvious Gov. Hindi obvious na excited kayong magkaroon ng bodyguard ang anak niyo, ha?

"Sabi nga po ni Agent Nathan," sagot ko naman.

Tinawag ni Governor Altamonte ang isang kasambahay niya.

"I already asked to prepare your room, kaya pwede mo muna ayusin ang iyong mga gamit."

"Salamat po, Sir. Siya nga po pala, nasa eskwelahan na po ang anak niyo?"

"Ah, yes. Mamaya pang alas-sais ang uwi ng batang iyon, kung walang gala ang barkada," sagot nito sabay buntong-hininga. Lumapit dito ang isang may-edad na babae. "Iha, eto si manang Ising, sasamahan ka niya sa guest room. Katapat lamang iyon ng silid ni Terrence, babae ka at pulos lalaki ang naroon sa quarters niyo kaya mas mabuting doon ka na lang sa guest room."

Kinuha ni Manang Ising ang gamit ko mula kay Nathan.

"Salamat po pero aalis din po agad ako," pormal ko namang sabi na ipinagtaka ni Gov. "Pupuntahan ko po ang University na pinapasukan ng anak niyo since I'm his bodyguard, hindi naman po pwedeng nandito ako sa bahay habang nagsisimula na ang trabaho ko."

"But—"

"No buts, Sir," nakangiti kong putol sa sasabihin ni Gov.

Before he agreed to hire me, I laid out my conditions which are one, is the most common role of a bodyguard, to always be near the target person. Two, when it comes to my client's safety and protection, I will do it in my own ways, no buts. And the last is punishment, meaning I need to use force if and when needed.

He paused and nods after."I'll contact the head of the University para makapasok ka ng walang problema."

"Salamat po."

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon