Kinabukasan....
ALEXIS ALEJO
"Alex... Alex..." ani ng mahinang boses na iyon.
Nakakainis! Ano na naman ba ang kailangan niya? Natutulog pa ang tao eh!
"Hoy... Alex..." parang hangin na lamang iyon sa aking pandinig.
"Hmmmm?" ang sagot ko kahit nakapikit pa rin ang mata ko. Bwisit naman kasing 'tong tumatawag sa akin!
"Kapag hindi ka pa gumising... I'll kiss you..." ang mahinang bulong ng tinig na iyon!
--------
TERRENCE ALTAMONTE
Pfft! Tinakpan ko ang bibig ko ng umungol lang si Alex habang nakapikit pa rin. Mukhang pumasok yata sa panaginip niya ang boses ko na inakala niyang panaginip lang... kaya hindi pa rin siya gumigising.
Buti na lang gentleman ako kaya hindi kita tyatyansingan habang tulog! Pero kapag hindi ka pa gumising, wag mo akong sisihin....
Nakangisi ako na nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Ngunit kapag ganitong siya kalapit mas lalong nagwawala ang puso ko
Hay, Alex... ano ba itong ginawa mo sa akin? I've never felt this before.
Isa pa, hindi ko pa ring maiwasang inisin siya, not because I want her to get mad, but because... I want her to take notice of me. I'd like her to look at me. If I hadn't been an idiot, we may have started out on good terms or as friends. Bakasakaling mas madali sa iyo na mahulog sa akin.
"Kapag hindi ka pa gumising... I'll kiss you," ang mahinang bulong ko sa harap ng mukha niya.
Kapagkuway biglang napadilat si Alex at ng makita ako'y nanlaki ang mata niya sabay tulak ng malakas sa akin na ikinaupo ko sa sahig. Bumalikwas siya ng bangon at tumayo sa kabilang side ng kama.
"Ikaw na naman? Bakit ka ba pumapasok sa kwarto ng may kwarto?! At paano mo nabuksan ang pintuan ko?!" galit niyang asik sa akin.
Nang-aasar ang ngiti kong iniangat ang spare key na kinuha ko sa bulsa ng aking pantalon,saka bahagya kong iwinasiwas iyon sa ere. Napanganga siyang napatingin doon tapos ay humagkis ang matatalim niyang tingin sa akin.
"You!" gigil niyang anas. "Alam kong pamamahay nyo 'to, pero wala ka pa ring karapatang pumasok ng basta-basta sa kwarto ng iba o pasukin ang privacy ko!"
Hindi ako kumibo. Basta nakatitig lang ako sa bagong gising niyang itsura. Ang ganda pa rin niya kahit bagong gising... pero ang cute niya pag nagagalit. Nakangiti pa rin ako sa kanya.
"Inuubos mo talaga ang pasensiya ko, Mr. Altamonte!" tili niya at pagkasabi noon ay kinuha nito ang unan sabay bato sa akin.
Nakangisi ako ng nakakaloko saka inilagan ang lumilipad na unan.
"Hindi tumama," asar ko pa sa kanya. Ini-stretch ko ang dalawang binti ko at itinukod ang dalawang kamay sa sahig sa may bandang likuran ko. "I thought magaling ka, pero ako lang hindi mo pa matamaan," pang-iinis ko pa sa kanya.
Sa sinabi ko, muli siyang kumuha ng unan at muli iyong ibinato sa akin. Nailigan ko uli. Muli ko siyang nginisihan. Ngunit nanlaki ang mata ko at napalis ang ngiti ko nang patakbo siyang sumampa at dumaan sa ibabaw ng kama patungo sa akin! Mula sa kama, tumalon siya at naka-flying kick style. Bigla akong napagapang para iwasan ang sipa niya!
BINABASA MO ANG
Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)
Romantizm"And... the first time you fall in love with the only person who your heart cherishes the most, it changes your life forever." May dalawang dahilan kung bakit nagbabago ang isang tao. It's either gustong magbago o nasaktan ng todo. Si Terrence Altam...