Chapter XI - The Bullying

19K 371 19
                                    

ALEXIS ALEJO
"Here! I found it!" Pagbibigay-alam ni Marina, isang investigative support assistant.

Iniabot nito sa akin ang isang folder na kinuha mula sa isang kwarto.

"Siya si Ryan Santiago, dati na siyang kinasuhan dahil sa iligal na pag-esmuggle ng mga armas, pero hindi siya nakulong, ayon sa information eh wala daw sapat na katibayan na magdidiin sa kanya na siya nga ang operator niyon. There were rumors that he was also part of a big organization and he was their supplier of illegal firearms. Well, sabi-sabi lang pero wala namang patunay."

Binuklat ko iyon, unang tumambad sa akin ang litrato ng tattoo nito sa braso ng dragon at may malilit na simbolo itong nakasulat na hindi ko masyadong mabasa dahil maliit at malabo ang picture. Iyon kasi ang nakita ng ipasuri ko iyon sa mga expert namin. Pero ang lubos na kumuha ng atensyon ko ay ang mismong mukha nito...

Nangunot ang noo ko at napatitig ng ilang sandali sa picture.

"Is there a problem, Alexis?" takang tanong nito nang mapansing tahimik at titig na titig ako sa picture. 

Napahawak ako sa baba ko. "Pamilyar siya sa akin pero..." napakamot ako sa aking noo. "Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita— but I'm sure I saw him before." Napapikit ako at inisa-isa ang mga pangyayari na pwedeng magpaalala sa akin sa taong 'to.

"Perhaps you saw him on one of your operations or maybe in the files of one of your co-agents?" she suggest.

May punto din naman ito pero... kasi... malakas talaga ang pakiramdam ko na nakita ko ang lalaking ito ng personal.

Pero bandang huli sumuko din ang utak ko sa pagrerecall sa mga pangyayari and just release a sigh. "Can you send me a copy of this picture to my pho—sh*t basag nga pala ang screen. Pakisend mo nalang kay Nath—hmmm... maybe kay Joseph or Mike. Ayoko ng istorbohin pa si Nathan," saka ibinigay kay Marina ang folder.

"Sige. I will send it to them," sabi nito ng tanggapin ang folder.

"Alis na ako, salamat sa tulong mo," paalam ko saka humakbang patungo sa pinto. Pipihitin ko na sana ang seradura ng muli itong magsalita.

"Alex."

Narinig kong tawag ni Marina kaya muli akong napalingon. "Hmm?"

"Alam ko malulutas mo ang kasong ito katulad ng iba mong naging misyon dahil malaki ang tiwala ko sa'yo... but don't push yourself too hard. Kailangan din magpahinga ng katawan at utak mo. Mahirap mawalan ng isang mahusay na agent," she said with concern look in her eyes.

I smile and nod. 'Yun lang, tuluyan ko ng nilisan ang silid na iyon at ang HQ. Bago bumalik sa mansyon, umuwi muna ako sa bahay. Panigurado na nag-aalala na ang pamilya ko sa nangyari, nabasag kasi ang screen ng phone ko ng madaganan ko iyon nang humagis ako dahil sa pagsabog. Pinayagan naman ako ni Governor at bantay sarado naman si Terrence since hindi rin ito pwede lumabas ng mansiyon.

Nang makapasok ako sa bahay namin...

"LEXY!" ang malakas na bungad sa akin ni Kuya Stevein.

Akala ko yayakapin ako nito pero nang makalapit sa akin ay inikot-ikot  ako. "T-teka kuya, ano ba ang ginagawa mo?" taka kong tanong habang umiikot pati na paningin ko umiikot!

Napahinga ito ng maluwang. "Buti naman. Akala ko may nawala ng parte sa katawan mo," he explained.

"Ano?" sabay baling ko kay papa na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng dyaryo, nakaupo din si Isha na nakangiti sa akin, nginitian ko rin siya.

"Kagabi pa namin nabalitaan ang nangyari sa inyo," ang pormal na sabi ni papa. Though nag-aalala 'yan sa akin si papa, hindi nito ipinapakita dahil ayaw nitong magdulot iyon sa akin ng kahinaan.

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon