Chapter XXI - The Investigation

14.1K 281 21
                                    

TERRENCE ALTAMONTE
Matapos umalis ni Alex para sumunod doon kay Nathan, tumungo ako sa dining area para mag-agahan. Agad naman akong inasikaso nila Manag Ising. Since wala na si Dad kumain na ako... mag-isa. Tss! Ang boring naman, ang tahimik na naman dito sa mansyon. Walang maingay at wala akong naaasar! Hay...

Pagkatapos kong kumain naisip kong bumalik na lang sa kwarto ko. Matutulog na lang uli ako, ang bigat kasi ng pakiramdam ko--------

*BANG*...*BANG*...

*BANG*...*BANG*...

Nagulat ako ng marinig ko ang ingay na iyon! Lalabas na sana ako ng makita ko ang pagpasok ng isang security at humihingal ito. Napalabas naman mula sa kusina ang mga kasambahay namin. Lumapit sa akin ang security guard.

"S-sir Terrence! Dito lang po k-kayo sa loob." ang natatarantang sabi nito na humihingal.

"Ano ba ang nangyayari sa labas?" natataranta na rin tuloy ako.

"May mga armadong tao po na  nagpapaputok sa labas ng mansyon!" ang mabilis na tugon nito.

"What?!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Narinig ko namang natakot sina Manang Ising.

"Kaya magtago po muna kayo. Kasalukuyan po na nakikipagpalitan ng mga putok ang mga kasamahan ko para hindi sila makapasok. Kinontak ko na rin ang mga pulis para makahingi ng tulong!" dugtong pa nito na natataranta pagkatapos ay muli itong lumabas.

Ilang sandali pa, sunod-sunod na putok na ang narinig ko, actually hindi na nga yata ordinaryong baril 'yon! Parang machine gun na! And the heck! Nasira na siguro ang gate dahil tumagos na sa mga bintana ang mga bala! Napasigaw at muling bumalik sa kusina sina Manang Ising at mga kasama niya! Napadapa ako bigla nang kamuntik nang tumama sa akin ung isang ligaw na bala!

Naisip ko si Alex! Gumapang ako at tinungo ang hagdan, nasa kwarto kasi ang cp ko! Habang patungo ako sa second floor para pa akong nakikipagpatentero sa mga bala dahil kung saan-saan lumilipad ang mga iyon galing sa nabasag na mga bintana! Tumayo ako para tumakbo na paitaas.

Isang hakbang na lang sa hagdan patungo sa second floor ng.....

*THUD*

Argh! Takte! Nadapa ako! Sa pagmamadali ko at sa pakikipagpatentero sa mga bala, nangudngod tuloy ang mukha ko! Kainis! Masakit na nga ang paa ko pati tuloy ang mukha ko! Nasapo ko ang ilong ko dahil feeling ko may kung anong tumutulo doon! Paksh*t! May dugo nga!

Subalit hindi ito ang oras para problemahin iyon! Agad akong tumayo at tinungo ang kwarto ko pero pagbukas ko ng pinto muli akong napadapa nang pumasok mula sa bintana ang mga lumilipad na bala since nakaharap ang side ng kwarto ko sa gate! Ano ba naman ito!

Gumapang ako patungo sa gilid ng kama. Nakita ko ang cellphone sa ibabaw ng side table. Nang makuha ko na iyon agad kong hinanap sa contacts ang number ni Alex. Niloud speaker pa iyon dahil baka hindi kami magkaintindihan.

"Bakit?" ang malamig niyang sagot.

Ano ba naman siya! Hindi man lang ba siya nag-aalala kung bakit ako tumawag sa kanya?! Pero hindi na muna iyon ang dapat kong isipin!

"Alex! May mga taong nagpapaputok sa harap ng mansyon!" natataranta kong sigaw sa cp.

"H-ha?!" halata nag pagkagulat sa boses ni Alex. "Pupuntahan na kita!" ang mabilis nitong saad. "May baril ako sa drawer sa kwarto ko, gamitin mo kung sakaling may makapasok diyan hanggang wala pa ako. Pero hanggang maaari ay magtago ka lang, maliwanag?!"

Hindi ko man makita ang itsura niya pero alam kong nag-aalala na siya dahil sa sinabi ko. "Oo." Nang mawala na sa kabilang linya si Alex, muli akong gumapang papunta sa kabilang kwarto. Tumayo na ako pagkapasok ko sa kwarto ni Alex, saka hinalungkat ko ang drawer na nasa gilid ng kama niya at agad ko namang nakita ang baril na sinasabi niya!

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon