Chapter XII - The Smile

16.9K 370 22
                                    


ALEXIS ALEJO

Napansin ko na parang may tinignan sa itaas 'yung isang kaibigan ni Terrence kaya naman ay napatingala ako. 😳WTH!!! Nakita ko ang isang balde na nakalagay sa pasimano ng balkonahe at.... mukhang matatapon na iyon.... sa mismong kinatatayuan ko! And the realization struck me like a lightning!

I immediately grab Terrence in collar na ikinagulat niya kaya naman ay napahakbang siya sa loob ng bilog na guhit at eksaktong natapon ang laman ng balde!

Lol! Ako pa talaga ang pagtitripan niyo ha. I won't be fooled by this childish pranks!

"SHIT!!!" ang gulat nito ng matapon sa kanya ang laman ng balde na...... ano ba yan?🤢

Ano bang pinaglalagay nila jan?! Napatingala ako. Nakita ko ang isa pang kaibigan ni Terrence na gulat na gulat  ang mukha. Tama nga ako! Muli akong napabaling kay Terrence na basang-basa at.... nangangamoy! Kahit siya ay maduwal-duwal sa amoy. Good! He definitely deserves it!

"Terrence!" si Kenneth na lumapit agad kasunod ang isa pa nitong kasama.

"So, how does it feel to taste your own medicine?" pasarkastiko kong sabi habang nakacross-arms napatitig lang siya sa akin at tila estatwa na hindi makagalaw  dahil sa itsura niya.

Nagkalat sa ulo at balikat niya ang mga pasta at hindi ko alam kung ano pa 'yong ibang nakakadiring nakakalat sa buo niyang katawan! Bahagya akong natawa sa itsura niya. Wala itong reaksyon.

"Lol! Galit ka na niyan? Ikaw itong may kasalanan kaya wala kang karapatang magalit sa akin. Malas mo lang kasi hindi ako madaling maisahan lalo na kung pambatang prank." Nginisihan ko siya subalit wala pa rin siyang kibo. "You should've watched a tutorial of effective pranks baka sakaling mahuli niyo pa ako. Balak mo pa akong isahan ha. Tsk! Tsk! Akala ko talaga makikipag-ayos ka na sa akin, willing pa naman din sana ako. But I was wrong..." tumaas ang isang kilay ko at binigyan siya ng nangmamaliit-look! "At pasensiyahan tayo, Mr. Immature dahil hindi ko na tatanggapin ang anumang pakikipagbati mo dahil alam kong never kang magiging sincere!"

Nanatili pa ring nakatayo si Terrence na walang reaksyon at hindi ko alam kung bakit? Ano naging estatwa na? Kaya napakunot ang noo ko na lumapit sa kanya.

"Oi, anong problema mo—" pero nanlaki ang mata ko sa sumunod na pangyayari!

🤮"Bluuuaaarrggghhh!" biglang sumuka si Terrence!!

Gulat na gulat kaming lahat sa nangyari, pero mas lalo na ako!

"What the heck?!" ang bulalas ko dahil sa balikat ko siya sumuka!

Take note! Muntik pang sumakto sa mukha ko kung hindi ko nailag ang beautiful Fez ko! But still—ewww! Kadiri ang putek! Napatakip ako sa ilong ko kasi parang masusuka rin ako sa amoy!

"My Gawd! Nhanhanhadya kha thalhaga noh?!" ang asik ko sa kanya. Ngunit imbes na magsalita ay—

"Bluuuaaarrggghhh!" muli siyang sumuka! 'Yong mga kaibigan naman niya ay nandidiring lumapit sa kanya!

Traitors!

Punyemas! Hindi pa nasatisfy sa isa, sinukahan pa uli ako?!🤬Parang gusto ko tuloy magwala dahil sa nakakadiring suka niya! Napalayo na lang ako sa kanya dahil baka pumart-three pa siya! Nang mapansin ko ang isang hose. Agad akong may naisip! Makabawi man lang! Kinuha ko ang Hose at binuksan ang gripo kung saan nakakabit ang  Hose. Tinutok ko 'yon kay Terrence na suka ng suka. Nang makita ako ng dalawa agad tumakbo ang mga ito palayo. Mga lokong 'to!

Pagkaopen ko sa bunganga ng hose ay malakas na rumagasa doon ang tubig palabas! Diretso iyong tumama kay Terrence na napapatalon dahil sa malakas na pressure ng buga nito. Nang sa tingin ko naman ay ok na siya sinara ko na uli ang hose. Muli akong lumapit kay Terrence na nakayuko.

Ms. Bodyguard 1 (SOON TO BE PUBLISH under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon