Chapter Sixteen

21.4K 543 10
                                    

On her eight month of pregnancy, napapadalas ang mga magulang niya sa bahay nila. And her in-laws too. Sa katunayan, pansamantang tumutuloy sa kanila ang mother-in-law niya. Ang sabi kasi nila, sa kondisyon niya dapat ay palagi siyang may kasama. Next month ay isisilang na niya ang supling nila.

"Good morning baby." She slowly opened her eyes. Nakita niya ang asawa niyang nakayuko sa tiyan niya at dinadampian 'yon ng mabining halik.

"Buti pa si baby may good morning kiss... " She tried to be sound so jealous para makuha ang atensyon ng asawa. Nakangiting bumaling si jonas sa kanya.

"Sus, nagtampo naman ang maganda kong misis." He leaned down and gently kissing her parted lips. Nawala ang lahat ng nasa isip niya at nagfocus siya sa labi nitong nakalapat sa kanya.

Mula ng maging mag asawa sila at naramdaman niya kung paano muling mahalikan nito. Hinanap hanap na niya iyon. She is about to respond to his kisses nang huminto ito. "Good morning, sweetheart." He said, directly to her eyes. "Lalabas ako para ayusin ang breakfast natin dito." Paalam nito. Simula nang magwalong buwan ang tiyan niya ay madalas masakit ang ulo niya. Kaya mas minabuti nilang sa loob nalang siya ng kwarto.

Nang makalabas ang mister ay sumandal siya sa kama at hinaplos haplos ang malaking tiyan. "Kamusta kana anak? Excited ka na bang lumabas?" Ang weird, pero may kakaiba siyang nararamdaman. Usually, tuwing umaga ay malalakas na sipa ng anak nila ang gigising sa kanya. Pero kakaiba sa oras na ito.

Nakaschedule siya next week for check up ang ultrasound. Her OB check her from time to time kaya alam nilang okay ang baby nila. Siguro tulog lang ang anak Nila. Maybe, she could ask jonas to take her to her OB. An immediate check up will do.

Kahit nahihirapan ay pinilit niyang bumangon. Nagtataka na siya bakit ang tagal ng asawa niya. Dahan dahan siyang bumaba ng kama at lumapit sa pinto. Lumabas siya ng silid habang naglalakad ng marahan. Bihira na siyang lumabas, ngayon na lamang ulit.

Nauulingan niya ang tinig ng asawa at biyenan niya. Sa kusina nagmumula iyon kaya doon siya nagtungo.

"Buhay siya anak. Buhay siya!"

Iyon ang naririnig niyang sabi ng mother-in-law niya sa asawa niya. Nakita niyang niyakap ito ni jonas at naghiwalay din. "Nasaan siya ngayon mommy?"

"Sabi ng Private investigator na nagreport sakin. Nasa isang isla siya sa Mindoro. May pamilyang kumupkop sa kanya doon. Makakasama na natin ang kapatid mo."

Doon siya nagulat. Hindi ba't nasa Greece si Raffy? Iisa lang naman ang kapatid bg asawa niya at nasisiguro niya na yon ay ang kakambal nito. "You can stop pretending now. Babalik na ang kapatid mo. Babalik na ang totoong Jonas. Magiging malaya kana anak, salamat raffy."

Tila malakibg bomba ang sumabog sa mukha niya. Nalilito siya. She felt suddenly crushed.

"I don't regret any piece of shit nang pakasalan ko si Abby at magpanggap na si Jonas. Pinakamasayang araw ko 'yon sa buhay ko na nakasama ko siya. " Lumapit ang mother-in-law niya dito.

"Nang pakiusapan kita. Alam kong mahihirapan ka. Pero ginawa mo parin... "

Hindi ang totoong jonas ang pinakasalan niya? Hindi ang totoong jonas ang kasa ksama niya? Ang nagaalaga sa kanya? Kaya pala.. Kaya pala kakaiba ito. Kaya pala ang dami dami niyang nappansin na iba. Na hindi nalang niya inintindi dahil mahal niya. Mahal niya? Sino? Si Jonas o si Raffy?

Ang tanga tanga niya. Sobrang sakit na ginawa siyang tanga. Sunod sunod ang pagluha niya. Minamahal niya ang jonas na hindi pala si jonas.

"S-Sweetheart?" Noon lang niya napansing nakatingin na pala sa kanya si Jonas---o mas tamang sabihing si Raffy. Si Raphael na kakambal ni Jonas. "M-Magpapaliwanag ako.. "

Nanatili siyang estatwa. Wala siyang nararamdaman. "Oh my God!" Bulaslas ng ina nito. Nakatutok ang mga mata nito sa kanya pababa satiyan niya. Lumapat ang kamay niya sa tiyan at sinundan iyon ng tingin. Halos hindi siya makagalaw nang makitang umaagos ang dugo sa kanyang mga hita.

Jesus... Bakit wala man lang siyang naramdaman na sakit? Naestatwa siya at napatitig doon. Nagmamadaling lumapit si Raphael sa kanya at sinubukan siyang hawakan. "A-Ang baby ko... " Hindi na siya umiwad nang pangkuib siya nito palabas ng bahay.

Natatarantang nakasunod sa kanila ang ina nito na namumutla pa rin. Isinakay siya nito sa loob ng sasakyan. "Dadalhin kita sa ospital.. Ililigtas natin si baby.. "

Namukal ang luha sa mga mata niya. Ang malamang niloko siya nito ay masakit, pero mas masakit pala na malamang nasa kapahamakan ang anak mo. At bilang ina, nararamdaman niya iyon.




To be continued...



------

For all the girls who volunteered bilang partner ng mga gentleman ko sa batch 3. Salamuch po.. Para naman po sa mga nagppm pa, kung pwede pa daw sila.. Guys, kapag po nagbigay ako ng instruction ibig sabihin dun lang ako sasagot.. Sa last note ko po ay sinabi kong s GP ako maghahanap ng volunteers.. Kaya pasensya na po kung di nakasama yung mga napm sakin.. May next time pa naman po.

Happy reading
Ai:)

SOMEONE BORROWED  (GENTLEMAN Series 12: Raphael Padilla 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon