Naging mahirap para kay Abby ang nakalipas na limang buwan na pagbubuntis niya. She became mean and hard, and difficult. Kinailangan ng asawa niya ang mahabang pasensya sa kanya.
Regular ang check up niya. Sinisiguro nilang mag asawa na maayos ang anak nila.
Pansamantalang lumipat mula sila sa guest room nila na nasa ilalim ng hagdan. Nahihirapan na kasi siyang mag-akyat panaog gayong napakalaki ng tiyan niya. Base sa nakaraang ultrasound niya ay malaki ang batang nasa sinapupunan niya. "I'm sorry sweetheart, maaga akong pumasok sa office. Tulog na tulog kapa kasi." Nabosesan niyang sabi ng kanyang asawa habang magkausap sila sa kabilang linya.
Nagising kasi siya na wala na ito sa tabi niya. Nakaramdam pa nga siya ng tampo dahil ngayon na nila malalaman ang gender ng baby nila. Magpipitong buwan na kasi ang nasa tiyan niya. At excited na siyang malaman kung lalaki o babae ba ang anak nila. Naalala niya tuloy ang huling paguusap nilang mag asawa tungkol sa gender ng baby nila.
"Most Men wished that they could have a Baby boy. Yung magtutuloy ng pangalan nila.. Pero kakaiba ka.." Ani ni Abby sa asawa. Babae daw kasi ang gusto nitong maging anak nila.
Pinisil ng mister niya ang kanyang pisngi bago humaplos sa maumbok niyang tiyan ang palad nito. "Kung tatanungin ako, babae ang gusto ko. Yun sanang kamukha mo. Para kahit saan ako lumingon ikaw ang palaging maalala ko. Pero kahit ano pa ang anak natin, ke bakla, tomboy. Babae o lalaki, ang mahalaga. Malusog siya at kamukha mo."
"Susunod ako sa ospital. I just finish some work here and I'll go." Tumango siya kahit hindi naman nito nakikita. Plano nila ay pagkatapos nilang malaman ang resulta ng ultrasound niya ay saka sila mamimili ng mga gamit ng baby nila.
They also called a laborer para sa renovation ng nursery nila. Standby na ang mga ito at naghihintay nalang ng go signal nilang mag asawa.
"Alright. Magpapahatid nalang ako sa driver and I'll wait you there." Inayos niya ang bag na dadalhin at saka marahang naglakad palabas ng silid.
"Isama mo kaya si Patring. Nag aalala ako sa inyo ni baby." Doon siya napangiti. Kahit paulit ulit siyang magtampo dito. Babawi naman ito sa labis na pag aaalala sa kaniya at sa anak nila.
"We'll be fine. At saka darating ka naman agad hindi ba? We are both excited to see how's our baby doing, right?"Natawa siya. Bahagya siyang napahawak sa tiyan ng maramdaman ang paggalaw doon. "Oh My God!"
Tila biglang nataranta ang asaqa niya. "Fuck! What happened? Sweetheart!" Medyo napalakas ang boses ng asawa niya kay bahagya niyang inilayo ang cellphone sa tenga niya.
Natutuwang pinakiramdaman niya muli ang tiyan. "Gumalaw siya! Gumalaw ang anak natin!" Tuwang tuwang pagbabalita niya. "Alam niya kasing kausap kita kaya naglilikot."
Narinig niya ang pagtawa ng asawa niya sa kabilang linya. "Say hi for me sweetheart. Sana nandyan ako para nahawakan ko siya."
Hinaplos haplos niya ang tiyan. "Binabati ka din naman ni baby. Excited na daw siyang magkita kayo."
Natanaw na niya ang driver nila na nag aabang sa garahe. "Narito na si Mang Rey. Magkita nalang tayo sa ospital." Paalam niya.
Narinig niya ang paghinga nito. "Alright. Take care. I'll call you later. Text me kapag nasa ospital kana para alam ko. And take care. Okay?"
Nakatawang tumango siya. "Opo kamahalan. Magiingat po ako. Magiingat po kami ni baby para sayo." She said.
"Good. Can i talk to Mang Rey? Ibibilin ko lang sa kanya na magingat sa pagmamaneho. I don't want you to get hurt." Iniabot niya sa driver ang cellphone she let him talk to the driver. Ganyan naman talaga ka-overprotective ang asawa niya sa kanilang mag ina..
Pagkatapos makausap ang driver ay iniabot muli sa kanya ang cellphone. "Mag iingat ka." Bilin pa muli nito.
"Opo."
"I love you." Kinilig siya dahil sa huling sinabi nito.
Nakatawang sumagot siya. "I love you more... "
To be continued...
--------
Gentleman series batch 3? May announcement po ako... Abangan sa GP. Kaya sa gustong mapabilang bilang asawa nila. Just comment to my post later at our facebook group page. (I won't entertain names here in comment box and wattpad wall.) May designated area para po doon. Mas mahirap humanap ng volunteers kung nakapost kung saan saan.
Happy reading.
Ai:)
BINABASA MO ANG
SOMEONE BORROWED (GENTLEMAN Series 12: Raphael Padilla 2)
Ficción GeneralSOMEONE BORROWED (GENTLEMAN series 12: Raphael Padilla 2) "Wear this ring as my sign of love, Fidelity,loyalty and---Honesty" Dahil sa biglaang pagkawala ni Jonas sa mismong araw ng kasal nito. May isang mabigat na bagay ang gagawin ni Raphael. "D...