"Do this for your brother Raffy! I don't believing na basta nalang niya tatalikuran si Abby." Napahimalos siya mukha.
"And what about me Mother? Sabihin nalang natin kay Abby ang totoo." Giit niya. Dalawang beses umiling ang ina.
"No! We can't do that. Buntis si Abby i won't risk her child safety ng dahil lang sa isang balitang walang kasiguraduhan kung tama. Mahal ni Jonas si Abby.. "
Tumigas ang anyo Niya. "It's a no mother. Hindi ko gagawin ang isang bagay na parehong makakasakit sa kanila. Ano nalang ang sasabihin ni Jonas kapag bumalik siya? That i steal his Abby para lang itago ang katotohanan sa pagkawala niya? That's ridiculous!"
Muling nagpalakad lakad ang ina. "Alam kong magiging mahirap ito sayo. Alam kong tatanggihan mo. Pero anak, naniniwala akong hindi magagawa ni Jonas na iwan si Abby lalo pa't sa kalagayan nito ngayon."
Bumugtong hininga siya. "Alright! Sabihin na nating hindi naglayas si Jonas. Pero karapatan ni Abby na malaman ang totoo. She has to know the truth!"
"Na hindi pwede dahil sa kondisyon niya!" Sansala ng ina niya. "Narinig mo ba ang sinabi ng doktor? Maselan ang pagbubuntis ni Abby. Baka sa susunod ay tuluyan nang mawala ang bata sa sinapupunan niya kung malalaman pa niya. Ginagawa na namin ng Dad mo ang lahat. We coordinated to all police department dito sa metro." Ginapgap ng ina ang kamay niya. "Alam kong mas masasaktan ka. Pero anak, sandali lang ito. Mahahanap din natin ang kapatid mo."
"Lolokohin parin natin si Abby. At paano kayo nakakasiguro na hindi niya malalaman ang totoo? Kilala niya kung sino sa amin si jonas." Giit pa rin niya.
"That's the least to our problems. Magkamukhang magkamukha kayo. Magiging madali ito. All you have to do is to act like your brother. Talk like him. Smile like him." Tumaas ang sulok ng labi niya at pagak siyang natawa.
"Hindi madali ang pinapagawa niyo mommy. Si Jonas 'yon! Ako ito si Raphael! Kahit kailan hindi magiging ako si Jonas!" Nakita niya ang sunod sunod na pagtulo ng mga luha nito. Nasusugatan ang puso niya sa nakikitang sakit sa mga mata ng kanyang ina.
"I'm sorry anak, I'm desperate. Ayokong mauwi sa wala ang relasyon nila. Paano ang apo ko? Alam kong mahal mo si Abby. Hindi pa ba sapat 'yon para tulungan mo sila?"
"Kailan pa naging sapat na isa lang ang nagmamahal? Na kakailanganin mo pang manloko ng iba para mahalin ka rin niya?" Sumbat niya.
Nagyuko ito ng ulo. "Minsan kailangan nating sumugal para malaman natin kung kaya ba natin o hindi. Kapag nagmahal ka naman, di na mahalaga kung ano ang isusukli niya. Ang mahalaga naparamdam mo sa kanya." Bumugtong hininga ito. "Kalimutan mo n ang ipinapakiusap ko sayo. Marahil ay tama ka. We should tell this to Abby. Ano man ang mangyari at least nalaman niya. I'm sorry anak."
Bumalik ito sa pagkakaupo sa kama at hinaplos iyon. Bakit ba palaging siya ang kailangang magsakripisyo?
Kailangang makausap niya ang kaibigan ni Mrs. Sandoval. Ang kaibigan ni Phoebe Sandoval ang lumutas sa kaso ng pagkawala ng asawa ni Taddeos Ventura. Baka may maiitulong siya para sa paghahanap kay Jonas. Aaminin niya, kahit siya ay kinukutuban din ng masama. Kilala niya si Jonas. Hindi 'yon basta umaalis ng di nila nalalaman. And the fact that he left all his important things at home.
Nilapitan niya ang ina at niyakap ito. "I'm sorry Mommy. Hindi ko lang talaga maisip kung paano gagawin ang ipinapakiusap niyo. Ayokong lokohin si Abby. Pero ayoko namang mauwi lahat ito sa wala. Nagkapagdesisyon na ko. Papakasalan ko si Abby bukas... "
Nag angat ito ng tingin sa kanya. "...bilang si Jonas."
To be continued...
-----------
Natatawa ako dun sa mga nababasa kong comment mula umpisa palang na sana daw ay hindi nalang si Abby ang kapartner ni raffy. Kasi ang pangit naman daw tignan kung nabuntis na si abby ng kapatid ni Raphael. Linawin ko lang po guys, hindi ako mahilig magsulat ng mala-fairytale na kwento. Na virgin si babae bago ikinasal kay lalaki. Na si bidang lalaki ang una nakadevirginize sa kanya. Guys, gusto Kong isulat yung mga kwentong nangyayari sa reyalidad o posibleng nangyayari. Yung tatatak sa isip natin at kakapulutan natin ng aral. May mga kwento kasi na natatak sa isip natin kasi romantic, kasi sweet, kasi nakakatawa ang tanong may natutunan ba tayo? Diba wala? Mahalagang sa isang binabasa ay may natutunan tayo sa buhay. Kung paano tumanggap ng pagkakamali, paano lumaban at paano magpatawad.
Yun lang, happy reading.
Ai:)
BINABASA MO ANG
SOMEONE BORROWED (GENTLEMAN Series 12: Raphael Padilla 2)
Ficción GeneralSOMEONE BORROWED (GENTLEMAN series 12: Raphael Padilla 2) "Wear this ring as my sign of love, Fidelity,loyalty and---Honesty" Dahil sa biglaang pagkawala ni Jonas sa mismong araw ng kasal nito. May isang mabigat na bagay ang gagawin ni Raphael. "D...