Chapter Twenty Two

24.3K 595 23
                                    

"Thank you for coming Attorney."

Bati ni Raphael sa bisitang abogado na nasa loob ng opisina niya. "Walang anuman Mr. Padilla." Iminuwestra niya ang upuan na nasa harapan ng lamesa niya. May ibinaba itong folder sa harapan niya. May isang linggo na niyang pinag isipan iyon.

Kailangan niyang magawan ng paraang maannul ang kasal ni Jonas at Abby.

"If you really love her. Then, win her heart." Ani ni Levi sa kanya.

Ganoon ang gagawin niya. Babawiin niya si Abby kay Jonas. Gagawin niya ang lahat mapatawad lang  siya nito. "I will." Deterninadong sagot niya. Hindi naman na siguro masama kung lalaban siya. Matutunan din siyang mahalin nito. At gagawin niya ang lahat.

"About the case, Mr. Padilla." Paninimula ng abogado. Abby is still in her time of depression now. Dahil sa pagkamatay ng anak nito. Nagsisisi siya na wala siyang nagawa para dito pero babawi siya sa mga panahon na 'yon. Kailangan lang niyang gawin ito. "We can submit file to the marital prosecution kung mapapatunayan na walang manipulation na naganap dito. Madedeclare na null and void ang kasal kapag lumabas sa korte na hindi ikaw ang totoong Jonas. Well, if the Jonas his self. Deny the allegation against the annulment and the wife didn't cooperate. Malakas ang laban na mababasura itong gusto nating mangyari Mr. Padilla. Lalo pa't ang sabi mo nga'y mahal ni Mrs. Padilla ang kapatid niyo."

Napahawak siya sa batok niya. Parang gusto niyang panghinaan ng loob. Parang pakiramdam niya ay wala nga siyang laban. "So what are you suggesting Attorney?"

She fixed the papers and turned it back to the folder. "Talk to the wife, Mr. Padilla. Kailangan ay siya ang magfile ng annulment case. Nang sa gayo'y malaman agad natin kung ano ang sasabihin ng korte."

Tumango siya. Kailangan niya na talagang makausap si Abby. Gagawin niya ang lahat kausapin lang siya nito. Hindi na siya papayag na hanggang tingin nalang siya sa malayo.

Umalis na ang abogada at iniwan sa kanya ang annulment papers. Kailangan niyang ipakita kay Abby ang mga iyon.

He grabbed his key. Mabilis siyang lumabas ng opisina niya at dumeretso sa parking lot. Pupuntahan niya si Abby sa bahay nito. Sa dating bahay nila. Ipinagdarasal niya na sana ay wala doon si Jonas. Hangga't maaari ay hindi niya gustong makaharap muna ang kapatid niya.

Nagmamaneho na siya ng tumunog ang cellphone niya. Number ng mommy niya ang lumabas doon. May isang linggo na rin siyang hindi umuuwi sa kanila. Iniiwasan din muna niyang makausap ang ina. Pero ngayong tumatawag ito ay hindi siya nakatiis.

"Oh! Thanks God! Anak can we talk?" Narinig niyang sabi nito sakabilang linya. Inihinto niya sa gilid ng daan ang sasakyan.

"Mother please. Saka na muna tayo mag usap. Everything went in trouble at hindi ko na alam kung paano pa aayusin." He said. Narinig niya ang paghikbi nito. Mali na sisihin niya ito dahil may kasalanan pa rin siya. Kusa siyang pumayag sa gusto nito. Pero hindi niya maiwasan.

"Anak, this is not just about the issue.. May gusto akong sabihin sayo.. It's more than important---." 

Pinutol niya ang sinasabi nito. "Ano pa bang importante mom? Tama na please! Ang gusto ko lang naman ngayon ay kunin ang dapat ay sakin."

"Hindi mo kailangang agawin si abby sa kapatid mo---."

"There you go again! Gusto kong isipin na mas pabor ka palagi kay Jonas kaysa sakin!" Napaluha siya. Hindi niya gustong sabihin iyon pero kusang lumabas sa bibig niya. "You're always protecting him. Ikaw ang palaging gumagawa ng paraan para wag siyang masaktan. Paano naman ako 'Ma? Hanggang taga simot nalang? Hanggang taga panood nalang? All my life i haven't hear your concerns for me. Kung kamusta ba ako? Kung nasasaktan ba ako? Kung umiiyak ba ako? You're always preoccupied to hoe you will took care of Jonas. Siya ang palagi mong inuuna saming dalawa." Narinig niya ang paghikbi nito sa kabilang linya.

"You don't know what are you saying. H-Hindi totoo 'yan. Pareho ko kayong mahal. That's why i---."

"Enough Mother! Saka na tayo mag usap!" Saka niya ito pinatayan ng tawag. Namumula ang mga matang bumalik siya sa pagmamaneho. Ang sakit isipin na hindi pantay ang pagtrato sa inyong magkapatid ng sarili niyong ina. Kambal naman sila ni Jonas pero bakit pakiramdam niya ay mas nakakalamang ito sa kanya?

Pagkahinto ng sasakyan sa harapan ng bahay ay huminga siya ng malalim. Bitbit ang papeles ay tumuloy siya papasok sa loob. Tinanguan lang siya ng gwardiyang nasalubong niya sa daan. Imbes na sa front door siya dumeretso ay tila may malakas na pwersang hinila siya papasok sa Garden.

Mula sa Gazebo ay tanaw niya ang dalawang tao doon. Isang babae at lalaki. Halos manikip ang dibdib niya nang tumayo ang babae at lumapit sa lalaki. Lalo pang hindi siya makahinga nang makita niya kung paano naglapat ang mga labi ng mga ito.

Sunod sunod ang pagtulo ng mga luha niya. Bakiy nga ba hindi niya naisip na wala talaga siyang laban? Na kahit panghawakan niya ang katotohanang mahal niya ito ay hindi 'yon sapat? Na hindi 'yon sapat na dahilan para lumaban siya at umasa na mananalo siya sa bandang huli.

Game over.

To be continued...





-------

Wish granted.

SOMEONE BORROWED  (GENTLEMAN Series 12: Raphael Padilla 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon