Chapter Eighteen

21.6K 537 12
                                    

"You can stop pretending now. Babalik na ang kapatid mo. Babalik na ang totoong Jonas. Magiging malaya kana anak, salamat raffy."

Tila malakibg bomba ang sumabog sa mukha niya. Nalilito siya. She felt suddenly crushed.

"I don't regret any piece of shit nang pakasalan ko si Abby at magpanggap na si Jonas. Pinakamasayang araw ko 'yon sa buhay ko na nakasama ko siya. "

Kasabay ng luha niya ay mga dugo.. Dugo.. May dugong umaagos sa mga hita niya. And it feared her more. The sheering pain of the thought that she may lost her baby, make her sick.

Pero ang dugo.. Naparaming dugo...

Ang baby niya..

"Ang baby ko!" Sabay mulat niya ng mga mata. Mabilid niyang kinapa ang tiyan ngunit impis na iyon. "A-Ang baby ko... "

No one inside the room hear her cry. Parang nasa isa siyang madilim na kahon. "Ang b-baby ko... "

Doon bumukas ang pinto at pumasok ang Biyenan niya. Kung in law pa nga ba niya ito pagkatapos ng katotohanang nalaman niya. "Abby!" Mabilis itong lumapit sa kanya. Then she push the red button above her bed. "Nurse! Nurse! Gising na si Abby."

Mabilis na hinawakan ng ginang palad niya. "Kamusta ka? May masakit ba sayo?" She genuinely asked.

Namuo na naman ang luha sa mga mata niya. Marami siyang gustong itanong dito na alam niyang masasagot nito. Pero hindi ang mga iyon ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang malaman niya kung nasaan ang anak niya. "S-Si baby.. Kamusta siya? H-Healthy ba siya?" Sunod sunod na tanong niya.

Nakita niyang kumislap ang mga mata nito dala ng mga nagbabadyang luha. "Mom! Sumagot ka! Nasaan ang baby ko?"

Napakislot ito. Namumula ang mga mata dahil sa pinipigil na luha. "I-I'm sorry... "

Mas lalong lumukso ang takot at kaba sa puso niya. "Ano ba? Sorry kayo ng sorry! Nasaan ba kasi ang anak ko?" Bumangon siya at pilit kinakalas ang dextrose na nakakabit sa kanya.
Pero pinigilan siya nito. "Bitiwan niyo nga ako. Nasaan ba ang doktor ko?"

Doon may dalawang nurse at isang doktor ang pumasok. "Hi Mrs. Padilla, kamusta ang pakiramdam mo?" Hindi niya kilala ang Doktor na nasa harapan niya. Marahil ay iba ang nagpaanak sa kanya. The two nurse check her vital signs.

May hawak ang mga ito na chart. Binasa ng doktor at hinarap siyang muli. "Another one day for recovery nalang ang kailangan niyo Mrs. Padilla and you're good to go."

"Ang anak ko? Nasaan siya?" Nagkatinginan ang mga taong naroroon. Nakita niya ang paglunok ng doktor.

"Early this morning, sinugod kayo ni Mr. Padilla sa emergency room. You were uncontrollably bleeding. Nawalan na rin kayo ng malay due to stress and of course over fatigue. We gave you a random test and.. and.. I'm sorry Mrs. Padilla but you lost your baby. " Tila may bombang sumabog sa ulo niya. Ilang beses siyang umiling iling.

Hindi totoo ang mga ito.. Buhay ang anak ko!  Sigaw ng isip niya. "We have to remove her inside your womb dahil magiging delikado ang lagay niyo kapag nanatili siya. Kaya nagdesis----."

"Kinuha niyo ang anak ko sa loob ng tiyan ko ng hindi ko alam?" Nababakas sa mga mata niya ang galit at hinagpis. "Pinatay niyo ang anak ko?"

Umiling ang doktor. "No. Mrs padilla. Like what i said.. Patay na ang bata nang dalhin ka dito. Your bleeding before of the baby inside your womb."

"Hindi totoo 'yan! Ibalik niyo sakin ang anak ko! Ibalik niyo siya sakin!" Iniwawaksi niya ang mga kamay ng dalawang nurse na pilit siyang pinipigilan. Ang biyenan niya ay ganoon din. Pilit na inaabot siya. "Ibalik niyo ang anak ko!"

Halos mamaos na siya sa kakaiyak. Ilang buwan niyang inalagaan ang anak niya sa loob ng sinapupunan niya. Ang hirap hirap tanggapin. Nanay siya, alam niya na sobrang sakit. Kaya bakit hindi maintindihan ng mga tao sa paligid niya?

Niyakap siya ng kanyang biyenan. "Tahan na anak.. Tahan na.. "

"Ibalik niyo ang baby ko.. Ibalik niyo siya." Patuloy siyang umiiyak. Para siyang nalantang gulay at manikang nawalan ng baterya. Pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya. Pakiramdam niya ay nasira ang pagkatao niya. Mas masakit pa pala ang malamang namatay ang anak mo na hindi mo man lang pa nasisilayan kaysa ang malamang niloko siya ng lalaking inakala niyang mahal siya.

Nanghihinayang siya na hindi man lang naranasan ng anak niya ang higpit ng yakap niya. Ang init ng mga halik niya. Ang pag aalalaga niya. Hindi man lang nito nasilayan ang kakaibang kulay ng mundo. Ang kakaibang huni ng mga ibon. Hindi man lang nila sabay nahawakan ang kamay ng isa't isa.

Kung ganoon, natutulog nga marahil ang Diyos. Dahil hindi nito naririnig ang mga dasal niya na sa sana ay patnubayan ang anak niya.




To be continued...

SOMEONE BORROWED  (GENTLEMAN Series 12: Raphael Padilla 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon