Chapter Twenty One

23.5K 527 8
                                    

"Mommy. Wag ka na pong malungkot. Andito lang po ako sa tabi niyo." Pinahid niya ang mga luha at tinitigan ang anghel na nasa harapan niya. Matamis itong nakangiti sa kanya.

Kinusot-kusot niya ang mga mata. Gusto niya itong mayakap ng mahigpit. Ang walang kasing higpit na mga yakap. " Anak... "

Ngumiti muli ang magandang anghel sa kanya. "Sige na po mommy. Ngumiti na po kayo." Sinunod niya ang sinabi nito. Ngumiti siya ng ubod tamis. "I love you mommy."

"I love you too, baby." Pinilit niyang bumangon. Nanatili itong nakatayo malapit sa kanya.

"Tara po mommy! Maglaro tayo!" Punong puno ng sigla ang tinig nito. Mabilis siyang tumayo at tumango. Nagtatakbo ito palabas ng silid.

"Angeline sandali!" Tawag niya dito. Pero tumatakbo ito habang tumatawa. Tawa na punong puno ng buhay.

"Habulin mo ako, mommy! Habulin mo 'ko!" Napapahagihik pa ito. Takbo siya ng takbo para abutan ito. Malapit na ito sa liwanag ng muling lumingon sa kanya.

"Tara po dito mommy! Dito niyo po 'ko habulin!" Nagtatakbo ito papasok sa matingkad na ilaw. Mabilis siyang tumakbo papalapit doon pero nilamon na ng liwanag ang paslit. Hanggang sa tuluyan itong Nawala sa paningin niya.

"Angeline!"

Napabalikwas siya ng bangon. Hinihingal na napahagulgol siya. Palagi nalang niyang napapanaginipan ang anak niya. May mga gabing magigising siya dahil parang naririnig niya ang pag iyak nito. Ang pagtawag nito sa kanya.

"Abby!" Humahagos na pumasok sa silid si Jonas. Mamasa masa na ang buhok nito. "You're dreaming again. Narinig kong sumigaw ka." Mabilis itong lumapit sa kanya at inabot ang isang basong may tubig. Saka lang niya napuna ang tray ng pagkain sa bedside table.

"N-Napanaginipan ko na naman siya." Patuloy na pag iyak niya. Mabilis naman siyang niyakap ni Jonas.

"Ssshh...  Malalampasan mo rin ito. Palagi labg naman siyang nariyan sa tabi mo. Binabantayan ka niya." Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang nakayakap kay Jonas.

Mommy. Wag ka na pong malungkot. Andito lang po ako sa tabi niyo.

Iyon nga ba ang ibig sabihin palagi ng mga panaginip niya. That Angeline was always watching her? Binabantayan siya?

Dahil doon ay napaiyak na naman siya. Lalo na ng mapatingin siya sa buong silid nito. Dito na siya natutulog palagi. Gusto niyang maramdaman ng anak niya na buhay na buhay ito sa isip at puso niya. "Maybe, gusto na niyang makamove on ka. Alam niyang nahihirapan kana kaya kahit sa panaginip ay ipinapaalala niya sayong mahal ka niya. Na kahit hindi pa kayo nagkakasama ng matagal ay mahal na mahal ka niya." Halos manikip ang dibdib niya dahil sa sinabi ni Jonas. Maari bang naaawa na ang anak niya sa kanya kaya tinutulungan na siya nito?

Humikbi siya. "H-Hindi ko man lang siya nayakap. Hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal."

"Ssshh.. It's okay. Alam niya 'yon. Nararamdaman niya." Nang bumitiw siya kay Jonas ay inalalayan siya nitong makatayo. "Mabuti pa lumabas muna tayo doon sa garden. Para naman makasagap ka ng hangin." Tumitig siya sa mga mata nito. May isang bagay siyang hinahanap. Naoobligang tumango siya. Oras na marahil para ayusin niya ang sarili niya. Ang sarili niyang buhay.

Pagdating sa garden ay inilapag ng kawaksi ang almusal sa harapan niya. Sariwang mga prutas ang kasamang naroroon. "I made a potato omelette. I hope magustuhan mo ang lasa niyan. Kahit papaano kasi natutunan ko na 'yan. Alam ko kasing paborito mo 'yan."

Nagpalipat lipat ang tingin niya sa omelette at sa mukha nito. Iisang tao lang ang pumasok sa isip niya. Raphael...

Ipinilig niya ang ulo. Ang pagsisinungaling nito sa kanya ang siyang nagpagulo sa lahat. Kung sana ay sinabi agad sa kanya ang totoo. Hindi magiging ganito kahirap at kakomplikado ng lahat.

"S-Salamat." Sabi niya. Ngumiti lang si Jonas sa kanya. Malaki na ang ipinagbago nito. Kakaiba na itong kumilos. Tila nawala na ang Jonas na minahal niya. "A-Aalis ka?" Wala sa sarilig naitanobg niya. Nasabi na nito sa kanya noong nakaraang araw ang set up nila. Ang namamagitan sa kanila. Malinaw na sa kanya ang lahat.

"Yes. Nasabi ko na 'yon sayo noong isang araw." Tumango siya. Kakaiba ang ningning ng mga mata nito. Hindi niya nakita ang ganoon noon sa buong durasyon ng relasyon nila.

"S-Sorry, nakalimutan ko." Nagyuko siya ng ulo at inayos ang sariling pinggan. Kahit naguguluhan siya sa lahat ng mga pangyayari. May isang bagay pa rin siyang gustong malaman. Kaya mabilis siyang tumayo at lumapit dito.

"Do you need something?" Tanong ni Jonas. Tumango siya. Mabilis na yumuko siya at inilapat ang labi sa labi nito. Naroon ang bahagyang pagkagulat nito. Iniyakap niya ang mga braso para lumalim pa ang halik na iyon.

She deepen the kiss hanggang sa kusang pumikit ang mga mata niya.




To be continued...





------

Dahil sa La union escapade namin last weekend. Napuno ng maraming idea ang isip ko.. Hehehe.. Kaya abangan kung saan story mafeature ang La Union. Gusto kong ishare ang ganda ng lugar nila..

Happy reading
Ai:)

SOMEONE BORROWED  (GENTLEMAN Series 12: Raphael Padilla 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon