Chapter Six

24.4K 583 31
                                    

"Hello Mom."

"How are you Raffy? How's your wife?"

His wife? Oh! Yeah! My wife! Apat na araw lang ang nilagi nila sa tagaytay dahil sa madalas na pananakit ng tiyan ni Abby. Pansamamtalang umuwi muna sila at ipinangako niya ditong itutuloy nila ng bakasyon sa ibang araw. Isa pa tambak ang iniwan niyang trabaho.

Hindi lang sa harapan ni Abby siya nagpapanggap na si Jonas. Maging sa harapan ng mga empleyado at ilang kakilala ay ganoon din ang Ginagawa niya. Ang ama niya ay ang buong akala'y totoong nasa Greece siya. Kaya pansamantalang inappoint nito si Jonas bilang COO para gampanan ang trabahong naiwan niya. Samakatuwid, ang ina lamang niya ang nakakaalam ng mga nangyayari. Sila lamang dalawa. Pinatigil ng daddy niya ang paghahanap sa kanya dahil akala nito'y may inasikaso lang siya. Naniwala ang ama niya sa alibi na hinabi nilang mag ina.

Tanging ang ina lang niya ang may lihim na koneksyon sa detective na inutusan nito para hanapin ang kakambal niya. Sa pagtagal ng pagpapanggap niya ay sa pagbigat lalo ng kasalanan niya sa mga mahal niya. "She's fine. Nasa bahay siya ngayon, you can visit her. Sinabi ko sa kanyang wag na munang labas ng labas." Narinig niya ang paghinga nito ng malalim.

"Thanks God! I am so worried nang sabihin mo kagabi na masakit pa rin ang tiyan niya. I know its difficult to carry the first child. Pero nag aalala pa rin ako. What if hindi kayanin ni Abby?" Naisip na niya ang bagay na 'yon. Kaya dobleng pagiingat ang ginagawa niya para kay abby at sa magiging anak nila.

"Don't worry I'm taking care of her." Aniya. "Kamusta ang paghahanap niyo? Nakita na ba siyaHis voice hid the name of his brother. Nasa loob siya ng opisina ni Jonas. Baka may biglang pumasok kaya nagiingat siya.

Humikbi ang kanyang ina. "Negative. Walang traceability kung nasaan ang kapatid mo. Sobrang nag aalala na 'ko. Magdadalawang linggo na simula ng mawala siya." Patuloy na umiiyak ang ina niya.

Napahawak siya sa sentido at tinitigan ng litrato ni Jonas na nasa lamesa niya. Where the hell are you Jonas? Gustong gusto na niyang matagpuan si Jonas para matapos na ang lahat nang ito. Marami nang napupuna si abby tungkol sa mga changes niya. Magaling na lamang at Nagagawa pa niyang lusutan. Dahil kung hindi, baka isinumpa na siya ni Abby.

"Tutulong din ako sa paghahanap. Makikita rin natin siya." Aniyang muli. Oo nga, paano kung makita nga nila si Jonas. At sa oras na makita na nila ito ay malaki ang magbabago. Kukunin n nito ang buhay na tinatamasa niya ngayon. Babalik na siya sa dating Raphael na hanggang tingin nalang. Mabubura na siya ng tuluyan sa buhay ni Abby. Papayag ba siya? Na sa muling pagbabalik ng kapatid niya ay posibleng mawala ang lahat sa kanya ngayon?

"Thank you Son. Alam kong nahihirapan kana." Napuno lalo ng pagaalala ang tinig nito.

Mapait siyang ngumiti. "Narito na ito. Ang pwede nalang gawin natin ay panindigan ang lahat ng ito." kailan nga ba matatapos ito. Their stupid charade. Kapag bumalik na si Jonas? Pero ang tanong nasaan nga ba ang kapatid niya?

"Ayokong isipin mong nagiging unfair ako sa inyong dalawang magkapatid. This is the only way i know para nang mas mapahamak pa. Kapag nalaman ni Abby ang katotohanan, kung nasaan ang kapatid mo. Mas lalong mahihirapan siya sa kondisyon niya. Ayokong mapahamak ang apo ko." Naiintindihan naman niya. Ang hindi lang niya maintindihan kung bakit mas lalong lumalalim ang nararamdaman niya knowing that Abby was believing that he is Jonas. Her Jonas. Her husband. Natatakot lang siya na baka dumating ang araw na hindi na niya ito gugustuhing pakawalan pa.

At mas may masasaktan siya -----si Jonas.




To be continued...




-------

I hate to say this, pero-----patay na po si Jonas. Hahahaha

SOMEONE BORROWED  (GENTLEMAN Series 12: Raphael Padilla 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon