Napahinto siya sa pagpasok sa loob ng kwarto ni Abby. Mula sa nakasiwang na pinto ay dinig niya ang pagtangis nito. At pilit nitong paghahanap sa sanggol na nawala sa sinapupunan nito. Para siyang pinapatay ng paulit-ulit.
Napipigilan siyang magpakita dito dahil hindi niya alam kung paano ba ipaliliwanag dito ang lahat. From how he fool her. To how her baby died after she learned the truth.
Pero mas napigilan siya nang makita niya kung sino ang kayakap nito. Kung sino ang pilit na nagpapatahan dito. Kung sino ang humahaplos sa likod nito na dati ay ginagawa niya.
Kasamang dumating ng imbestigador si Jonas kanina. Wala lang itong kibo. Nanatili itong tahimik lalo na ng marinig nito ang balitang patay na ang anak nito. Nagbago man ng bahagya ang hitsura nito. Bahagyang umitim ang balat nito, ang buhok nito na noo'y trimmed lagi ngayon ay umabot sa batok at may ponytail. Lumapad din ng bahagya ang pangangatawan nito.
Ang ina palang nila ang nakakausap ng imbestigador pero base sa nalaman niya ay aksidente ang naging dahilan ng pagkawala nito.
Dantay sa balikat ang nagpahinto sa iniisip niya. "I thought you are all ready here?" Napatingin siya kay Levi na nasa gilid na pala niya. "Akala ko napaghandaan mo na ito?"
Tumango siya. "I did. Pero m-masakit pa rin pala. I thought.. If j-jonas.. Kung babalik siya ay kaya ko na, pero mukhang hindi pala."
"We can't always prepared for the upcoming pain. Laging mas masakit ang reyalidad kaysa sa expectations. Just hope but don't expect. Hope that it will going to be fine but never expect dahil kabaliktaran palagi ang nangyayari." Hindi niya magawang makalapit kay Abby dahil sa nagawa niya. Pero mas lalong hindi na siya makalapit dahil dumating na si Jonas.
Naramdaman niya ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Narealized niya, kahit kailan ay hindi mo madadaya ang true love. Abby believes that her true love was jonas. Ngayon siya naniniwalang sa buong pagsasama nila ay hindi ang totoong presensya niya ang naramdaman nito. That he is just a props for the high rating teleserye na sila ni Jonas ang bida. And he is just the supporting actor. That supporting their everlasting love story.
Napabuga siya ng hangin. "So, what's your plans now? Are you going to talk to her?"
Hindi niya alam. May mukha pa ba siyang ihaharap kay abby matapos ng lahat? "I don't know. Mukhang hindi naman na niya ako kailangan. So what's the use of showing my face to her? Kung si jonas lang naman ang palagi niyang nakikita?" Puno ng pait na sabi niya.
Noon, hindi niya binibigyan ng ibang kahulugan ang pagiging kambal nila. Ngayon, damang dama niya ang selos at inggit. Jonas was gone for almost half a year. Pinuno niya ang mga naging kakulangan nito. Ginampanan niya ang mga bagay na dapat ginagawa nito. He act like him. He talk like him. He moved like him. And he done everything for him. Pero bakit masama ang lahat ng 'yon? And him? Dumating na parang kanina lang nawala.
Naglakad siya palayo sa pinto. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya dahil sa nakikita. Enough for being a superhero. Enough for being a damn hero! Baka dumating ang araw na nakakapagligtas siya ng mga wasak na puso pero ang kanya---sino ang magliligtas? Sarili niya? He doubt it. Kung ngayon nga para siyang gumuguho. Paano pa kaya sa mga susunod na araw kung saan babaliktad na ang mundo nila?
That he will no longer the husband ---but the brother-in-law.
To be continued...
--------
Sorry for the late update. Been very busy. Sorry again.
Guys para sa mga nagtatanong pa ng name na pwedeng makasama sa series. Puno n ang third batch. Just wait for my next announcement. Sabi ko naman po kasi sa inyo.. Di ako mageentertain ng mga PM's volunteering for the series. Ayoko pong maging unfair sa iba na nagtitiyagang makiabang sa comment box. Just be fair guys.. Walang favoritism ha! Ginagawa ko lang ito para walang issue.
Happy reading.
Ai:)
BINABASA MO ANG
SOMEONE BORROWED (GENTLEMAN Series 12: Raphael Padilla 2)
Ficción GeneralSOMEONE BORROWED (GENTLEMAN series 12: Raphael Padilla 2) "Wear this ring as my sign of love, Fidelity,loyalty and---Honesty" Dahil sa biglaang pagkawala ni Jonas sa mismong araw ng kasal nito. May isang mabigat na bagay ang gagawin ni Raphael. "D...