Chapter Twenty Three

25.5K 602 101
                                    

Tinanaw niya ang mga ibong malayang lumilipad sa himpapawid. Kasabay niyon ay ang pagpapakawala niya sa nagiisang puting lobong hawak niya.

Nang malayang lumipad ang lobo, sinundan niya iyon ng tingin. Umangat papalayo, kasabay niyon ay ang pag alpas ng luha niya. Forget the past at magsimula muli. Life is a series of changes. You're  happy now, you'll get sad later then you get happy again.

Sa nakalipas na mahigit anim na buwan. Alam na niya sa sarili niyang natanggap na niya. Tanggap na niya ang sunod sunod na nangyari sa buhay niya. Pagkalipad ng lobo ay tinitigan niya ang lapida.

Rest now darling. Mommy will get fine. Kailangan pa pala pakawalan ng isang tao ang lahat ng pait at sakit bago niya matanggap ang mga naging mali sa buhay niya. Lalakas ang isang taong nasasaktan kapag paulit ulit na hinayaan siyang umiyak. Tears are weapons. Kailangan mo lang malaman kung paano gamitin ang mga iyon.

Hindi kahinaan ang umiyak. Instead, it's a strength. Lakas na makakapagpaalala satin that we are all humans. Humans who commit mistakes and accept changes. Even God cried. Not only us.

Mag isa nalang siyang nakatayo. Nauna nang umalis si Jonas. Napangiti siya, masaya na si Jonas ngayon. At masaya din siya para dito.

And when he released her. Tumitig ito sa mga mata niya. "Hindi na ako. Tama ba?" Nagyuko siya ng ulo. After the kissed. Akala niya may mas kakaiba pa siyang mararamdam. Like what she always fad everytime she's with him. "Hindi mo na kailangang sumagot Abby. It's written in your eyes."

Nakatitig siya sa mga mata nito. "H-Hindi ko sinasadya... " Mahinang sabi niya.

Patlang.

Jonas released a deep sigh. "You don't have to say sorry, Abby. Pareho lang tayo. Mas mabuting inamin natin sa isa't isa kaysa pareho tayong mabuhay na itinatago iyon at nasasaktan natin sila." Ngumiti si Jonas. "Talk to him after our annulment. Naniniwala akong mas malalim ang pagmamaha niya sayo kaysa sa pagmamahal na ibinigay ko noon sayo."

Pinawi niya ang luha sa mga mata. Saka tumango. Ganoon nga ang gagawin niya. Bumaling siyang muli kay Jonas. "H-How is she?"Bigla niyang naitanong. Kahit papaano ay curious pa rin nama siya.

Ngumiti ng ubod tamis si Jonas. Bakas ang labis na kaligayahan. "She's amazing. She's wonderful. Magpapatayan ang mga kalalakihan makuha lang siya."

Gumanti siya ng mapaitna ngiti. "Maswerte siya."

"And he is so lucky that he have you. Don't just look at the time, chase it!"

Binigyan niya ng huling sulyap ang puntod saka nagpasyang umalis. Kailangan niyang makausap si Raphael. Kailangan nila ng malinaw na paguusap. Ngayong sigurado na siya. Alam niyang napatawad na niya ito. Matagal man pero at least nagawa niya.

"A-Abby..." Nahinto siya sa paglalakad nang makita ang ina ni Raphael at Jonas sa harapan niya.

Deretso siyang napatingin dito. Nagawa na niyang tanggapin ang lahat pero hindi ibig sabihin niyon ay nakalimutan na niya ang manipulasyong ginawa nito sa buhay nilang lahat.

"P-Pwede ba kitang makausap?" She sounded like a begging poor. Halata ang pagod sa hitsura nito.

"Tungkol po saan?" Tila balewala niyang tanong. Hangga't maaari ay hindi na niya gusto pang maalala ang nakaraan.

Lumunok ito, makailang beses. "G-Gusto ko sanang ihingi ng tawad ang lahat---."

"Hindi po kaya late na nang sabihin niyo 'yan? Ano ho ba talagang kailangan niyo?" Putol niya sa sinasabi nito.

May God forgive her for being rude. Pero hindi niya kasi mapigilan ang sarili niya. Nakita niyang tumulo ang mga luha nito. "H-Honestly, hindi ko alam kung saan ako maguumpisa. Raphael ignore me. Alam kong malaki ang nagawa kong pagkakamali sa inyo. H-Hindi ko gustong magsinungaling siya sayo. But that's the only way iknow para maging okay kayo ng baby mo."

Nagsalubong ang kilay niya. "At paano niyo nalaman kung ano ang makakabuti saming mag ina? You are not my mother para umakto na parang alam mo lahat. Na parang alam mo kung ano ang makakabuti saming lahat. Lies are not an excuse to forgive a big mistake! Ikot ikutin man natin lahat! Mali parin na pinakialaman niyo ang buhay namin! Everything was ruined because of your manipulation!" Napalakas na ang tinig niya.

Nagyuko ito ng ulo. "I-I'm sorry.. "

Huminga siya ng malalim. "Kung wala na ho kayong iba pang sasabihin. Aalis na ako. May importante pa akong pupuntahan."

Pero humabol pa ito sa kanya. "Wag mong ituloy ang annulment!"

"And why not? Nagusap na kami ni Jonas. And he agreed to end this marriage." Aniya na naniningkit ang mga mata. Hanggang dito ba naman mamanipulahin sila nito?

Mula sa shoulder bag nito ay may inilabas itong nakatuping papel. Inabot nito iyon sa kanya. May logo ng National Statistics Office sa bandang kanan ng papel. At nang basahin niya ang kabuuan niyon ay malinaw sa kanya ang nakasulat doon.

"G-Ginawa ko lang 'yan dahil ayokong masaktan ang anak ko. Patawarin mo ako Abby. Ina ako, ayokong nasasaktan sino man sa mga anak ko."

Nagpalipat lipat ang tingin niya sa mukha nito at sa papel na hawak niya.

God! This can't be happening. Nagmalibis ang luha sa mga mata niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa lungkot o saya. Halo halong emosyon.




To be continued...




-------

Isang honest na sagot guys,
Anong tingin niyo sa kwentong ito?
A. Boring
B. Very cliché
C. OA
D. Sakto lang
E. Kailangan pa ng improvement

SOMEONE BORROWED  (GENTLEMAN Series 12: Raphael Padilla 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon