CHAPTER 8

342 13 1
                                    

Eleanor P.O.V

*Bang!*

Oh God!

"Vienne, dapa!" sigaw ko kay Vienne.

Oh My God! What happened?

Nagtago kami ni Vienne sa ilalim ng lamesa. Nagsisigawan at nagkakagulo na ang mga tao sa loob ng restaurant. Sugatan yung iba dahil natamaan ng bubog ng salamin.

"What happened?" puno ng takot ang boses ni Vienne.

Pumasok ang mga armadong lalaki na may dalang baril. Rinig ko ang iyakan ng mga tao dahil sa takot. Niiyak na rin ako dahil kinakabahan ako sa gawin ng mga armadong lalaki. Papatayin ba nila kami? 

Kumapit si Vienne sa braso ko. Naramdaman ko itong nanginginig kaya hinawakan ko ito sa braso.

"S-Sky, I'm s-scared." umiiyak ito. Ako rin naman, natakot.

"Mr. Monteverde. lumabas ka na! Dahil kung hindi, papatayin namin lahat ng mga tao dito!" Si Thunder? Bakit hinahanap nila si Thunder?

Napasigaw at napatakip ako sa aking tainga ng pinaulanan nila ng bala ang counter ng restaurant.

*Bang!*

Narinig ko ang palitan ng putok ng baril. Tiningan ko si Vienne, nakita ko itong nakapikit.

"Vienne, are you okay?" tumango ito, pero nakapikit pa rin.

Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang mga men in black na nakikipag-palitan ng putok ng baril sa mga armadong lalaki.

Who are they?

Naghanap ako ng pwede naming pagtaguan para hindi kami matamaan ng bala. May nakita akong isang pinto hindi kalayuan sa pinagtataguan namin.

"Vienne, let's hide over there." tinuro ko ang pinto. Nag-aalinlangan itong tumingin sa akin. Wala itong nagawa ng hinila ko ito. 

Napasigaw kami ng may humila sa amin. Handa ko na sanang sipain ang salarin pero napatigil ako ng si Kuya Zailer pala ang humila sa amin.

"Thanks God. You're fine. Are you alright?" puno ng pag-alala ang boses nito.

"We're fine Kuya. Ano ba ang nangyari?" natahimik ito at hindi makatingin ng deritso. Nagulat ako ng yinakap niya si Vienne. Pati si Vienne ay nagulat.

"Are you alright?" tumango si Vienne kahit gulat na gulat. Napangiti ako sa aking nakita. My brother was worried at my bestfriend at yinakap pa ito.

"Let's go." hinila niya kami at tinago sa stock room.

"Stay here, I'll be back." umalis na ito pero hindi nakatakas sa paningin namin ang hawak nitong baril.

Baril? Bakit hindi namin 'yun napansin kanina?

"Kuya wa--" huli na ako dahil nakalabas na ito. Bakit may baril si kuya?

"He is holding a gun." bulong ko.

"Yeah." napalingon ako kay Vienne, gulat rin ito sa nakita.

Why i have this feeling na may itinatago si kuya sa akin? Oh God! Sana naman wala.

Hindi ako mapakali sa aking kintatayuan. Rinig ko ang iyakan at sigawan ng mga tao sa labas. Wala pa rin tigil ang putukan ng baril. Nag-aalala ako kay kuya baka may mangyaring masama sa kanya.

I'm scared and worried.

Napahilamos ako sa aking mukha at di ko napigilang mapahagulgol. Somebody can tell me what happened? Yinakap ako ni Vienne kaya mas lalo akong napahagulgol. I hate this kind of situation. Nakakatakot.

The Ruthless CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon