CHAPTER 11

200 12 0
                                    

Happy 1k guy's! Love you all!

Eleanor P.O.V

Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng doorbell. Tumingin ako sa wall clock at nakitang 6 pa naman ng umaga. Sino naman kaya ang nambubulabog sakin ng ganito ka aga? Pungas-pungas akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto para buksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang isang lalaki na may hawak na bulaklak pagbukas ko ng pinto.

"Yes?" Tanong ko.

"Good morning ma'am, flower delivery po para sa inyo." Inabot nito ang isang bouquet ng kulay white at red roses. Kunot noo ko itong tinitigan dahil naalala ko na ganito rin na bulaklak ang natanggap ko noong nakaraang linggo.

"Paki-sign na lang po."

Pagkatapos kong pirmahan ay binalik ko na ito. Tatanungin ko sana ito kung kanino galing itong bulaklak ng agad itong umalis pagkatapos magpaalam. Napabuntong hininga na lang ako at inamoy ang bulaklak. Napangiti ako dahil sa mabangong amoy na dumadaloy sa ilong ko. Papasok na sana ako ng mapatingin ako sa pinto ng unit ni Thunder. Umuwi kaya ito kagabi? Pagpasok ko sa loob ay inilapag ko sa coffee table ang bulaklak at kinuha ang flower vase. Inilagay ko dito dahil sayang naman kung itatapon ko lang.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas ng mukha galing sa paghihilamos ng tumunog na naman ang doorbell. Busangot na lumabas ako ng kwarto at padabog na binuksan ang pinto.

Ngunit ganun na lang ang pagkagulat ko ng bumungad sa harapan ko ang lalaking nagpapagulo ng puso't isipan ko. Maaliwalas ang mukha nito na nakatitig sakin habang may bitbit na paper bag.

"T-Thunder."

"Good morning, sweetheart." Lumapit ito at hinalikan ako sa labi. Nagulat ako sa ginawa nito at pinamulahan ng mukha. I heard him chuckle kaya napatitig ako dito. Sa maikling panahaon na magkakilala at magkasama kami ngayon ko pa lang ito nakitang tumawa. Mas lalo itong gumugwapo sa paningin ko. Ibang Thunder ang nakikita ko ngayon, ibang-iba sa nakakatakot na Thunder na nakilala ko. Maaliwalas ang mukha at mababakasan sa mukha nito na masaya at good mood ito.

"Can I come in?"

Wala sa sariling tumango ako at sinundan ito ng tingin na pumasok sa loob. Oh God! Bakit ang gwapo ng lalaking 'yon? Pinilig ko ang ulo at sinundan ito sa loob. Naabutan ko ito na nasa kusina habang inilabas ang laman ng paper bag.

"What's that?"

"Our breakfast, sweetheart. I'm sure hindi ka pa kumakain." Lumapit ito sa akin at hinila ako pa-upo sa upuang hinila para sakin. Naiilang na umupo ako at tiningnan ang bawat kilos nito. Kumuha ito ng dalawang plato, kutsara, tinidor at baso pagkatapos ay nilagyan ang plato ko ng pagkain. Naguguluhang nakatingin ako kay Thunder pagka-upo nito sa tapat ko.

"Why are you doing this?" Naguguluhang tanong ko dito. Kumunot ang noo nito at napabuntong hininga ng marealize ang sinabi ko.

"Why? Mali ba na pagsilbihan ko ang babaeng gusto ko?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.

"W-What?!"

Ngumiti ito at hinawakana ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng table. And for the first time ngayon ko lang ito nakitang ngumiti.

"I like you." Inangat nito ang kamy ko at hinalikan. Nakatitig lang ito sa akin habang ginagawa iyon ni Thunder. Nagwawala ang puso ko sa ginawa nito at hindi ko mapigilang di kiligin kaya kinagat ko ang pang-ibabang labi para hindi nito mahalata. Oh God! did he just said He like me?

"Y-You like me?"

Mataman ako nitong tinitigan bago ito nagsalita. "Yes, I like you Sweetheart." Dumukwang ito kaya napaatras ako sa pagkaka-upo. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa at amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga na mas lalong nakadagdag attraction dito. Nakatitig ako sa mata nito pababa sa mapupula nitong labi na para bang hinihikayat akong halikan sila. Napalunok ako sa naisip at naramdaman kong namumula ang mukha ko.

The Ruthless CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon