Eleanor P.O.V
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa lobby ng kompanya ni Thunder nang makarinig ako ng usap-usapan sa reception area. May tatlong babaeng empleyado na nag-uusap at mukhang hindi yata nila napansin ang presensya ko.
"Oo nga totoo ang sinasabi ko. May nakakita sa kanila kahapon sa park na magkasama at sobrang sweet daw ni sir Thunder kay mam Eleanor. At ang nakakagulat pa ngumingiti daw si sir na hindi naman nya gawain. Emotionless kaya 'yun."
"Wow! Totoo pala yung usap-usapan kanina na sila na. A swerte naman ni mam Eleanor. Nakakainggit sya."
Dahan dahan akong umalis at tinungo ang elevator. Napahawak ako sa dibdib ko dahil lumalakas ang tibok nun. Narinig ko pa lang ang pangalan ni Thunder iba na ang epekto sa buong sistema ko. Napailing ako sa mga narinig ko kanina. Hindi naman kami. Oo nga nagkaaminan kami na gusto namin ang isa't isa pero wala naman sinabi si Thunder na kami na.
Pagdating ko sa room kung saan gaganapin ang photoshoot halos nandun na lahat at naka ready na ang mga camera. Agad akong sinalubong ng manager ko at dinala sa dressng room para ayosan.
Biglang nag flassback sa utak ko ang nangyari kahapon. Pagkatapos namin kumain kahapon ay pumunta muna kami sa park at naglakad lakad habang magkahawak ang kamay. Feeling contented. That's what I feel while I'm with Thunder. I found out that he is sweet, caring, possessive, and gentleman. Opposite to his usual attitude towards to other people. He maybe ruthless in everyone eyes but for me he is an amazing man.
And this morning, nagpaalam sya sakin na may meeting sya sa cebu. Gusto nya sana ako isama kaso hindi ako pumayag dahil may photoshoot ako. And to tell you the truth, kinikilig ako. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kami. Wala kasi sa isip ko na magugustuhan ako ni Thunder.
"Alright! Let's start people!" Sigaw ng photographer habang nakaharap sa camera nya.
-------
"Sky, I gotta go. Don't forget your photoshoot on friday. Have a beauty rest okay?" Tumango ako kay manager pagkatapos ay niyakap sya. Pagkaalis niya ay inayos ko na rin ang mga gamit ko. Kanina pa tapos ang photoshhot at nakapag meryenda narin kami. Since successful ang trabaho namin kanina bumili ng pizza ang photographer namin at nilibre kaming lahat.
Napangiti ako ng makatanggap ng text galing kay Thunder.
"Hey, sweetheart. Are you done with your photoshoot?"
Agad ko syang nireplyan habang may nakapaskil na ngiti sa mga labi. Kinikilig ako.
"Yes. We're done. Actually paalis na ako."
"Can you come here in my office. I'm bored here."
Napailing ako sa text nya. Di ko alam na nakabalik na pala sya galing cebu. Ang bilis naman yata matapos ang meeting nya.
"Okay. Wait me there. Papunta na ako."
Agad kong nilisan ang kinaroroonan ko at sumakay sa elevator papunta sa office ni Thunder. Pagdating ko sa pinaka top floor ng building naabutan ko ang secretary ng binata na busy sa computer.
"Hi." Bati ko sa kanya. Mukhang nagulat pa sya pagkakita sa akin dahil napatalon sya ng kunti.
"Good afternoon mam. Mr. Monteverde is waiting for you inside." Tumayo sya at ginaya ako papunta sa office ni Thunder. kumatok muna ito ng tatlong beses bago binuksan ang pinto.
"Sir, miss Villanueva is here."
Narinig ko ang baritonong boses ni Thunder sa loob. Malalim yun at malamig. "Let her in."
BINABASA MO ANG
The Ruthless CEO
Romance(Tagalog/English) Genre: Action/Romance Thunder Crimson Monteverde ❤️ Eleanor Sky Villanueva