Eleanor P.O.V
"Go out on a date with me, sweetheart."
Pabaling-baling ako ng higa dito sa kama ko. Hating gabi na pero hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Kanina pa naglalaro sa utak ko ang sinabi ni Thunder bago ako nito ihatid sa condo. Para itong nagpupugad sa utak ko at ayaw akong lubayan. Argh! napasabunot ako sa sariling buhok tsaka tumayo at lumabas ng kwarto. Kumuha ako ng gatas sa ref at isinalin sa baso baka sakaling makatulog ako. I need some sleep dahil may pictorial pa ako bukas at ayaw kong magmukhang zombie sa pictorial.
I didn't expect na yayain ako nitong lumabas at hindi ko expect na aabot kami sa ganito. Napabuntong hininga ako bago inubos ang gatas at bumalik sa kwarto. Paghiga ko ay nakaramdam na ako ng antok at hindi ko namalayan nakatulog na ako.
Kakatapos lang ng pictorial ko at nag-aayos na ako ng mga gamit para sana umalis ng may lumapit sa akin na lalaking naka suit na kulay itim."Miss, pinapatawag po kayo ni Mr. Monteverde sa office niya." Yumuko ito bago umalis.
Bigla akong kinabahan at hindi malaman ang dahilan kung bakit ako nito pinatawag.
"Sige na Sky, punta ka na sa office ni Sir. Ayaw pa naman nun na pinaghihintay." Wika ni manager. Tumango ako at kinuha ang mga gamit.
Pagkarating ko sa pinaka last floor ng building bumungad sa akin ang malawak na hallway. Lumapit ako sa sekretarya ni Thunder na busy sa pagt-type sa computer at mukhang hindi nito naramdaman ang presensya ko.
"Excuse me." Agaw ko sa atensyon nito. Nagulat at muntik na itong mahulog sa kinau-upuan ng magsalita ako. Napangiti na lang ako sa reaksyon nito.
"Sorry, nagulat yata kita." Paumanhin ko dito.
"It's okay, maam." Ngumiti ito at tumayo. "kanina pa po kayo hinihintay ni Mr. Monteverde. Please, come with me." Sumunod ako dito papunta sa isang pinto na sa tingin ko ay office ni Thunder. Kumatok ito ng tatlong beses bago binuksan ang pinto.
"Sir, miss Villanueva is here." Sabi nito. Wala akong narinig na nagsalita pero sinenyasan ako nito na pumasok bago ako iniwan at bumalik na sa trabaho.
Dahan-dahan akong pumasok at sinara ang pinto. Nabungaran ko itong may ginagawa sa laptop. Nag-angat ito ng tingin at matiim akong tinitigan. Napalunok ako dahil sa titig nitong nakakalusaw at nakapag lambot ng mga tuhod. Sinara nito ang laptop at sinenyasan akong umupo. Umupo ako sa tapat ng upuan nito at nilibot ang tingin sa loob ng office.
The place is very simple and cosy. The color was combined with black and gray. There's a couch and coffee table near at the window glass. A beautiful chandelier na nakadagdag ganda sa buong paligid. May dalawang pinto sa loob at sa tingin ko ay C.R at kwarto ito. Ang mga gamit ay halatang mga mamahalin at nagsusumigaw ng karangyaan. May portrait na nakasabit at malaking kulay itim na flower vase. Sobrang lawak ng lugar at malinis, idagdag mo pa ang mabangong amoy na halatang lalaki ang may-ari.
"You like it?"
Nabalik ang tingin ko kay Thunder na ngayon ay titig na titig sa akin. May paghanga sa mga mata nito na agad naman nawala. Humugot ako ng malalim na hininga pero nagsisi ako sa ginawa ko dahil nalanghap ko ang mabango nitong pabango na dumadaloy sa buong sistema ko. Shit! Bakit ang sobrang bango nito?! Nakakaadik!
"Yeah." Maikli kong sagot. Tumikhim ako at tinanong ito kung bakit ako nito pinatawag.
"Ahm.. May problema ba kaya mo ako pinatawag?" He didn't answer my question. He still looking at me at naiilang na ako sa ginawa nito.
"Have you eaten already?" Napatitig ako sa gwapo nitong mukha dahil sa tanong nito. I did not expect sa tanong nito. Did he just ask me if I have eaten already?
BINABASA MO ANG
The Ruthless CEO
Romance(Tagalog/English) Genre: Action/Romance Thunder Crimson Monteverde ❤️ Eleanor Sky Villanueva