WALA PA KO MAISIPAN NA PAG-DEDICATE-AN NITO... :) ISIP MUNA AKO... HIHI. MEDYO MATAGAL PA ANG STORY.. SANA MAGUSTUHAN NIYO. SALAMAT SA MGA MAGBABASA!
CHAPTER 2
“Cassey, are you ready to go na?” tanong ni Franz kay Cassey. Graduation na niya. Lahat excited! Actually, lahat sila bumili ng ticket para lang makapasok sa loob ng PICC.
“Kuya, wait na lang! I’m just fixing up my things.” Sagot ni Cassey.
“Hurry up! We’re gonna be late,” ani Franz ulit.
CASSEY’S POV:
Hay, napaka-excited ng pamilya ko, mas excited pa yata sakin! Pero, alam ko proud lang talaga sila sakin. Kasi atlast, eto na ang bunso nila, ga-graduate na. At alam niyo bang umuwi pa si Ate Chesca for this special day lang? Two weeks lang siya dito sa Pinas. Ayaw siyang payagan ng boss niyang mag-bakasyon ng matagal dahil ‘di pa talaga niya dapat bakasyon. She just threatened them that she will resign if they won’t allow her for a two-week vacation, kaya ayun pinayagan na rin siya. Lakas ng loob ng Ate ko noh? Eh kasi naman, she’s already the head of their MedTech department.
Sa totoo lang, ito nami-miss ko sa Ate Ches ko. Yung katulad ng dati, kahit anong oras at araw ko siya istorbohin eh ayos lang. Andiyan lang siya para tanungin ako kung may problema o kailangan ako. She’s always there to make sure that I am okay. Nakaka-miss yung presence niya sa araw-araw. Pero, i-e-enjoy ko na lang ang bakasyon na kasama siya kahit two weeks lang.
“Cassandra! Gusto mo pa bang umakyat ng stage o diyan ka na lang sa loob ng kwarto mo?” boses ng Tatay ko sa labas. Medyo galit na. Ang tagal ko naman kasing nag-e-emote sa kwarto. Naiinip na sila. Excited nga di ba? Hehe. Pero maaga pa naman. By the way, Tatay ko nga pala si Gabriel Dominguez, taga-Maynila. Siya ang istorya ng from rags to riches. Hindi naman sobrang yaman, masikap lang talaga sa buhay at maibilidad ang Tatay ko. Graduate siya ng Medical Technology katulad ni Ate Chesca at nagtrabaho din siya noon. Kaya lang napansin niyang ‘di din naman siya yayaman doon kaya ayun, after 5 years as regular employee, he resigned and put up his own business with the help of his parents, my grandparents. Successful naman ang business niyang Drug Store with medical supplies kaya noong nagkaroon na siya ng sariling pamilya, pinagpatuloy pa din niya yun. Supplier na siya ngayon sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Galing ng Tatay ko noh? Hehe.
“Ayan na po, Tay,” sagot ko at lumabas na ng kwarto. “WOW! Ang Tatay ko, sobrang pogi at bango! Patay tayo dyan, bantay-sarado ka na naman kay Nanay,” pambobolang-totoo ko sa kanya. ‘Di naman sa pagmamayabang, habulin talaga ng chicks ang Tatay ko. Pero one-man-woman talaga siya at never pinagpalit ang Nanay ko. Sabi ni Nanay, namana ko daw sa Tatay ko ang lahat ng features na meron ako. Matangkad, maputi, matangos ang ilong at balingkinitan ang katawan. Marami din nagsasabing ang mga mata ko daw ang the best part of my body, expressive daw kasi. Parang laging may gustong sabihin.
“Naku, nambola pa ang bunso ko. Kung alam ko lang, may gusto kang hilingin niyan,” sagot ni Tatay sa akin.
“Hindi po, Tay. Sobrang nagpapasalamat na ‘ko na ga-graduate na ‘ko ngayon dahil sa pagsisikap ninyo ni Nanay para sa’kin.” Sabi ko sa kanya na medyo teary-eyed na. Thankful talaga ako kay Lord for giving me a responsible and loving parents.
“Sus, mag-iiyakan pa ba tayo dito? Ma-le-late na tayo! Pero anak, nagpapasalamat din kami ng Nanay mo sa Diyos dahil binigyan Niya kami ng katulad ninyong mababait na anak at salamat sa inyong magkakapatid at tinupad ninyo ang pangarap namin para sa inyo na makapagtapos ng pag-aaral. Napakagandang regalo nito sa amin,” emote ni Tatay. joke lang. Pinapatawa ko lang kayo. Sa totoo lang, touched ako sa sinabi niya, SOBRA.