ETO NA PO ANG CONTINUATION NG NABITIN.. HAHAHA! SALAMAT AT WALA NAMAN AKONG IBANG PINAGKAABALAHANG BAGAY KAYA MAY TIME AKO MAGSULAT ULIT..
DEDICATED ITO KAY KC CONCEPCION NA SOBRANG LOVE KO, TO THE HIGHEST! MABASA MAN NIYA ITO O HINDI, AYUS LANG.. BASTA DEDICATED ITO SA KANYA! HEHE!
WALA NG KOKONTRA.. CLUE NA YAN!!!
CHAPTER 9.5
Yung five minutes na sinabi ni Andrei, siyempre di natupad.. ahahaha! Kasi naman, sa kaka-flash back niya, hindi na niya natantiya ang oras. Tsaka ano naman kung late siya? Si Andrei ang may kasalanan kasi di sinabi sa kanya na aalis pala sila.
Nakasimagot na nga si Andrei nung bumaba siya, kasi ayaw nito ng late. He is such a time freak! Normal daw yun sa mga doctor na katulad niya. Well, ganun din naman sa mga nurses. Kaya lang, siya talaga ang may kasalanan. Kung sinabi nito na may lakad sila, hindi siya magpupuyat. Gustong-gusto kasi ni Cassey mag-relax. Yun bang walang nang-iistorbo sa pagtulog niya, especially pag puyat siya. Nung nag-aaral pa kasi siya, laging maaga siyang gumigising. Ngayon pa lang talaga siya babawi.
Matapos siyang pagbuksan nito ng pinto ng sasakyan nito – seryoso na itong pumunta sa driver’s seat at nagsimula ng mag-drive. Seryoso. Nakakatakot nga eh. Di naman malaman ni Cassey kung magsasalita ba o hindi. Sa bandang huli, siya na ang unang bumasag sa katahimikan. Di niya matiis na di ito kausapin. Alam niyang badtrip ito kasi ang tagal niya.
“Hey! May problema ba? Di ka namamansin dyan!” gulat niya dito sabay tapik sa braso nito.
“Cassandra!! Wag ka ngang manggulat! Paano kung may kasalubong tayo, eh di nadisgrasya pa tayo?!” mainit pa din ang ulong sabi nito.
“Aba, aba.. sinama mo ba ko dito para lang i-take for granted mo?! Kung ganun ang balak mo eh ibalik mo na ko sa bahay, wag na nating ituloy ito!!!” naasar na rin niyang wika. Naiinis na siya dito! Siya na nga ang naistorbo ang pagtulog, ito pa ang galit! Hmp! Hindi na niya ito kakausapin. Sa labas na lang siya ng bintana humarap para di masira ang araw niya.
Si Andrei naman, unti-unting ng nawawala ang init ng ulo kasi napansin niyang tumahimik na si Cassey. Mas gugustuhin pa niyang nagagalit ito sa kakasalita kesa tahimik, kasi di niya alam kung anong tumatakbo sa isipan nito.
“Sweetheart…” mahinahon niyang tawag dito. Pero di siya pinapansin.
Pinikit nito ang mata at nagpretend na natutulog. Alam na niya, galit na nga ito. Hininto na lang ni Andrei ang sasakyan niya sa tabi. Malapit na sila pumasok sa SLEX.
“I know you’re not really sleeping so please talk to me…” sabi ni Andrei dito at hinawakan niya ang kamay nito. At sinubukang iharap ang mukha nito sa kanya. dumilat naman si Cassey pero blangko lang ang tingin niya kay Andrei. Naghihintay siya ng paliwanag dito kung bakit ito nagkakaganun.
“Okay, I’m so sorry. I didn’t mean to take you for granted a while ago. Naiinis lang ako kasi parang sinadya mo pang mag-bagal kanina. Rush hour na at nag-aalala ako na baka ma-traffic tayo papunta sa Enchanted Kingdom.” Paliwanag nito.
As if EK is the magic word, biglang napangiti si Cassey. Okay, matagal na kasi niyang gustong pumunta ulit dun. Kaya lang may sinabi siya dati, parang oath ba, na gusto niya pag bumalik siya dun eh kasama niya yung taong mahal na mahal niya. yung magiging boyfriend niya. kaya nga kahit kaya naman niyang pumunta dun kasama ang mga kaibigan niya, di siya nagpupunta. Hahahaha! Tapos ngayon sinurprise siya ni Andrei at dun pala siya iti-treat! Awesome!!!