CHAPTER 17
ONE YEAR LATER.
Cassey’s POV:
Yes, it’s been a year since that awful vacation. I didn’t get the chance to talk to Andrei again after we got back from Boracay. Chris, Pia and I went straight to the airport and Ate Chesca had no choice but to accept my decision. She was furious about it, but said nothing. She didn’t called me even for once habang nasa Pilipinas siya. Hindi niya ako kinumusta, or kahit si Pia. Nagtampo siya na hindi ko in-explain sa kanya ang mga nangyayari, pero ayoko ng guluhin pa ang isip nila.
Nakapag-usap lang kami ulit nung tapos na ang bakasyon niya at bumalik na siya ng Los Angeles. Inamin niya na sumama ang loob niya sa’kin and I explained everything to her. She told me na kinausap siya ni Andrei pagkaalis ko, at nalaman kong nais nitong malaman kung nasaan ako. Pero ang sabi daw ni Ate Chesca, hayaan muna ako sa naging desisyon ko.
Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba o hindi ang pag-alis ko ng Pilipinas for the second time na hindi nagpapaalam sa kanya, kasi nahirapan din ako. Nasaktan ako, at mas matindi kaysa dati dahil tinanggap ko na sa sarili ko na hindi na kami talaga pwede. Ayoko ng masaktan ko siya ulit at masabihan ng mga salita na ako dapat ang sinasabihan. Ayoko ng maging maka-sarili na puro ako na lang ang tama at inaapi.
I want to be more mature and serious, and I think sa part na yun eh na-achieve naman. Since I came back from the Philippines, napansin ni Chris na masyado na akong naging seryoso. I don’t talk to him that much already, lalo na sa nararamdaman ko. I became more quiet and reserved. Wala akong pinagsasabihan ng totoong nararamdaman ko, kahit si Ate Chesca. I’ve been a loner because I thought I don’t deserve to be happy knowing that I hurt someone else’s feelings.
It’s been a year full of “what if’s”.
What if I talked to him again and asked him to fight for me? Naging kami kaya o atleast man lang napag-usapan namin ng maayos ang paghihiwalay namin?
What if kung binawi ko lahat ng sinabi ko at nag-sorry ako sa kanya? napatawad niya kaya ako at nagkaroon na siya ng lakas ng loob na ipaglaban ako?
Hindi ko na alam, hanggang tanong na lang ang mga yun.
After six months of being in L.A., I received a message from him in my Facebook account. He asked for my address and he would like to see me. He told me he broke of with Tee, and she understood. He told me he never stopped loving me, kahit nung sila pang dalawa ni Tee and he wanted to take me back, but I said no.
I cannot stand hurting him for the third time. Sabi nga, once is enough and two is too much. Hurting him for the third time, I cannot forgive myself. I don’t want to come to that point, dahil alam kong pagsisisihan ko. I knew he wanted to see me again, pero nakiusap ako sa kanyang kahit malaman pa niya kung nasaan ako eh wag niya akong pupuntahan. Nagmakaawa siya, pero sabi ko wag niyang ipilit dahil pag ginawa niya hindi na niya ako makikita ulit pati na si Pia. Of course, wala naman akong balak na itago sa kanya si Pia. Pero hindi pa panahon para magkita ulit kami. Ayokong hindi pa ako ready pag nagkita ulit kami, kasi baka sundin ko yung nararamdaman ko at makalimutan ko ang dapat kong gawin. Ayoko ng may masaktan ulit. I’d allow him to see Pia, but at the right time.
It’s been a year now, and I think I am more mature than before I left Manila. I am honestly thinking of going back home for good, ayon na rin sa request nila Nanay at Tatay. Tumatanda na sila at kailangan nila ng katulong na magma-manage ng family business. Sabi nila, pwede naman daw akong mag-apply na Nurse sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Kuya Franz at Ate Dani. Pero ang totoo niyan, ayoko talaga. Kasi alam kong makikita ko doon si Andrei everyday.