CHAPTER 18
MANILA, PHILIPPINES
One week na kami ni Pia dito sa Pilipinas, at hindi pa rin kami nagkikita ni Andrei. Hindi naman dahil ayaw niya akong Makita, pero hindi pa kami nagkakausap. Kung natatandaan ninyo, hindi niya alam na uuwe kami, di ba? Dahil sa kagustuhan kong ma-surprise siya, ako tuloy ang na-surprise dahil may doctor’s conference pala somewhere in Palawan. Wala pa din akong nakausap isa man sa pamilya niya, dahil hindi naman kami masyadong lumalabas ni Pia ng bahay.
I have Andrei’s mobile number, pero nahihiya naman akong i-text o tawagan siya. Di ba parang dyahe naman na biglaan na lang akong darating ng walang pasabi tapos tatawagan ko siya? Anong sasabihin ko, “Hi, nasaan ka? Andito kami ng anak mo sa Pilipinas.” Ganun ba? Haha! Ewan, basta nahihiya ako. sa dami ng atraso ko sa kanya, parang di ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya. Pero si Ate Dani at Kuya Franz ilang pilit na tawagan ko na daw or i-text, tutal daw eh di naman ako nagpasabi na darating. Sila nga ang nagbigay ng number ni Andrei sa’kin.
“Cassandra, do it now or I’ll do it for you? You choose. You have to do this, dahil ikaw ang gustong makipag-ayos. Hindi na uso ang nahihiya. Ang tanda niyo na, tapos may anak na kayo. Akala ko ba nag-matured ka na?” tanong ni Kuya Franz sa’kin.
Naayos na nila Kuya Franz at Andrei ang differences nila since I got back in Los Angeles. They talked and made up, and my brother realized na ako ang nagkamali. Nagalit siya nung malaman na biglaan na naman akong bumalik ng Amerika, tinawagan niya ako sa phone at doon ako sinermunan. He didn’t talk to me for almost two months dahil dun, ang sabi niya hanggat di daw kami nag-uusap ni Andrei di niya ko kakausapin. Tinotoo nga niya yun, kasi it’s only after I decided to talk to Andrei dun niya lang ulit sinagot ang mga tawag ko sa kanya.
Yes, mas kampi na siya sa bestfriend niya kesa sa’kin. O di ba? Nawalan ako ng kakampi bigla. But I am glad, really. Kasi kung magiging kami ulit ni Andrei, I want everything to be smooth-sailing. Yung okay siya sa family ko. I’m really glad that my mom is very level-headed and open-minded. Hindi niya ko kinampihan nung alam niyang ako ang mali, but she corrected me.
Pero, hindi maiaalis nun ang hiya na nararamdaman ko na kausapin siya. HAHAHA! Eh paano ba kasi ako magsisimula? I don’t know anymore.
“CASSANDRA!” nagulat ako sa sigaw ni Kuya Franz sa mukha ko. “What’s with you, huh?” he asked surprised.
“Uhm, Kuya.. ano kasi eh..” I am stammering. Ano ba naman yan? HAHAHA!
“Kelan ka pa naging ganyan? Tatay yun ng anak mo, ngayon ka pa nahiya? Eh may nangyari na nga sa inyo.” Naaasar na wika nito ulit.
Biglang sumabat si Dani doon, “Hon, don’t make it too hard on her. It’s normal. She’s still our baby, you know. And she’s in love. Hayaan mo muna siya.” Wow, infairness. Si Ate Dani ever loyal talaga sa’kin yan. Kahit ako na ang mali ako pa din ang kakampihan. Hahaha!
“Ayan, kaya lumalaki ang ulo niyan eh. Kasi kinakampihan mo pa din kahit na mali na siya.” Sagot ni Kuya. He’s really serious and starting to get mad, and I needed to intrude, or else baka sila pang dalawa ang mag-away. Baka pumangit ang pamangkin ko.
Yes, buntis si Ate Dani for six months na. They planned for it actually. Bawal siyang magdamdam kaya kailangan ko ng magdesisyon. Medyo emotional si Ate Dani these days, dahil na din sa pagbubuntis niya. at kung hindi pa ako magsasalita eh baka umiyak na ito maya-maya lang.
“Okay guys, enough of those. I’ll send him an SMS, so if nothing happens, huwag na kayong mag-comment ha? At please lang Kuya, wag mo ng pasamain ang loob ni Ate Dani dahil lang sa mga issues na hindi naman kayo dapat involved. This is my life, so let me fix this.” I told him. Yes, this is my life. I should fix this myself.