FALLING IN LOVE - CHAPTER SIXTEEN

79 0 0
                                    

CHAPTER 16

CASSEY’S POV:

After the emotional scene, iniwan muna namin si Pia kay Chris. Kung kanina eh sobrang lambot ng facial expression ni Andrei, ngayon hindi na. Seryoso na siya at mukhang galit pa. May 10 minutes na kaming magkasama, pero di pa rin siya nagsasalita. Ayaw ko namang mauna dahil di ko din alam kung ano ang sasabihin ko.

            “Kaya ba tayo lumayo sa kanila eh para di mo din ako kakausapin? Kung wala kang planong magsalita, babalik na ako sa hotel.” I said seriously. Alam ko kung bakit siya nagkakaganun pero naasar na din ako. Bakit siya umaarte ng ganun eh siya nga may girlfriend di ba?

            Naghintay ako ng isang minuto pa pero hindi pa rin siya nagsalita. Kaya nagdesisyon na akong iwan siya dun. Nakatalikod na ko nung narinig ko ang boses niya.

            “Alam ko wala naman akong karapatang magselos dahil ako nga may girlfriend di ba? Pero masama bang makaramdam ako ng ganito? Yung feeling na buti pa yung ibang tao kilala ng anak ko, pero ako hindi niya kilala? Yung ikaw nahahalikan ng iba kahit nakaharap ako at wala akong magawa kasi hindi ka naman akin? Masakit na makita kitang may ibang kasama, masakit na malaman na napapangiti ka niya at ako hindi, at ang mas masakit pa… Yung alam kong konti na lang maaagaw ka na niya, makukuha na niya ang loob mo. Alam mo ba yung pakiramdam na ganun, Sandy? Alam mo ba yung feeling na pinagkaitan ng karapatan sa anak ng kulang dalawang taon? Na kung sana hindi ka umalis ng hindi ko alam, eh di sana tayo pa rin hanggang ngayon? Wala sanang Tee na masasaktan ko, o Chris na aaligid-aligid sa’yo? Hindi mo alam yun kasi hindi mo naranasan yun.” Mahabang sabi ni Andrei.

Parang sinaksak ako sa puso ng maraming beses at hindi ko na kayang huminga. Yung lahat ng sinabi niya, totoo yun. Pero hindi ba kung mahal niya ko dapat hinintay niya ko kesa naghanap siya kaagad ng iba? Dapat hinanap niya ko para nalaman niya kung bakit ko yun ginawa. And right now, para akong sasabog at hindi ko na kayang pigilan lahat ng emosyon ko. Kaya hinarap ko siya at nagsimula akong magtanong din sa kanya.

            “Drei, sino ka para itanong sa’kin yan? Sino ka para sumbatan ako na hindi ko alam ang nararamdaman mo kasi hindi ko naman naranasan lahat ng naranasan mo? Totoo, masakit sa’kin na iwan ka lalo na nung nalaman kong buntis ako. Masakit sa’kin na masasaktan din kita sa plano ko. Masakit na magbuntis na wala yung magiging ama ng anak mo, pero nagpapasalamat ako sa mga taong hindi ako iniwan despite everything. Alam mo kung ano pa yung pinakamasakit? Yung makita at malaman mo na yung taong nagsabi sa’yo na mahal na mahal ka eh nakipagbalikan sa ex niya. Noong nandoon na ako sa point na gusto ko ng kausapin ka, bigla nalaman ko na nakahanap ka na kaagad ng iba. Alam mo ba kung anong naramdaman ko nun? Sabi ko sa sarili ko, ang laki kong tanga! Kasi pinabayaan kong lokohin mo lang ako. Na kaya mo naman pala akong ipagpalit kaagad kasi may naka-reserve naman na palaging willing na balikan mo. Kaya wag mong isumbat sa’kin ang lahat, Drei. Nagkamali man ako at nasaktan kita nung umalis ako, mas masakit pa rin na wala pang three months na umalis ako eh naipagpalit mo na ako. Buntis ako nun Drei, hindi ako nakakatulog masyado. Muntik na din akong magka-miscarriage dahil sa sakit na nararamdaman ko. Noong mga panahon na yun, di ko na naisip na may batang naaapektuhan ng pag-iyak ko. Pero nakilala ko sina Chris at Calvin. Oo, mahal niya ako. Minahal niya ako kahit alam niyang buntis ako ng mga panahon na yun. He took care of the things na dapat ikaw ang gumagawa. He never left me during my pregnancy, kahit pa ilang ulit kong sabihin na wala siyang pag-asa. Hindi siya nagsawa, ni hindi naghanap ng iba kahit pilitin ko pa. Their family accepted me, kahit wala naman akong maipagmamalaki. Alam mo yung feeling na sobrang grateful mo kasi meron pa palang ganoong klaseng tao? Na handang magpaka-martyr dahil sa sobrang pagmamahal niya sa’yo. Kahit ilang beses ko siyang itinaboy, patuloy pa rin niya kong minamahal. Kaya paano mong nasasabi yan, Drei? Yung taong yun na hindi ko in-expect na mamahalin ako ng totoo, siya yung nagpaparamdam ng mga pagkukulang mo. Pero hindi ko siya pinaasa, ni hindi ko ipinaramdam sa kanya na may chance na maging kami. He knows what I feel. Why can’t you be grateful? That person is willing to wait for me forever… Pero ikaw, agad mo akong pinagpalit! So, don’t you ever blame him. Ikaw ang totoong nang-iwan, hindi ako. You could have run after me, but you didn’t. You could’ve made a way just to see me, but you never showed any effort. So, don’t blame me if I fall in love with somebody else. I guess I deserve to be happy after all.” I was calm while saying all these things. I didn’t know where I got the courage to say all of that, pero yun ang totoo. Lahat ng sinabi ko, yun ang totoong nararamdaman ko. I can’t take it anymore. I cannot pretend that I’m not hurting just to let them know I’m okay.

Falling in love with my brother's bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon