Kath's POV
Kasalukuyang nasa university na ko. Napaaga ata ako, may inaabangan kasi ako.
"Psst! Kath!" Tawag ni Julia sakin kaya napalingon ako. Tinabihan niya ko, nakangiti lang siya na parang pinapahiwatig na ikwento ko ang nangyari kahapon.
"Successful. Nalasing ko siya." Sagot ko.
"And? Ano pa? Make kwento." conyong sambit niya.
"Masyadong madaming nangyari. I can't make kwento cause it's mahaba." Pagbawi ko sa conyo niyang sagot. Tinawanan niya lang ako.
"May nangyari?"
"Oo mero---" naputol ang sasabihin ko nang makita ang nangaasar na tingin niya. Ano bang iniisip nito ni Juls? Ang green-minded talaga hays.
"May nangyari pero di kagaya ng iniisip mo. Ano ka ba? Hays."
Parang na-disappoint tuloy siya HAHAHAHAHA me either pero buntis na'ko no. Baka maging twins pa to hahaha joke lang.
"Oh ayan na pala si bakla. Sige mauna na ko, enjoy!" Pamamaalam ni Julia habang nakangisi. Wtf Julia?
Nagkunwari akong di ko alam na paparating siya. Magpapabebe muna ako.
Pero nagulat ako nang lampasan niya ko. The heck. So ano yun? Pagkatapos ng mga confessions niya kagabi, di niya manlang ako papansinin?
Sabagay, lasing naman siya kagabi. Malamang di niya na natandaan. Pero bakit hindi niya ako pinapansin?
"DANIEL!" Tawag ko sakanya pero pumasok siya sa cr ng boys. So ano, mamboboso siya sa mga fafa?!
Inabangan ko lang siya sa tapat ng cr ng boys. Maya-maya lumabas din siya.
"Hoy mamansin ka naman!" Sigaw ko pero hindi parin siya lumilingon. Naiinis na ko ha!
"DANIEL WARREN HUGH!!!" Sigaw ko.
Napatingin tuloy lahat sakin. Shit.
"KAYO BA SI DANIEL?!" Galit na tanong ko sa mga tumingin. Pinagbulungan tuloy ako. Argh.
Di ko namalayan na nawala na pala sa paningin ko si Daniel. Nakakainis.
***
"Huy bat ka ba badtrip?" Tanong ni Julia na kanina pa ko kinukulit.
"Iniiwasan niya ko."
"Who?"
"Sino pa ba?"
Na-gets naman agad ni Julia kaya pinalamon niya ako ng limang sundae para kumalma ako. Hays ang sarap.
"Okay ka na?"
"Medyo." Sagot ko pero napakalawak ng ngiti ko.
"Ngayong okay ka na, bayaran mo na yan. 400 pesos yan lahat bes."
What?! Akala ko naman treat na niya kaya walang habas ako habang kumakain.
"Dapat sinabi mo na kanina!" Sigaw ko. Di ko macontrol ako sarili ko, parang lagi akong galit.
"Joke lang naman." Natatawang sagot niya kaya binatukan ko siya.
"Kagabi, sinabi ni Daniel na gusto niya ako."
Nagulat ako nang tumili si Julia. The heck Julia, wala tayo sa bahay!
"Seriously?" Kinikilig na tanong niya kaya tumango ako for a yes.
"Ang ingay naman." Bulong nung nasa likod namin kaya tinignan ito ni Julia ng masama. Yes, that's my bestfriend.
"Wag kang mangialam." Sagot ni Julia dun sa babae.
"May isa pang nangyari." Sambit ko.
"Ano ano? Omg. Nag-kiss ba kayo? Nag-makeout? Ano???"
"Teka chill ka lang ha." Sabi ko kaya tinakpan niya yung bibig niya.
"Hinalikan niya ako."
Napairit ulit si Julia kaya nagtinginan ulit lahat. Yung iba nairita na kaya lumabas na ng canteen hahahaha.
"Omg bes! Kayo na?"
Yun nga eh, akala ko okay na tapos ngayon he's ignoring me.
"Lasing siya nun, Julia." Malungkot na sagot ko.
"Duh di mo ba alam? Mas nagiging honest ang tao pag lasing sila."
Biglang lumiwanag ang mukha ko.
"Oh I saw that, nagningning ang mga mata mo bes." Pangaasar ni Julia.
"Kaso Juls, di nga ko pinapansin nung tao eh."
"Ano ka ba? Di lang niya tanggap na nahuhulog na siya sa'yo! Come on, Kath. Konti nalang mahuhulog na siya ng tuluyan."
After naming kumain, nagpaalam ako kay Julia na magc-cr ako kaya nauna na siya sa taas but sa halip na umihi ay nagkulong lang ako sa cr. Para akong baliw na nakangiti lang ng matagal habang nakatingin sa kawalan.
Pinaghahampas ko yung pader sa kilig. Kung nasa kama ako, malamang gumulong-gulong na ako.
"Anong nangyari?" Narinig kong tanong sa labas. Oh shit narinig ba nila yung paghampas ko sa pader?
Agad akong lumabas nang nakayuko at tumakbo na ako palabas.
"Ouch!" Sigaw ko nang may mabangga ako.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Daniel sa harap. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"S-sorry...bye.." Bago pa siya makaalis ay hinila ko ang kamay niya.
"Mag-usap tayo." Mariin na sambit ko kaya natakot siya at sumunod din naman. Dinala ko siya sa rooftop, dito kasi wala masyadong tumatambay.
"Ano bang sasabihin mo gurl at hinila mo pa ko ditey?"
Tinitigan ko lang siya. Ewan ko kung nag-aassume lang ako pero parang nagbago siya.
"Ano ba yan, magcucutting nanaman ba tayo? Wala ka namang sasabihin eh."
Hindi parin ako sumagot. Ano bang dapat kong sabihin? Tatanungin ko ba kung gusto niya talaga ako? Kung seryoso talaga siya kagabi? Pero paano kung hindi ang isagot niya?
"Nakakaloka ka naman. Napipi ka na ba? Haler?"
"B-bakit iniiwasan mo ko?" Yan ang tanging lumabas sa bibig ko.
"Hindi kita iniiwasan. Kailangan ba lagi kitang kausapin?"
DAMN.
"Alam mo, ang labo mo." Medyo pabulong na sambit ko.
"Oo alam ko. Yan din ang sinasabi ko sa sarili ko." Seryosong sagot niya.
"Nakakainis ka talaga, Daniel Hugh."
"Alam ko."
"Paasa ka."
"Alam ko."
"Pero gusto pa rin kita."
"Alam k---" naputol ang sasabihin niya at nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"Bakla ako, Katherine. Hindi dapat. Wag kang umasa kasi di kita kayang saluhin."
Parang may tumusok sa dibdib ko. Oo na, umasa ako.
"Sorry." Akmang aalis na siya nang pigilan ko siya.
I kissed him.
"B-bakit mo ginawa yun?" Tanong niya.
"Dahil gusto ko."
BINABASA MO ANG
Daniel the Virgin
HumorHe's gay and he knew that he is still VIRGIN. But a stranger told him that he is the father of their child. What will he gonna do? Genre: Humor #4 highest rank on Kathniel #34 highest rank on Humor