Chapter 40

1.1K 29 3
                                    

Kath's POV

Ano bang sinasabi nito ni Leo na we're together?! What the fuck.

"Leo, stop." Bulong ko na parang naiirita na.

"What?" Nagtatakang tanong niya.

Tumayo na rin si Camilla at sinundan si Daniel na nag-walkout.

"We're not together." Paglilinaw ko sabay walk-out din. Kailangan kong kausapin si Daniel.

"Nakita niyo si Daniel?" Tanong ko kila Tres.

"Ah doon. Tinatawag nga namin ayaw kaming pansinin. Ano bang nangyari dun?" Tanong ni Dos.

"Basta. Salamat." I replied saka nagmadaling pumunta sa tinuro ni Dos.

Nang makarating ako doon, I saw Daniel and Camilla hugging each other. A tear escaped my eyes.

Nagmadali akong tumakbo palayo doon.

"Kath!!!" Sigaw ni Leo nang makita niya ako. Di ko na mapigilang yakapin siya habang humihikbi.

"I was too late..too late..." I said between my sobs.

Pagkatapos noon, yinaya muna ako ni Leo na kumain pero wala akong gana.

"Magpapahangin lang ako." Bulong ko.

"Samahan na kita." Sambit ni Leo at akmang tatayo.

"No. Gusto kong mapag-isa." Sagot ko.

"Baka ano pang mangya---"

"Please." Pagputol ko sa sasabihin niya.

"Fine. Bumalik ka agad ha." Pagpapaalala niya sabay tapik sa ulo ko.

Lumabas ako ng venue at naglakad-lakad. Malayo na ang linakad ko at di ko na alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko lang, nasasaktan ako.

Hindi alintana sakin ang malamig na simoy ng hangin at ang mga preno ng sasakyan. Dire-diretso lang ang paglalakad.

"Kath!"

Hindi ako lumingon. Malamang ay imahinasyon ko iyon dahil sabik akong marinig ang boses niya ngayon.

"Kath!" Tawag ulit nito.

I continue to walk, masakit na ang paa ko pero wala akong maramdaman. I'm numb.

Napatigil lang ako nang may humila sa braso ko.

"Ano bang ginagawa mo?!" Galit na tanong niya habang mahigpit na nakahawak sa braso ko.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa ko.

"Sumakay ka na. Ihahatid na kita sainyo." Sambit niya.

Hindi ako sumagot kaya hinila niya na ako papasok sa kotse niya. Habang nagmamaneho siya, nakatulala lang ako habang nakatingin sa labas.

"Kath.." Tawag nito sakin.

"Daniel, please take me everywhere. Wag lang sa bahay. Please." Sambit ko habang nakatingin parin sa labas.

Nagulat ako nang dinala niya ako sa di pamilyar na bahay. Kaninong bahay 'to?

"Bahay ko 'yan." Sagot niya na para bang naririnig niya ang iniisip ko.

"K-kelan ka pa nagkaroon ng sariling bahay?" Tanong ko.

"Last year lang."

Parang nalungkot ako bigla. Sa loob kasi ng limang taon, ngayon ko nalang ulit siya nakausap ng ganito. Nakakapanibago.

"So dito mo talaga ako dadalhin? Hindi ba magagalit girlfriend mo?" Tanong ko. Napangiti siya.

"Kung alam mo lang.." Bulong niya.

Hindi na ako nagsalita at sumunod nalang sakanya. Pinaupo niya muna ako sa sofa at pinagtimpla ako ng maiinom.

"Bakit mag-isa ka lang? Nasan si Camilla?" Tanong ko.

"Eh ikaw. Bakit mag-isa ka lang din kanina? Bakit di mo kasama si Leo?"

Bakit, kailangan ba kasama ko lagi si Leo?

"Oh, juice mo." Alok niya sabay upo sa tabi ko.

"Sa limang taon...di ka parin nagbabago." Sambit niya.

Binigyan ko siya ng 'ano?' look

"Maganda ka parin.." Bulong niya.

Nabulunan tuloy ako.

"Hala sorry" Sambit niya sabay punas sa damit kong natapunan.

"A-ano bang sinasabi mo? May girlfriend ka na, Daniel. Hindi na pwede." Mapait na sambit ko.


"Alam kong masaya ka na sakanya, dapat ako rin diba? Ha-ha kasi hello? Limang taon na tapos.." Napatigil ako sa pagsasalita.

"..tapos di parin ako nakaka-move on" Pagpapatuloy ko sabay yuko.

"Pero i'll be fine. Babalik na rin naman ako sa UK bukas.."

"Ha?! Aalis ka pa?!"

"Yep. Malay mo when I go back, makahanap na rin ako ng para sa'kin." Sagot ko habang nakangiti ng mapait.

"What about Leo?" Nagtatakang tanong niya.

"Anong what about Leo?"

"Nevermind. Dito ka ba matutulog?" Tanong niya at tumango ako bilang sagot.

"Dito nalang ako, doon ka na sa kwarto ko." Sambit niya.

Pagkatapos ng gabing ito, wala na. Hindi na ulit kami magkikita. Kaya sa tingin ko, dapat itanong ko na 'to sakanya.

"Mahal mo ba talaga siya?" Tanong ko.

Natahimik siya.

"Ikaw ang mahal ko, Kath. Ikaw parin." Sagot niya.

"Kung pwede lang.." Dugtong niya.

"Kaso hindi na pwede.."

"Pwede pa, Kath." Sagot niya.

"Paano si Camilla? Sasaktan mo nalang siya? Iiwan mo nalang?"

Napahawak siya sa sentido niya.

"Ang komplikado kasi eh. Ang hirap ipaliwanag."

"I understand. Kasalanan ko rin naman. Iniwan kita, malamang makakahanap ka talaga ng bago." Natatawang sambit ko.

"Hindi, Kath."

"Akala ko kasi pareho tayong naghihintay. Ako lang pala. Nakakatawa no."

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang lumalabas sa mata ko.

"I still love you and I will always love you.." Bulong niya at marahang linapat ang mga labi niya sa labi ko.

Daniel the Virgin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon